20

4.9K 130 1
                                    

 
  
TODAY is her scheduled flight back to the Philippines. Ayaw pa siyang payagan ng Dad at ng grandparents niya pero kinumbinsi ng mommy niya ang mga ito with a promise na lagi siyang tatawag sa mga ito.

"Your papers are all settled, Vianne. You are now Violet Anne Martin. Inayos na ng Dad mo ang lahat. Ang dapat mo na lang gawin ay mamuhay ng naaayon sa gusto mo." Inabot sa kanya ng ina ang mga dokumento niya. From her corrected birth certificate hanggang sa passport niya. Kasama sa mga inabot nito ay ang pera na allowance niya.

Tatanggihan pa sana niya ang pera pero tiningnan siya ng masama ng ina.

"Mom, ang dami niyo na po binigay na debit card at atm card sa akin. Sapat na po siguro 'yon."

"I know but you said that you wanted to help the people in need, right?" Tumango siya rito. "Kakailanganin mo ito."

Napangiti na lang siya sa suporta na binibigay sa kanya ng ina. Hinanap niya si Drake dahil sabi nito na sasabay ito sa kanya pabalik ng bansa pero hanggang ngayon ay wala pa ito. Nagtext ito kanina na may dadaanan na kaibigan. Hindi na nito nasabi kung sinong kaibigan.

"Wala pa rin ba si Drake?" tanong ng kanyang ina. Tinawag na din ang flight nila kaya nag-aalala siya kung bakit wala pa din si Drake.

"May dadaanan daw po na kaibigan. Kanina ko pa po siya tinatawagan pero hindi niya po sinasagot."

Maging ang ina niya ay bakas ang pag-aalala sa mukha.

"Hindi kaya may nangyari sa kanyang masama?"

Nabuhay ang kaba at takot sa dibdib niya. Kinakabahan siya tulad ng naramdaman niya nang makita si Adeline. Natatakot na baka magbalik ang nararamdaman ni Drake sa dating asawa.

Kinuha ko ang phone ko at muling tinawagan si Drake. Ring lang ito ng ring. She called him again. Nabuhayan siya ng loob nang may sumagot sa kabilang linya.

"Drake, nasaan ka na ba? Tinawag na ang flight natin."

Silence. That's all she can hear from the other line.  Until she heard a noise. Napakunot ang noo niya. Boses ng dalawang lalaki na parang nagtatalo ang nadidinig niya. Hanggang sa namatay ang tawag. Nang muli niyang tawagan si Drake ay hindi na ito nagriring.

Ngunit may dumating na mensahe mula rito.

~I am so sorry, Vianne. I still love my wife.

Gumuho ang mundo niya sa mensaheng iyon. Mabutibna kamang at agad siyang nasuportahan ng ina. Kung hindi ay napasalampak siya sa sahig.

Bakit ito nagawa sa kanya ni Drake? Akala niya mahal siya nito pero mas mahal pa rin pala nito ang dating asawa.

"What's wrong, Vianne?" Nag-aalala siyang pinaupo ng ina sa waiting area.

Hindi na niya napigilang mapahagulhol. Niyakap naman siya ng ina para icomfort.

"He cheated on me, mom. Mahal niya pa rin si Adeline." Para siyang bata na humagulhol sa balikat ng ina.

Pain. Heartache. Betrayed. Halu-halo na ang nararamdaman niya. She doesn't know what to think first. Her flight was called for the last time. Uuwi ba siya ng Pilipinas o ipaglalaban si Drake?

Kahit ipaglaban mo siya hanggang kamatayan kung hindi talaga ikaw ang mahal niya, masasaktan ka lang.

Gusto niyang kontrahin ang sinasabi ng isip pero may punto ito. Hindi na siya mahal ng binata kaya para saan pa kung ipaglalaban niya ito.

"Mom, I have to go. Maiiwan akonng flight." She stood up like nothing happened. Pinunasan niya ang luha sa pisngi at mga mata saka tumayo.

Tiningnan niya ang entrance papunta sa eroplano. Her vision became blurry. Naiiyak na naman siya. Mabilis niyang pinalis ang luha at nagsimulang humakbang.

Reborn of a KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon