Natulog nang magkakasama sa kama sina Gio, Carl at Macoy. Pagod na pagod sila mula sa nangyari kagabi. May dumating na breakfast mula sa hotel at sila'y kumain ng scrambled eggs, bacon, corned beef, hash browns, coffee at orange juice.
Nag checkout sila sa hotel at naghihintay sa kanila sina Fidel at Grace. Agad silang lumabas ng hotel para umuwi sa bahay. Dumating sa kanilang pagdating ang kanilang mga labahin kaya nag start si Macoy na mag sort ng mga clothes. Naglaba naman sina Gio at Carl ng mga damit habang nagtutulungan sina Fidel at Grace sa pag impake ng mga awards at medals para ilagay sa kanilang bahay sa probinsya. Tapos nang maglaba sina Gio at Carl kaya tinulungan sila ni Macoy sa pagsampay ng kanilang mga labahin. Nagluto naman sila ng Spicy Chicken and Pork Adobo.
Kinahapunan, sinama muna nina Gio at Carl si Macoy sa fitness studio para sa 3x a week na gym at martial arts kina Kyle at Sean. Mas nag improve ang weight at body mass ni Macoy na mas inspired sa mga taong nagpapaganda ng katawan. Tuwang tuwa naman kina Gio at Carl sa training na jiujitsu. Soon, makikilala ni Macoy ang Junior student sa school at anak ni Sean.
"Macoy, parang mas nagaganahan ka ah. May inspiration ka ba?" Tanong ni Sean.
"Nothing sir. It's just for exercise and self defense. Pag may binubully ako, talagang iiwan silang lupasay. Hindi porke't bakla eh hindi lalaban. Humanda sila sa'kin at lulumpuhin ko sila." Sagot ni Macoy.
"Oh sige, basta ingat ingat. Sa next school year, makikita mo si Fredo, yung anak ko. Magiging kaibigan mo yun kapag nag CAT ka na sa Juniors." Sabi ni Sean.
Nagpatuloy si Macoy sa kanyang exercise. Nag exercise din pala sina Gio at Carl sa gym.
Dinner time na kaya naghain si Grace ng sweet and sour fish. Habang kumakain may sinabi si Fidel sa kanila.
"Guys, since tapos na ang graduation month eh napag desisyunan namin ni Mahal na mag vacation leave kasi mag bakasyon tayo sa probinsya namin sa Batangas since malapit nang mag Holy Week. Mag impake na tayo ng mga susuotin natin, yung sando at shorts lang..." Pinigil si Gio sa pagsasallita ni Fidel.
"Ay Pa, since malapit nang mag Holy Week eh tinatapos namin ang mga trabaho sa work. Babalik kami dun - Tuesday after ng Easter Sunday." Si Gio.
"That's good anak." Si Fidel.
"Ano pong gagawin natin sa bahay?" Si Macoy.
"Ahh..papakita ko sa'yo ang mga pictures nung bahay. Ewan ko kung magugustuhan mo yun. Luma na kasi eh." Si Carl.
"That'a fine with me since hindi pa po ako nakakakita ng old house. Pero since Holy Week eh bawal ang TV at radyo so books lang muna." Si Macoy.
Sa mga sumunod na araw bago mag Holy Week, inayos na ni Gio ang mga paperworks sa office, gayundin sa ospital, kung saan may commendation sina Fidel at Grace dahil sa operasyon ng business partner ni Mr. Yamada. Pumunta din si Cesar para magpaturo kay Macoy ng dagdag na Nihonggo lessons. Naging masigasig na si Cesar sa kanyang pag-aaral kasama si Macoy habang si Lance nasa basketball practice sa school.
Nag impake na dìn sina Carl at Macoy ng kanilang dadalhin para sa Holy Week vacation sa Batangas. Puro cotton shirts, sandos, shorts at iba pa. Dinagdag pa sa kanila ang mga medals at trophies nila na dadalhin sa farm house-slash-ancestral house.
Kinuwento din ni Carl at Gio kay Macoy ang tungkol sa ancestral house ng mga Gonzalez.
Hindi naman matatawag na nouveau riche ang mga Gonzalez pagdating sa negosyo. Hindi sila haciendero pero may poultry ranch kaya naging numero unong producer ng poultry products sa buong nayon. Ginagalang at minamahal ng mga tao ang mga Gonzalez dahil mababait at masayahing tao ang kanilang angkan. Sa ngayon, ang Rancho Gonzalez nasa pamamahala ng Tito ni Fidel -- si Paciano Gonzalez.
BINABASA MO ANG
BEDROOM WITH MY STEPBROTHERS (COMPLETE)
Mystery / ThrillerNakilala ni Macoy ang mga mababait at gwapong stepbrothers. Sila ang nagturo sa akin ng lahat ng bagay. Everything was perfect nang dumating si Lance - ang nagpatibok ng kanyang puso. Pero dahil sa kahihiyan ay gumawa siya ng isang bagay na kanyang...