It's another day sa school ni Macoy at start na ng school year. Tapos na ang flag ceremony at balik classroom sila.
"Hayeee!!! Ang sobrang gwapo nun..." Sabi nung isang classmate.
"Teka muna, sino ba yung pinag uusapan nyo't parang may dumapong ipis?" Tanong ni Macoy.
"May bago daw tayong classmate. Sabi nila gwapo daw." Sagot ni Cesar.
Ibang iba na ang hitsura ni Cesar ngayon kasi proper na siya - compared sa dati na bully.
"Oh? At saka nagbago ka na after 24 hours. May nangyari ba?" Tanong ni Macoy.
"Yung tatay ko, lumuhod ako sa dalawang batya na may asin. Hindi ko na uulitin Macoy." Sabi ni Cesar.
Masaya naman at sinusubukang magbago ni Macoy si Cesar.
Dumating ang advisor na may gwapong lalake sa classroom. He's about 5'10", lanky, muscular at napaka gwapong mga ngiti.
Pagkatapos ng introduction ni Teacher, nagpakilala na ang bagong student. Nagsisigawan at nagtitilian ang mga girls at gays.
"Good Morning. I'm Lance Ramos. It's nice to meet you."
Pagkatapos ay ipinaupo siya sa second row. Kung si Macoy ay nasa left handside, dun si Lance sa kanan.
Pagkatapos ng English at Algebra, may 15-minute break muna sila. Tinuturuan ni Macoy si Cesar tungkol sa basics. Pumunta si Lance upang humingi ng tulong.
"Excuse me sir." Tanong ni Lance. Tawang tawa si Macoy sa sinabi ni Lance.
"Ummm the term 'Sir' only applies to elderly men"
"Ay sorry. Itatanong ko lang kung saan yung sa men's basketball varsity. Gusto ko sanang mag apply." Tanong ni Lance. Sumagot naman si Cesar.
"Pumunta ka kay Sir Rey pero pagkatapos ng class..." sabay nag handshake kay Lance.
"Cesar pare."
"Lance pare...and you are..."
"Ferdinand Eugenio soon-to-be Gonzalez. You can call me 'Macoy'" sabi ni Macoy sabay handshake.
"Anong soon-to-be? Magpapakasal ka na ba sa'kin?" Tanong ni Cesar.
"Sira..yung Mama ko kinasal sa widowed man na may anak din. So Gonzalez na si Mama. Inaasikaso nila ang papers ko."
"Isa pa, hindi mo pa ako pwedeng ikasal kasi ilegal ang same-sex marriage sa Pinas...sorry ha" sabi ni Macoy.
"Talino mo pala pare. Nice to meet you."
Pagkatapos ay balik session sila for History and Filipino at tapos nun ay lunchtime. Habang kumakain sila ay mayroong kotseng pumarada sa labas ng classroom building.
"Teka lang. Ubusin mo na yung pagkain mo." Sabi ni Cesar.
Naka parking yung kotse at nakita ang isang napaka gandang lalake - mas gwapo pa kay Lance pero tumitingin lang sa kanya. Para siyang may masamang gustong gawin sa kanya.
"Excuse me, sino po kayo?" Nakatingin lang siya.
"Para siyang isang anghel." Sabi ni Macoy.
Maamo ang mukha, singkit ang mga mata, matangos ang ilong, manipis ang mga labi. Pagkatapos ay pumasok ang lalake sa sasakyan at saka umalis. Bumalik si Macoy at nakitang inaayos na ang lunch boxes ni Cesar.
"Sino yun? Boyfriend mo?" Tanong ni Cesar.
"Wala. Wala nga akong boyfriend eh." Sagot ni Macoy.
BINABASA MO ANG
BEDROOM WITH MY STEPBROTHERS (COMPLETE)
Gizem / GerilimNakilala ni Macoy ang mga mababait at gwapong stepbrothers. Sila ang nagturo sa akin ng lahat ng bagay. Everything was perfect nang dumating si Lance - ang nagpatibok ng kanyang puso. Pero dahil sa kahihiyan ay gumawa siya ng isang bagay na kanyang...