Tapos na ang Christmas Party ng mga estudyante pero hindi natatapos ang mala-Nightmare Before Christmas. Ni report ni Mr.Gomez kay Dr.Umali ang nakitang ulong pugot ng kilalang drug lord at ama ni Angela na si Fabian Aguirre.Nakita nila ang ulo ni Fabian, which means kailangang hanapin ang katawan ni Fabian. Dahil busy ang buong pamilya, dumating ang company driver ni Harvey Yamada. Sumakay si Macoy at nakisabay na din sina Cesar at Lance.
"Tama nga si Chrissy - Nightmare Before Christmas talaga. Teka, kung ulo ni Fabian then it means wala na ang sindikato." Si Cesar na naka posisyon sa kanang bahagi ni sasakyan.
"Maliit lang ang sindikato ni Senyor Fabian pero may impluwensya yung tao. Nagbibigay ng donasyon sa simbahan o sa pari." Si Lance na nakaupo sa likod kasama si Macoy.
Hindi makapaniwala si Macoy sa kanyang narinig mula kay Lance. Sinong mag aakaka na ang simbahan ay tumatanggap ng donasyon mula sa isang drug lord.
I knew it. Priests and the Church are all hypocrites.
"Alam mo ba kung sino ang tumatanggap ng donasyon?" Si Macoy.
Napapa isip si Lance kung sino o anong simbahan nagbibigay ng tulong si Fabian Aguirre. Ilang sandali, isang pangalan ang binanggit ni Lance na nagpa init ng ulo ni Macoy.
"Si Fr. Michael Galang...isa yun sa mga paring binibigyan ng donasyon ni Senyor Fabian."
Halos suntukin ni Macoy ang pintuan ng sasakyan sa sinabi ni Lance. Bumabalik na naman ang lahat kay Macoy.
"Macoy, okay ka lang? Parang nag-iinit ka sa galit eh." Sabi ni Macoy.
Nagsalita si Macoy sa driver sa salitang Nihonggo.
"Karera o karera no ie ni oroshi, Haru no ofisu ni ikimasu. Yoroshikuonegaishimasu. (Pakibaba po sila sa mga bahay nila tapos punta po tayo sa opisina ni Sir Haru. Salamat po.)" Sabi ni Macoy.
Inihatid muna si Lance.
"Uuwi na ako guys. Bye." Sabi ni Lance kina Macoy at Cesar.
"Tatambay ako sa bahay mo ah." Sabi ni Cesar.
"May pupuntahan pa ako eh. Sige Lance." Si Macoy.
Inihatid naman si Cesar sa bahay nila. Magmula nung naging close ang tatlo, lagi na silang bumibisita o tumatambay sa bahay nila. Minsan sa bahay ni Cesar o Lance pero bihira lang kay Macoy.
Bumiyahe si Macoy sa opisina para kamustahin sina Gio, Carl at Harvey. Nag send ng group text message sa parents niya at sa mga kuya niya ang nangyari sa Christmas Party. Pagkapasok ng building ay tumungo agad si Macoy sa opisina ni Gio.
Umupo muna si Macoy sa couch ng receiving room habang hinihintay si Gio o Carl. Ilang sandali lang, binigyan ng receptionist si Macoy na pwede na siyang pumasok sa opisina ni Gio o sa workstation ni Carl.
Lumakad siya papasok ng work floor para puntahan si Carl pero umalis daw at naghahanda para sa Christmas Party kaya pinuntahan agad niya ang opisina ni Gio. Kinausap niya ang secretary ni Gio na babaeng nasa thirties na ang hitsura.
"Excuse me. Is Mr. Sergio Gonzalez here?" Tanong ni Macoy.
"Yes. Who are you?!" Sabi ng secretary na mataray ang ugali. Ipinakita ni Macoy ang Student ID niya.
"I'm his younger brother. Andyan po ba siya?"
"Sandali lang po..." Sabi ng sekretarya saka kinuha ang telepono at nag dial.
"Sir Gio. There's someone who wants to see you...ummm...okay sir." Sabay baba ng telepono.
"I'm so sorry for the inconvenience. You can go inside." Si sekretarya.
BINABASA MO ANG
BEDROOM WITH MY STEPBROTHERS (COMPLETE)
Misterio / SuspensoNakilala ni Macoy ang mga mababait at gwapong stepbrothers. Sila ang nagturo sa akin ng lahat ng bagay. Everything was perfect nang dumating si Lance - ang nagpatibok ng kanyang puso. Pero dahil sa kahihiyan ay gumawa siya ng isang bagay na kanyang...