It's the Finals.
Freshmen versus Sophomores.
Matapos na itumba ng Freshmen ang Juniors at Seniors, makakalaban ng mga bagitong Freshmen ang "lethal" na Sophomores. Sila ang Grand Champion sa Southern Luzon Basketball Cup, kung saan inilampaso nila ang mga taga Batangas. Kinakabahan si Lance habang gigil sa practice si Macoy.
Nasa park ng school nagkukwentuhan sina Macoy, Lance at Cesar.
"What?! Sila pala ang ipinadala ng school sa basketball cup?! Kaya natin yun." Sabi ni Macoy na sinegundahan ni Cesar, "Kung marunong ka lang eh mananalo tayo kaso ni isang team sport eh ayaw mo."
Nakita nila si Lance - malungkot at mag-isa. "Oh Lance, OK ka lang ba? Parang Biyernes Santo ang mukha mo."
"Hindi ko alam kung tatalunin ba natin ang Sophomores? Sa NBA, eh 'Dream Team' yun. Baka nasa kangkungan tayo eh." Sabi ni Lance.
Kaya nagbigay ng words of encouragement si Cesar, "Sabi ni Papa sa'kin eh 'Ang umaayaw ay hindi nagwawagi. Ang nagwawagi ay hindi umaayaw.' kaya gawin natin ang best natin."
May alinlangan pa rin si Lance tungkol sa match, "Kinakabahan pa din ako. Parang gusto kong mawala."
Sabi ni Lance. Kinuha ni Macoy ang kanyang kamay, inilagay sa balikat ni Lance at pinisil na parang nilalambing."Playing a game isn't about winning. It's about having fun. Kapag masaya ka na, winner ka na nun. Yung trophy eh bonus na yun." Sabi ni Macoy nang tumingin uli si Lance at sabi, "Eh ang lalakas nila eh. Para akong David na nakikipaglaban sa mga.." nang tumigil sa pagsasalita ni Lance at inilapat ang daliri ni Macoy sa mala-rosas na labi ni Lance.
"Isang salita pa eh hahalikan kita eh. Wala yan sa SIZE, nasa PERFORMANCE lang yan." Sabi ni Macoy.
Halong kilig at libog ang naramdaman ni Lance sa sinabi ni Macoy. Ito ata ang unang pagkakataong may nagsabi nun sa kanya.Nagsimula na ang laban. Parang nakikita ni Macoy na wala si Angela. Sabi daw nila, for security reasons. Any moment from now, nandyan si Mayor Ito Sibayan para sa Awarding Ceremonies. Dikit na dikit ang laban ng dalawang teams at ang kanilang fans. Nag free throws sina Lance at Cesar. Puro magagaling sila sa basketball kaya si Macoy eh hanggang "viewer" lang at hindi "player".
"Ang ating school, 75-73 pabor sa Sophomores" Sabi ng announcer.
Nag half-time lang sila at para magkaroon ng extra energy, binigyan ang Freshmen ng energy drinks - maliban kina Lance at Cesar. Binigyan sila ni Grace at Carl ng smoothies for energy. Para silang mga sasakyan na kailangan ng fuel. Pagkatapos ay bumalik sila sa game. Mas excited sina Lance at Cesar sa game - parang walang pagod sa pag dribble, pagpasa, pag shoot, pagtalon at pagtakbo para saluin ang bola. Napapagod na ang Sophomores pero ang Freshmen - revitalized and energized.
Pagkatapos ay naideklarang nanalo ang Sophomores sa score na 101-98. Nagpasalamat ang Sophomores sa Freshmen for a wonderful game at kinamayan pa nila sina Cesar at Lance dahil sa pinakita nilang performance. Umiiyak pa din si Lance kaya tumakbo si Macoy para i congratulate sila ni Cesar.
"Uhmm..sorry Macoy. Sorry talaga."
Sabi ni Lance kay Macoy. Sumama pala sina Grace at Fidel.
"S-sorry M-macoy..talo po kami huhu" Sabi ni Lance kaya pinakalma sila nina Cesar at Macoy, "At least nag enjoy ka." Sabi ni Macoy.
Kinagabihan, inannounce nila ang mga medals para sa mga nanalo. Sumisigaw nang malakas at nagpalakpakan ang madla nang tinanggap ng Freshmen Basketball Team ang kanilang silver medals. Tuwang tuwa naman si Lance dahil sa salita nina Cesar at Lance, mas may confidence na ako.
BINABASA MO ANG
BEDROOM WITH MY STEPBROTHERS (COMPLETE)
Mystery / ThrillerNakilala ni Macoy ang mga mababait at gwapong stepbrothers. Sila ang nagturo sa akin ng lahat ng bagay. Everything was perfect nang dumating si Lance - ang nagpatibok ng kanyang puso. Pero dahil sa kahihiyan ay gumawa siya ng isang bagay na kanyang...