Nasa loob ng bahay ng mga Gonzalez sina Agent Cris at Agent Neil. Pareho silang nagtapos ng Law sa isang sikat na university at pagkatapos ay nag apply as agents sa NBI. Mas matangkad si Agent Cris kaysa kay Agent Neil, ngunit pareho silang average body type – walang abs, pero may mga balahibo sa braso si Agent Cris.
“Iniimbita ka namin para sa ginagawang investigation sa pagpatay kay Angela Aguirre at sa mga kasama niya.” Si Agent Neil.
Umupo si Macoy sa sofa habang si Grace ay pumunta sa kusina para gumawa ng orange juice at kaunting crackers. Tumango si Macoy sa mga Agents habang nakikinig lang sina Grace, Harvey at Gio.
“Ferdinand..ilang taon ka nang nag-aaral sa St. Francis Academy?” Si Agent Cris.
“Macoy’s fine. Nag-aaral ako dito since 2002.” Si Macoy.
“Marami ka bang kaklase dito?” Si Agent Neil.
“Mmm..a couple of friends po.”
“Mayroon ka bang friend o classmate na hindi mo kasundo?” Si Agent Cris.
“Yes po. There’s only one na inis na inis ang lahat sa kanila.”
“Sino yun?” Si Agent Cris.
“Si Angela Aguirre.”
Nagkatinginan ang mga agents, saka itinuloy ang tanungan.
“Pwede bang malaman kung bakit? Naka record naman ang pag-uusap natin sa recorder ko.” Si Agent Neil.
Nag buntong-hininga si Macoy, saka siya nagkwento.
“She’s a bird brain. Laging bagsak sa mga quizzes niya. There was a time na tinanong ng Algebra teacher si Angela kung pupwedeng humarap sa blackboard at sabihin kung papaano nya nasagutan ang mga tanong. Hindi nya alam ang sagot kaya naparusahan ni Mr. Pangilinan.”
“Sumali pa siya sa Cheerdance Competition namin, but it was absurd. She danced like a prostitute sa harap ng maraming tao. She tried to bully my classmates – specifically me…” Patuloy pa rin ang mga agents na makinig kay Macoy.
“Tapos? Meron pa ba siyang ginawa?” Si Agent Cris.
“Yes sir. There was a time that I caught them smoking. I thought they’ll smoking cigarettes…but it turns out to be marijuana…”
Natigil sa pagsasalita ni Macoy nang magtanong si Agent Neil.
“Papaano mo nasabing marijuana yun?” Tanong ni Agent Neil na sinagot naman ni Macoy.
“Alam ko po yun based sa cigarette butts. Parang hindi pangkaraniwan ang itsura ng sigarilyo. Ni-report ko po yan sa Class Advisor namin na si Mr. Gomez.”
Nagtanong uli si Agent Neil kay Macoy.
“Macoy, tinanong namin ang mga ilang students at iisa lang ang kwento – tungkol sa eksena sa basketball court. Totoo po bang sinaktan mo si Angela?” Tanong ni Agent Neil at umiling lang si Angela.
“Bakit hindi mo siya sinaktan o sinabunutan?” Si Agent Cris.
“Sabi sa akin, ‘wag akong papatol sa mga taong hindi ko naman ka-level. She’s just getting attention. Wala siyang pakialam sa studies. All she want was to flirt my friend Lance not just him but every student and teacher.” Maanghang na sinabi ni Macoy.
Diretsahang nagtanong si Agent Cris
“May kinalaman ka ba sa nangyari kay Angela?” Tanong ni Agent Cris na sinagot naman ni Macoy.
“Wala po akong kinalaman dun. Siya na nga akong sinaktan at pinahiya sa maraming tao eh, tapos ako pang gagawa yun sa kanya? ” Sabi ni Macoy.
“Mayroon pa bang ibang witness para matukdukan na ang kaso ng pagpatay kay Angela at sa mga kaibigan niya?”
BINABASA MO ANG
BEDROOM WITH MY STEPBROTHERS (COMPLETE)
Mystery / ThrillerNakilala ni Macoy ang mga mababait at gwapong stepbrothers. Sila ang nagturo sa akin ng lahat ng bagay. Everything was perfect nang dumating si Lance - ang nagpatibok ng kanyang puso. Pero dahil sa kahihiyan ay gumawa siya ng isang bagay na kanyang...