November 21, 2003
Friday
5:45 amHalos lahat ng mga students ay excited na sa kanilang field trip. Marami sa mga students ay nagdadala ng damit, laruan, gitara, cameras at cellphones. Para sa iba, this is the time na mag-enjoy mula sa books at homework.
Bago sumakay ng bus, nagbigay ng instructions sina Fidel at Grace habang nasa sasakyan sina Gio at Carl.
“Mag-iingat ka dyan Macoy. Behave ah.” Si Fidel.
“Papa naman..teka susunduin mo po ba ako sa school?” Si Macoy.
“Sabi ng mga kapatid mo, sa office building ka na lang nila bumaba. Sinabihan namin si Mr. Gomez. Just present your Student ID.” Si Grace.
“Ahh okay po. Umalis na po at baka ma late po sila sa work. May minor operation pa kayo tama? Mag-iingat po kayo.” Si Macoy.
Binigyan nila ng yakap si Macoy. Masayang masaya si Macoy dahil pinayagan sila ng mga kapatid niya na sumama sa field trip. Pagpasok ni Macoy ay nakikita niya ang mga classmates niyang excited.
Magkasama sa Seats 9 at 10 sa kaliwa sina Cesar at Miguel. Mag-isa lang si Lance sa Seat 11 aisle seat.
“Aaahh M-Macoy..umupo ka na. Ni-save ko itong seat.” Sabi ni Lance kaya siya’y tumayo at dahan dahan si Macoy saka umupo sa upuan.
“Thank You. Magkasama pala si Cesar at Miguel sa left.” Si Macoy.
Inilabas ni Lance ang kanyang bag at kinuha ang kanyang medicine box. Kinuha ang dalawang capsules na kulay puti saka iinom nito sabay inom ng tubig. Ngumiti si Lance kay Macoy pero hindi niya ito pinansin.
“Basta, wag mong sasabihin sa iba ang sagot natin ah.” Si Macoy sabay tumango si Lance.
Alas sais ng umaga nang umandar ang bus papunta sa kanilang first visit – ang Bangko Sentral ng Pilipinas Museum. Nagbabasa si Macoy ng broadsheet at nakibasa na din si Lance.Kahit sa bus, puro kwentuhan ang mga estudyante habang ang iba’y nagbabasa o di kaya’y natulog muna. Nakatingin si Macoy sa glass window ng bus. Kitang-kita niya ang mga taong papasok sa kanilang mga trabaho.
Sa kabila ng samu’t saring intriga ay naisip ni Macoy na tumahimik nang sandali. Sa Sabado na lang siya mag gym at ngayon, ipinapahinga ang kanyang katawan, kaluluwa at bigyan ng mas mahabang pasensiya, dahil kasama niya si Lance.
8:30 am
Museo ng Bangko Sentral ng PilipinasLumabas na sila ng bus at dapat magkasama ang mga estudyante in pair, para mas madaling matapos ang field trip. Hangang hanga ang mga estudyante sa loob ng museum. Dito makikita ang mga lumang paraan ng salapi o barya.
Lahat sila’y may mga ballpens at notebooks para magsulat ng information tungkol sa history ng pera ng bansa. Habang ang iba’t nagsusulat, kumukuha ng pictures ang ilan para mas madaling matandaan.
Bumalik sila sa kanilang mga bus. Nakihiram si Macoy sa bus driver ng dyaryo para tignan ang mga balita. Pagkatapos ay ibinalik ang dyaryo sa bus driver, saka bumalik sa kanyang upuan. Umupo na din si Lance na maraming naisulat sa kanyang notebook.
10:35 am
National Museum of the PhilippinesBago bumaba ang mga estudyante mula sa bus, saka umakyat ang staff ng museum for instructions na babaeng nasa thirties. Nakasuot ng sky blue, short sleeved polo shirt na may ID, fitted denim pants at blue sneakers.
“Nais po naming ipaalam na kapag bumaba kayo, dapat lagi kayong magkasama as a pair. Bawat painting o artwork ay mahalaga kaya mag-ingat po kayo. Bawal ding kumuha ng mga litrato sa museo at tahimik po tayo sa loob.” Sabi ng babae.
BINABASA MO ANG
BEDROOM WITH MY STEPBROTHERS (COMPLETE)
Mystery / ThrillerNakilala ni Macoy ang mga mababait at gwapong stepbrothers. Sila ang nagturo sa akin ng lahat ng bagay. Everything was perfect nang dumating si Lance - ang nagpatibok ng kanyang puso. Pero dahil sa kahihiyan ay gumawa siya ng isang bagay na kanyang...