October 24, 2003
FridayTakot na takot ang mga students dahil sa kanilang nakita sa harap ng school building. Nandito na ang mga taga ERT o Emergency Response Team para tanggalin mula sa pagkakabigti ang mga katawan. Ang mga miyembro ng housekeeping para tanggalin ang mantsa.
Habang naglalakad pataas ng hagdan si Macoy, kwentuhan pa din sina Chrissy, Cesar at Miguel.
"Sino namang gagawa yun? Halang ata ang kaluluwa niya or dahil gusto nilang patayin..." Sabi ni Miguel at nag second demotion si Cesar.
"'Tol, patayin masama pero putulin ang kanilang mga ari? Nakakasuka talaga..." Si Cesar nang nagsalita si Macoy.
"Castration. Yun ang ginawa niya o nila sa tatlo. Masisira ang credibility ng school natin.." Patuloy sa pagsasalita si Macoy.
Nang makarating sila sa 2nd floor kung saan naroon ang kanilang classroom, nakita nila ang mga students na nagkukumpulan. Nakita nila si Fred at Mr. Gomez, kasama ang ilang pulis at mga taga SOCO o Scene Of the Crime Operatives.
"Sir, bakit po ang dami ng tao ngayon?" Si Macoy.
"Guys, natagpuan na namin sina Calvin, Terrence at Kevin...nakabigti...si Angela..." Sabi ni Mr. Gomez na sinundan naman ni Fred.
"Nakita ang bata sa upuan...tignan nyo na lang...baka hindi nyo masikmura..." Sabi ni Fred.
Hindi nila naiintindihan kung anong sinabi ni Fred. Nakita nila na ang classroom ay may yellow warning sign na CRIME SCENE - DO NOT ENTER. Hanggang silip lang sina Macoy pero nakita nila ang hitsura.
Naka upo ang kalunus lunos na katawan ni Angela -- walang saplot sa katawan, tinanggal ang kanyang mga suso at wala nang mukha na parang binalatan - di lang ang mukha pero buong katawan. Halos masuka sina Miguel at Chrissy habang takang-taka naman sina Macoy at Cesar.
"Sino namang gagawa nito? Grabe naman yan. Pinapaaga pa ata ang Halloween eh..." Si Cesar pero tahimik lang si Macoy.
"Happy Halloween it is...pero bakit sa classroom ginawa ang krimen? Saan tayo magkaklase?" Si Macoy pero nagsalita si Mr. Gomez.
"Nakausap ko na si Dr. Zambrano. May semestral break tayo from October 27 to 31 kaya dun muna tayo magkaklase sa Room 401 for now. Everybody let's go to 401."
Nag class pa rin ang mga estudyante sa Room 401, sa kabila ng nangyayari sa school. Maswerte at bakante ang Room 401 samatalang ang mga Senior students ay nasa 4th floor lang.
Dumating na ang lunch at nagpunta sila sa canteen para kumain habang sina Macoy, Cesar at Lance ay kumakain sa loob ng classroom. Napapansing hindi mapakali si Lance, dahil sa trauma na nangyari sa kanya.
"Cesar...pa-paano kung totoong buhay pa sila? Susundan nila ako...pa-patayin nila ako..." Takot na sabi ni Lance.
"Lance, sabihin mo lang at susuntukin ko yung mga yun..." Sabi ni Cesar.
"Imposibleng buhay ang mga patay para patayin ka. Lalake ka ba talaga huh?!" Si Macoy.
"MACOY!!! Ano ka ba naman?!" Inis na sabi ni Cesar pero walang pakialam si Macoy kay Lance.
"Bakit?! Totoo naman eh. Papaano kung ang Mama mo o si Cesar o ako...may goons...anong gagawin mo?! Tatakbo ka na lang? Lumaban ka naman uy. Baklang bakla nga ako pero takot na sila sa'kin..." Sabi ni Macoy.
Tumahimik lang si Lance sa sinabi ni Macoy. Paano kung kinidnap ang nanay ni Lance? Kung si Macoy eh baka bugbog sarado ang mga goons.
"Ma-Macoy t-tama ka...I have to defend myself and the people I love the most." Sabi ni Lance at sumang-ayon naman si Cesar.
BINABASA MO ANG
BEDROOM WITH MY STEPBROTHERS (COMPLETE)
Mystery / ThrillerNakilala ni Macoy ang mga mababait at gwapong stepbrothers. Sila ang nagturo sa akin ng lahat ng bagay. Everything was perfect nang dumating si Lance - ang nagpatibok ng kanyang puso. Pero dahil sa kahihiyan ay gumawa siya ng isang bagay na kanyang...