EPILOGUE

1.7K 29 6
                                    

Present Day
Yamada Medical Center

Dumarami ang mga pasyente sa Emergency Ward ng Yamada Medical Center. Ilan sa mga pasyente ay binibigyan ng first-aid samantala ang iba't ililipat na sa ospital. Isa sa mga resident doctors na naka-assign sa Emergency Ward ay si Dr.Ephraim Ocampo - forty-five years old, medyo mataba ang katawan at laging naka eyeglasses.

Isang bagong pasyente na naman ang mamamalagi at gagamutin ng ospital. Sinalubong ng ambulance si Dr.Ocampo kasama si Nurse Stella Ramos - Head Nurse.

"Doc, fifty-seven years old. Male. Hindi na makahinga, giniginaw at sumusuka ng dugo..." Sabi ni Nurse Stella kay Dr.Ocampo sabay dumating ang isa pang nurse - si Nurse Lance Ramos - anak ni Stella.

"Anong ginawa na sa ambulance?" Tanong ni Dr.Ocampo habang binibigyan ng shift-lock sa kaliwang pasyente.

"Chineck ko na po Doc...binigyan na po ng first-aid ang patient while he's having breathing problems..." Sabi ni Lance habang binigay niya kay Dr.Ocampo ang information ng pasyente.

"Meron ba siyang kasama?" Tanong ni Dr.Ocampo.

"Kasama ang isang colleague mula sa University of St.Francis..." Sagot ni Lance.

"Kausapin mo muna yung kasamahan ng pasyente. Si Stella na ang bahala. You can go." Sabi ni Dr.Ocampo.

Habang ginagamot ang pasyente, kinausap niya ang kasamahan niya.

"Excuse me. Kaanu-ano nyo po ang pasyente?" Tanong ni Lance sa isang lalakeng nasa thirties. Nakasuot ng puting polo shirt na nadudumihan ng dugo sa nangyari sa pasyente, black slacks at leather shoes. Nakasuot ng black-framed eyeglass na swak sa kanyang hitsura.

"Uh...kasama ko po sa university...Dean po namin...is there a problem?" Sagot ng lalake.

Nakasuot si Lance ng apple green nurse uniform na may logo ng YMC at naka embroidered ang pangalan niya, apple green pants at rubber slippers na may foam sa loob. Para sa safety, laging naka facemask si Lance Ramos.

"Sir, sinisubukan pong huminga ang pasyente but he's recovering..."

Habang tinatanggal ni Lance ang kanyang facemask, ay biglang naalala ang kasamahan ng pasyente. Parang nagkita na sila dati pero hindi nila maalala.

Hindi ako pwedeng magkamali

Tinanong ng lalake si Lance.

"Nurse, can I ask for your name? May kakilala akong high school classmate sa St.Francis Academy..." Sabi ng lalake.

"Uh yes. I'm Lance. Lance Ramos..." Pagpapakilala ni Lance. Nagulat ang lalake sa pagpapakilala ng nurse sa kanya.

"I-ik-ikaw si Lance? Uy hindi mo ba ako nakikilala? Ako si Cesar. Cesar Cosme...yung kaklase mo noon." Tanong ng lalake.

Parang nakatadhanang magkita ang dalawang magkaibigan. Niyakap ni Lance si Cesar nang mahigpit.

"Oyyy kamusta ka na?! Nurse ka na pala noh..." Sabi ni Cesar.

"Oo nga eh. Teacher ka na pala ngayon...ayus yan." Sabi ni Cesar.

Biglang tumunog ang annoucer.

"Paging Dr.Marasigan. Paging Dr.Marasigan. Please proceed to Room 221."

Tinignan ni Lance ang kanyang relo. Dapat bumalik na sa trabaho si Lance kundi matatanggal siya sa ospital.

"Naku Cesar pare. Tinatawag na'ko ni Dr.Marasigan. Kapag okay na ang pasyente, kwentuhan tayo sa cafeteria." Sabi ni Lance.

"Okay 'pre. Salamat." Sabi ni Cesar.

Nag lunch muna si Lance kaya pumunta agad sa cafeteria at umorder ng beef tapa, brown rice, steamed vegetables at isang bottle ng mineral water

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nag lunch muna si Lance kaya pumunta agad sa cafeteria at umorder ng beef tapa, brown rice, steamed vegetables at isang bottle ng mineral water. Nakaupo naman sa upuan si Cesar - kumakain habang may kinakausap sa kanyang cellphone. Sumabay na din si Lance kay Cesar. Habang nag-uusap at kumakain, napag-usapan ang kani-kanilang mga buhay.

"Ako, naging professor na sa University of St.Francis. May asawa na ako at may dalawang anak na. Ikaw naman ang kamusta?" Sabi ni Cesar saka subo ng kain.

"Mmm...nursing na'ko ngayon sa YMC. Nag-iipon ako ng pera para ma destino ako sa Toronto sa Canada. Andun si Macoy." Sabi ni Lance.

Hindi pa din nila nalilimutan si Macoy. Siya ang kaibigang nagmahal, nasaktan, tumigas ang puso at kalooban.

"Kahit labag ang mama mo?" Tanong ni Cesar.

"Opo. Biyudo na si Macoy ngayon. Napabalita sa dyaryo ang pagkamatay ni Jin dahil sa cardiac arrest. Si Harvey ang namumuno sa Yamada Prime Holdings at naging CEO ng Yamada Medical Corporation si Macoy - in short, he's my boss. Bukod sa kanyang trabaho bilang CEO, isa din siyang physician at Psychologist." Sagot ni Lance.

Napahanga sina Cesar at Lance sa accomplishments ni Macoy. Hindi nya naisip na nagpakasal na siya kay Jin pero naputol ang kanilang pagmamahalan. Sinabi ni Cesar kay Lance na si Mr.Gomez ang pasyenteng isinugod kanila.

"What a coincidence di ba 'pre? Hahaha" Sabi ni Cesar.

"Oo nga eh. Noon mga high school students lang tayo. Now we're professionals..." Sabi ni Lance sabay kuha ng bote at ininom nito ang tubig sa bote.

Ilang minuto pa, umalis na si Lance at bumalik sa trabaho. Nakisabay na din si Cesar papunta sa hospital room number 416, kung saan naka confine si Mr.Gomez. Bago pumasok ng kwarto, biglang nag vibrate ang cellphone ni Lance kaya sinagot niya ito.

"Hello?! Oh mahal...mmmm...okay...sure...wala akong matitirhan sa Canada eh...hindi ba nakakahiya? Mmmm okay...get ready with your ass mahal okay? Bye." Sabi ni Lance sabay pasok sa hospital room 416.

Clairmont Towers
Toronto, Canada

Nakahiga sa isang kama ang isang lalake sa isang eleganteng master bedroom sa isang penthouse unit. Nakatingin lang siya sa kisame ng kwarto na animo'y kalangitan sa labas ng kwarto dahil sa kanyang hitsura. Hand-painted ceiling na may sky blue ang theme with white paintings na parang mga ulap.

Bumangon ang lalake mula sa kanyang pagkakahiga. Tumayo ito para tignan ang isang black marbled urn na nakalagay sa kanyang bedside table sa kanan. Nakikipag-usap siya at parang sumasagot nito.

"Salamat Jin sa lahat at sa iyong pagmamahal. Hinding-hindi kita malilimutan." Sabi ng lalake.

Pumunta siya sa kanyang office chair na may iMac na nakapatong sa isang table na nakalagay sa gilid ng kwarto na may nameplate na ang nakasulat ay

DR.FERDINAND GONZALEZ-YAMADA
CEO, Yamada Medical Corporation
Psychologist

Tinignan niya ang isang folder at binuksan ito. Larawan ng isang lalakeng nabugbog nang husto. Binasa niya ang initial findings. Isa pala siya sa mga miyembro ng Board of Directors ng Yamada Prime Holdings na gustong patalsikin si Haru/Harvey.

"The last time that I did this...when I was in high school...MACOY...IS BACK!!!" Sabi ni Macoy sabay hawak ng isang kutsilyo na any moment from now, magiging pagkain ng mga hayup.

RIIINNNGGG....RRIINNNGG....RRRIIINNGG.

Biglang tumunog ang landline ni Macoy at sinagot niya ang tawag...isang boses ng lalakeng humahagulgol.

"He-hello?! Please Dr.Yamada...let me gooo...forgive me please...I have to see my wife and kids...just let me goooo..." Pagmamakaawang sabi ng lalake.

Sumagot naman si Macoy.

"Mmm not yet Mr.Clark...until you repent for what you've done, you will never see them again..." Sabi ni Macoy sabay baba ng kanyang phone at bumalik sa kanyang kama at natulog.

***************************************************
At dyan po nagtatapos ang kwento ni Macoy.
Maraming salamat po.
Pwede mo din pong mabasa sa https://fritzboy237.blogspot.com
ang buong kwento.

BEDROOM WITH MY STEPBROTHERS (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon