Chapter 17

1.2K 18 0
                                    

September 15, 2003
Monday

It's a brand new day para kay Macoy sa kanyang pagbabalik school -- matapos ang eskandalong ginawa ni Angela. Umattend siya ng flag ceremony kasama si Cesar.

Habang nagtatalumpati ang School Principal na si Dr. Zambrano, nagkausap sina Cesar at Macoy sa isang line ng mga boys.

"Macoy, nakita ko si Lance sa line natin." Bulong ni Cesar sa tenga ni Macoy.

"And?" Sagot ni Macoy.

"Nakakaawa siya sa kilos nya. Parang may problema sa kanya." Si Cesar pero binalewala lang ni Macoy.

"Wala sa dictionary ko ang salitang 'awa'" Sabi ni Macoy.

Nagpalakpakan ang mga estudyante sa speech ni Dr. Zambrano. Bumalik na sila sa kani-kanilang mga classrooms.

Bumalik sa seats sina Macoy at Cesar habang si Lance -- tahimik na umupo sa kanyang seat.

Hanggang ngayon, wala pa rin sa school si Angela.

Naging husky at lalakeng lalake ang boses ni Macoy na nasorpresa ang lahat ng classroom sa kanilang lesson sa Filipino.

Maging si Cesar ay natuwa sa "transformation" ni Macoy, pati ang mga boys, girls at gays ay nagulat sa kanya.

Ang dating Macoy na masaya ang boses ay napalitan ng mababang boses at mukhang naging seryoso sa buhay. Nanatili pa rin sa kanya ang matulungin sa mga kaklase sa classroom.

Kabaligtaran ito ni Lance -- tahimik, walang imik at hindi na masaya ang kanyang mukha. Mayroong nangyari sa kanya pero ayaw niyang ipaalam sa iba.

Pagsapit ng recess, lumapit si Lance kay Macoy para makipag-usap, pero nakita niyang tulog si Macoy, mukhang nagpapahinga.

Mapupungay ang pilik mata, matangos ang ilong, mapula ang mga labi. Kitang-kita kay Lance ang pagtitiig nya sa mukha ni Macoy. Sa kanyang kutis, parang kasing puti ng gatas.

Gusto nang halikan ni Lance si Macoy, sa paraang hindi siya sasaktan. Pero mukhang panaginip lang ang lahat para kay Lance. After the scandal sa gymnasium, parang nawala kay Lance si Macoy. Nawala na ang puso nya

Ang Macoy na iniibig nya -- noon pa lang.

Pagsapit ng lunch, magkasamang kumain sina Macoy at Cesar. Lumapit si Lance sa kanila.

"Pu-pwede bang makisalo sa pagkain?" Si Lance pero dedma na lang si Macoy.

"Sige, dito ka na lang." Si Cesar kaya umupo si Lance sa bakanteng upuan.

Kain at tuyo lang ang lunch ni Lance at pinaghahatian namin nina Cesar at Macoy ang kanilang pagkain. Kaibigan naman ni Cesar si Lance kaya binigyan niya ng kakaunting pagkain.

"By the way, where's your satanic girlfriend?" Si Cesar.

"Nandun na siya -- sa impyerno." Si Lance.

Tawang tawa si Cesar sa sinabi ni Lance pero hindi pa rin nagsasalita si Macoy. Parang may anghel na naglakad papunta sa kanyang harapan pero hindi naman ito pinapansin.

"Eh di sumama ka dun, tutal pareho kayo nun eh." Mapang-uyam na sabi ni Macoy.

"Macoy, ano ka ba naman!!!" Sabi ni Cesar pero kinuha ni Lance ang kamay ni Macoy.

"Eh di pwede ako dun...kasi ikaw ang langit ko." Si Lance.

Still, Lance is being ignored by Macoy. Hindi alam ni Lance kung anong pwede nyang gawin para bumalik ang Macoy na minamahal nya sa dati.

BEDROOM WITH MY STEPBROTHERS (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon