Pagkagising ko ay agad naakong naligo at nagbihis. Salamat! Hindi ko na kailangan ngumiti,magmake up, at magsuot nang mga dress. Nang makababa ako ay wala na don si Minnie nauna na sa school sabi nang isang maid.
•alone•
Pagkapasok ko ay lahat naka tingin sakin pero hindi ito ang dating takot na tingin kundi pagkalito?. Pagkapunta ko sa locker ko ay doon ko lang nalaman ang sagot sa tanong ko dahil may nakadikit na papel dito. One word. Four letters.
'SORRY'
Nung una hindi ko naintindihan pero naalala ko ang nangyari nang new party.
"Gagawin ko ang lahat Mina para mapatawad mo ako" Pangako ni Cus.
Kinuha ko ang papel at tinapon sa basurahan. Pagkabalik ko sa locker ko ay binuksan ko na para kunin ang mga gamit ko nang mas uminit ang ulo ko.
Sa loob may nakalagay na bulaklak(Sunflower my favorite), Chocolate, at papel na katulad lang nang nasa labas pero ngayon may aso na nasobrang cute. Kinuha ko na ang mga bagay at binigay(dahil tamad naakong maglakad sa basurahan) sa babaeng dumaan na satakot ay kinuha nalang.
•
•
•
•
•
Nang lunch ay mainit parin ang ulo ko. Pagpasok ko sa canteen ay bumili naako nang pagkain at umupo sa upuan ko. Nang tinignan ko ang paligid para hanapin si Minnie si Mark ang nakita ko papunta sa pwesto ko na nakangiti. Bw*sit siya, siya ang may dahilan nang lahat! pero bago pa sya maka punta sa table ay humarang si Cus. Marami narin ang nakatingin.
"Mina I'm sorry I-" Hindi ko na pinatapos si Cus dahil tumayo nako.
"Save it Cus" Sabi ko pero pinagpatuloy lang ang paglakad ko.
Nang mas ngumiti si Mark dahil sa kanya ako naglalakad.
Sinuntok ko sya. Sa ginawa ko mas maraming tumingin sakin. Nasa sahig na si Mark at namumula ang pisngi nya at nabigla pa sya.
"You d*uch b*g! Hindi lang kita pinatulan dahil kaibigan kita noon! Pero sa ginawa mo hindi kita mapapatawad Mark!"
Nang makarecover sya sa pagkabigla ay ngumiti sya. Bakit sya ngumingiti?!
"Yun naman dapat ang mangyari Mina at hindi ko kaylangan nang tawad"
Sa sinabi niya ay masuminit ang dugo ko.
"Gusto mo malaman kung anong ginawa mo?!" Hindi ko na siya hinintay magsalita. Hinila ko sya sa kuwelyo nya.Mukhang masnatakot ang mga tao sa canteen.
Nang nasa isang bakanteng classroom kami ay pinakawalan ko na siya. Sinigurado kong nakalock ang pito at walang may maka-kakita.
Tinignan ko si Mark na mina-masahe ang pisngi na sinuntok ko. Kinuha ko ang relo na ginagamit ko para hindi makita ang marka nang sugat. Pinakita ko kay Mark at nawala ang kulay nang mukha nya."Isa ka sa dahilan kung bakit may ganito ako Mark! Isa ka sa dahilan kung bakit nagtangka akong magpakamatay!"
Bigla sya nahulog sa sahig at tinitignan ko lang sya pero nabigla ako nang makita kong umiiyak sya.
"Hindi dapat to nangyari" Sabi nya.
"Well nangyari na" Huling sinabi ko at lumabas na.
YOU ARE READING
ALONE/MAGISA (Book One)
Short StoryMinartica Florez- Ay isang babae na hindi takot na lumaban, Walang kaibigan, at matalino kailangan nyang maging top sa kanyang klase dahil ang alam nang kanyang mommy na kung ano sya noon ay yun parin sya ngayon at malinis ang kanyang record dahil...