Hindi na ako nabigla nang iniwan nya ako kaya kakain na lang ako. Nang pangatlong kagat ko na sa burger ay may umupo sa tabi ko kaya tinignan ko kung sino."At sinong nagsabing pwede ka jan umupo?" Tanong ko.
"Wala namang may naka upo at wala nang bakanteng upuan"
"Kung sabihin kong ayaw kitang katabi"
"Mina uupo lang ako at kakain wala nang iba"
"Ayaw k-"
"Pasalamat mo nalang to para sa kanina"
"Hindi ko-"
"Mina pwede ba kumain ka nalang"
Kumain nalang ako at hindi sya pinapansin.
•alone•
Nang maka uwi ang lahat dumiretso na ako sa kwarto ko nakakapagod. Nang matapos ako kanina kumain ay bumili ako nang mga damit at regalo para wala na akong problema kasama na ang sosootin ko sa New year party. Nagbihis nako nang damit at humiga sa kama.
•
•
•
•
•
Hindi ko na ramdaman na naka tulog na ako at nagising sa ingay.
Knock! Knock! Knock!
Tumayo nako at naglakad papunta sa pinto.
"Ma'am Mina tawag po kayo nang Mommy nyo sa living room" Pagkatapos nya yung sabihin ay umalis na sya.
Pumunta muna ako sa bathroom para ayusin ang mukha ko,ngumiti, at bumaba.
Umupo ako. Nasa livingroom si Mommy, tita Clarice, at Cus.
"Anak pwede ba akong maka hingi nang pabor?"
"Sure Mommy" Sagot ko.
"Mina, Ito ang listahan nang gagawin mo" Sabi ni Mommy at may binigay na papel sakin.
"Kukuha ka muna nang Cristmas tree sa Ben's Shop dahil puno na ang delivery nila at wala na akong mautusan. Panglawa naman pakihanap nang lumang Cristmas Decoration sa basement"
"Ok p-"
"At isama mo narin si Cus" Pagkasabi nya ay parang naubusan ako nang dugo. Bakit sa lahat si Cus talaga?!
"Ok mom" Sabi ko at mas lalong linakihan ang ngiti ko.
Ang byahe papunta sa Ben's shop ay tahimik bago napagod na si Cus.
"So may bago kanang kaibigan?"
"Shut up"
"Sino nga yun?"
"Shut u-"
Huminto na ang sasakyan at agad na akong lumabas.
Nauna akong pumasok sa loob.
"Goodafternoon Ben" Sabi ko at ngumiti.
"Goodafternoon Mina ikaw ang kukuha nang tree?"
"Yes"
Nang may naramdaman akong may pumunta sa tabi ko.
"And me"
"I like your boyfriend" Sabi ni Ben.
"He's-"
"My girlfriend" Tapos ni Cus sa sasabihin ko.
Tinignan ko sya nang masama.
"Sandali lang kukuha lang ako kung sino ang maglalagay nang Christmas tree sa sasakayan nyo"
Pagkauwi namin ay dumiretso na kami sa basement para hanapin ang Box nang dating Christmas decoration. Kung iniisip nyo na:Mayaman naman kayo bakit hindi kayo bumili nang bago? Well every New year party may paboritong decoration si Mommy kaya inuulit at ayaw nyang tumatapon nang gamit kaya malaki ang basement.
"So Ashton yung pangalan?" Sagot nya.
Ok that's it!
"Bakit Cus? Takot ka?" Sabi ko at ngumiti. Pagkasabi ko non ay tumahimik sya.
"N-no"
"Gusto mo paalala ko ang ginawa mo?!"
"Taposin na nat-"
"Ano Cus gusto mo paalala ko kung ano ang ginawa mo? Iniwan mo pagdating natin dito. Ano dahil pagod kana na palagi akong binubully!? Kaya pinili mong sumama sa populars at iwan ako! Kaya hindi kita kaibigan!"
"Hindi yan totoo" Sabi nya at mas uminit ang dugo ko! "Si Mark"
YOU ARE READING
ALONE/MAGISA (Book One)
Historia CortaMinartica Florez- Ay isang babae na hindi takot na lumaban, Walang kaibigan, at matalino kailangan nyang maging top sa kanyang klase dahil ang alam nang kanyang mommy na kung ano sya noon ay yun parin sya ngayon at malinis ang kanyang record dahil...