Chapter 15: End

6 2 0
                                    


Wala na silang dalawa.

Pumunta ako sa principals office kanina at nalaman kung wala na si Ashton. Umalis na sya sa school. Kahit sa konting panahon ay tinuri ko syang kaibigan. Sasusunod na makikita ko siya ay magpapasalamat ako.

At si Mark. Kahit ako nabigla. Nasabi din nang principal na pati si Mark ay umalis. May boses na nagsasabi sakin na dahil sa nalaman nya na isa sya sa dahilan na muntikan na akong mamatay.

Nang binuksan ko ang locker ko ay papel akong nakita.

I'm sorry

Si Marcus. Sya lang naman ang naglalagay nang I'm sorry paper sa locker ko. Nung isang araw sinabihan ko na syang wag maglagay dito. Ang kulit.

Buzz! Buzz! Buzz!

Tinignan ko ang celphone ko dahil naka vibrate.

Mom,

Minartica dumiretso ka dito sa Le' restaurant paguwian na sumama ka kay Cus at Minnie.


Bakit kaya umuwi si mommy?


•alone•

Pagdating namin sa Le' restaurant ay agad namin nakita si mommy at hindi sya magisa.


Clarice

Umupo naako pero maybakanting upuan sa harapan ko.

"Minartica" sabi ni mommy kaya tumingin ako sa kanya"Pwede mo ako kausapin kung mayproblema ka anak" anong sinasabi niya?

"What do you mean?"

"Akala mo ba hindi ko malalaman?Muntikan kanang mamatay!-" Tinignan ko si tita Clarice nang masama"-tapos nalaman kung nakikipag away ka sa school. At may pinakick out ka. Ano ang dahilan?! At wag kang magsisinungalin dahil sinabi na ni Cus. Dahil dun ay titira ka sa lola mo para madisiplina ka"

Tumawa ako at tinignan nila akong lahat. Pero biglang may dumating at naglakad siya papunta dito. Si Daddy?!

"What is he doing here?!"

"Minartica daddy nyo parin ako"

"Daddy? Mommy? Tita? Bestfriend? Kapatid?" Sabay turo ko sakanila" Diba dapat ganyan kayo. Dapat pamilya ko kayo!"

Tinignan ko si Dad. Tumayo ako at tinuro sya" Wala na talagang kahihiyan natira sa katawan mo! Iniwan mo kami para sa estudyante mo. Anong nangyari iniwa ka na kaya babalik ka samin o pinaalis ka na sa trabaho mo dahil alam na nila kaya pumunta ka dito para makipagayos dahil mayaman kami!" Tumayo si Mommy at sinampal ako.

Si Mommy naman ang tinignan ka at pagkabigla ang nakikita ko sa mukha nya" Sampal. Naglas-las naako, nasuntok, nasipa at marami pa. Muntikan na akong makapatay gamit ang dalawa kong kamay! Akala mo masasaktan ako sa sampal mo?! At dahil sayo kaya nangyari yan. Dahil sa inyo"

Tinignan ko naman si tita Clarice at tinuro siya  "Ikaw. Alam mo ang lahat. Wag mo lang sasabihin kay Mommy hindi mo pa kaya. You B*tch. I hate you.Hindi kita pamilya. Wala akong pamilya!"

Si Minnie naman ang tinignan ko at tinuro          "Hindi kita kapatid. Sinira mo ang tiwala ko sayo. Kayong dalawa ni Cus. Bakit ba kailangan nyong gumawa nang desisyon para sa ikabubuti ko. Natanong nyo ba kung gusto ko ang ginawa niyo!"

At si Marcus na ang tinignan ko"Pinatawad na kita. Pero sa ginawa mo hindi na kita kaibigan"

Naglakad na ako paalis pero huminto ako at tinignan sila.

"Titira na ako kila lola"

~~~~~~~~
P.S patay na ang lolo ni Mina.

This is not the end. Meron pang book 2. So wait lang kayo. Please vote,commet, and follow me in wattpad. Thank you for reading my book😭 and giving it a chance😍 I hope you enjoy🙏 and god bless. Goodbye.....

FOR NOW

ALONE/MAGISA (Book One)Where stories live. Discover now