The Handsome Beast
SYNOPSIS:
Napag-desisyon na ng dalagang si Ramona na mag-trabaho para matulungan ang pamilya. Kaya ng tumuntong ng desi-otso ay sumama siya sa tiyahin niya na nagta-trabaho sa kabilang bayan sa bahay ng mga Ricafort.
Ang mga Ricafort ay kilalang mayaman, mabait ang amo ng tiyahin niya, parang pamilya ang turing ng mga ito kay Ramona.
Naging masaya si Ramona sa bahay ng mga Ricafort dahil parang anak na ang turing ng mag-asawang Ricafort sa kanya. Habang tumatagal ay may kakaibang nararamdaman si Ramona sa bahay ng mga Ricafort. Pakiramdam niya ay laging may naka-tingin sa kanya at ang isa pang bumabagabag sa isip ni Ramona ay ang paulit-ulit na pag-litaw ng lalaking sa pana-ginip niya.
Natigil ang pag-litaw ng lalaki sa panaginip niya sa pag-dating ni Santi Ricafort ang nag-iisang anak ng mag-asawang Ricafort. Si Santi Ricafort na yata ang pinaka-gwapo pero nakakatakot ang awra na nakilala ni Ramona.
Kakaiba din ang nararamdaman ni Ramona tuwing makikita si Santi, kaya iniiwasan niya ito dahil natatakot siya.
Natatakot siya na mahulog dito dahil tuwing nakikita niya ito ay kakaiba ang bilis ng tibok ng puso niya lalo na tuwing titingin siya nito sa mata niya. Parang gusto niya itong yakapin tuwing titingin siya sa mata ng binata.
SOON