SIMULA
"Anak nandito na ang iyong tiya Mely."
Nagmadaling bumaba ang dalagang si Ramona nang tawagin ito ng kanyang ina. Sobrang ang kasiyahan ng dalaga nang makita ang tiyahin nito. Malapit ang dalaga sa tiyahin, tuwing ikatlong buwan ay pumupunta ito sa bahay nila at madaming pasalubong para sa dalaga.
"Tiya." Nakangiting lumapit si Ramona sa tiyahin at nagmano.
"Naku napakaganda talaga ng pamangkin ko, kaya paborito ko ito eh." Natawa naman ang dalaga dahil sa sinabi ng tiyahin.
"Kayo din po ang paborito ko." Humahagikhik na sambit ni Ramona.
"Kayo talagang mag tiyahin nagbolahan pa! Nag-iisa lang yang pamangkin mo Mely, at nag-iisa lang yan tiyahin mo Ramona," natatawang sabad ni Susan sa pagbobolahan ng mag tiyahin. Nakitawa rin si Mely habang si Ramona naman ay sumimangot.
"Oh siya nga pala, madami akong pasalubong sayo Ramona," sabi ng ginang habang hinahalungkat ang malaking bag na dala nito. Sanay si Ramona natuwing dadating ang tiyahin ay madami itong dalang pasalubomg sa kanya.
"Ito Ramona sukatin mo tiyak na bagay na bagay iyan sayo," nakangiting sabi ni Mely habang inaabot sa dalaga ang isang maganda at mamahaling blusang kulay pula.
Ngumiti ang dalaga at tinangap ang binigay ng tiyahin. Tuwing dadating ito sa bahay nila ay laging mamahaling gamit ang dala nitong pasalubong sa dalaga. Nagtataka minsan ang dalaga dahil hindi naman kalakihan ang sweldo ng tiyahin niya bilang kasambahay para makabili ng ganung gamit.
Nagkibit balikat nalang si Ramona at pumasok sa kwarto niya para isukat ang blusa na binigay ng tiyahin niya.
Napangiti siya nang makita na bagay na bagay sa kanya ang blusa na suot niya, pakiramdam niya ay naging double ang ganda niya. Hindi naman sa pagmamayabang ay maraming nagagandahan sa kanya sa lugar nila.
Nakangiting bumaba si Ramona para ipakita sa Ina at tiyahin na bumagay at sukat na sukat sa kanya ang blusa na pasalubong ng tiyahin.
"Kailangan na niyang sumama sakin Susan," rinig ni Ramona na sambit ng tiyahin sa kanyang ina, dahan-dahan siyang lumapit hindi siya nakikita ng mga ito dahil nakatalikod ang mga ito sa kanya.
"Hindi ba pwedeng sa susunod na taon nalang ate Mely?" Bakas sa boses ni Susan ang matinding lungkot.
"Hindi maari ang gusto mo Susan, magaga--" hindi na naituloy ni Mely ang sasabihin nang maramdaman niya ang prinsensya ni Ramona sa may likod nila.
Nagtataka at napakakunot naman ang noo ni Ramona nang biglang tumigil sa pagsasalita ang Tiyahin. Pinag-kibit balikat nalang yon ng dalaga at nakangiting pumunta sa unahan para ipakita sa tiyahin at ina ang suot niya.
"Tsaran..." nakangiting sabi ni Ramona habang nagpa-ikot-ikot sa harap ng tiyahin at Ina.
"Napaka-ganda mo anak," pagpupuri ng ina nito habang nakangiti sa anak.
"Salamat Ina," nakangiting sagot ni Ramona.
Napatingin si Ramona sa tiyahin na ngayon ay malalim ang iniisip, agad na lumapit sa Ramona at umupo sa tabi ng tiyahin.
"Tiya, may problema po ba?" Nag-alalang tanong ni Ramona sa tiyahin. Bumuntong hininga ang tiyahin at seryosong nakatingin sa kanya. Nagtataka si Ramona dahil ngayon lang ito naging ganung kaseryoso.
"Kailangan kitang isama sa pagbalik ko sa bahay ng mga Ricafort," sabi dito ng tiya niya kaya kumunot ang noo ng dalaga pero maya-maya lang ay napangiti ito.
Matagal na rin gustong sumama ni Ramona sa tiyahin, pero ang laging sinasabi ng tiyahin niya ay pag-tungtong nito ng desi-otso. Bukas na ang kanyang kaarawan kaya pwede na siyang sumama. Hindi niya maiintidihan kung bakit gustong-gusto niyang sumama, parang may humahatak dito at parang sabik na sabik siya sa hindi niya malamang dahilan.
Napabuntong hiningan si Susan habang malungkot na nakatingin sa anak na ngayon ay masayang-masayang nakikipag-kwentuhan sa tiyahin. May palagay ang ginang na hindi na niya ulit makikita ang anak dahil sa pagsama nito sa tiyahin.
"Anak, hindi mo naman maalis sakin ang malungkot sasama kana sa tiyahin mo, baka hindi ka namin makita ng iyong Itay," malungkot na sagot ni Susan sa anak.
"Inay naman, syempre katulad ni Tiya ay dadalaw din ako tuwing ikatlong buwan," pag-papagaan ng loob ni Ramona sa ina. Naglalambing na yumakap siya sa kanyang Ina, batid ni Ramona na may malalim na iniisip ang kanyang ina.
"Sana nga," mahinang bulong ni Susan sa hangin, at niyakap din ang naglalambing na anak. Sobra niyang mami-miss ang anak, sobrang mahal niya ang anak kaya natatakot siya na hindi na ito bumalik. Natatakot siya na hindi na ito ibalik sa kanila.
TBC
Hi! Ate Mou/Ramona Esmael😘 thankyou for letting me use your name😊 hope you like this one😊