2-
Nakarating sina Ramona sa masyon na medyo madilim na ang paligid, iginala ni Ramona ang paligid at namangha siya sa nakikita, napaka-laking bahay ang nakikita niya at ang kamangha-mangha pa ay nasa gitna ito ng gubat, pansin din niya na medyo malayo sa kabahayan ang masyon ng mga Ricafort.
Tinulungan sila nang iba pang kasambahay na ipasok ang gamit niya, ayaw man ni Ramona ay wala itong nagawa, hinila siya ng Tiyahin na pumasok sa loob ng manayon. Ganun nalang ang mangha sa mata niya nang masilayan ang kagandahan at karangyaan sa loob ng mansyon. Hindi na dapat siya magtaka dahil talaga naman ubod ng yaman ng mga Ricafort, pero hindi lang talaga maiwasan niya ang mamangha.
Iginala niya ang mata para makita ang iba pang kagamitan, at sa bawat nakikita niya ay tunay siyang namamangha.
"Siya na ba si Ramona, Merly?" Agad na napatingin si Ramona sa pinagmulan nang boses, nakita niya ang isang mala-dyosa ang kagandahan na nakatayo sa pinaka-dulo ng hagdan.
"Siya na nga po Senyora." Nanlaki ang mata ni Ramona at nahihiyang tumungo. Ang magandang babae pala ang magiging amo niya, narinig niya ang mga yabag na pababa ng hagdan.
"Maligayang pagdating hija." Inangat niya ang tingin at nakita niya ang Senyora na nasa tapat na niya habang may ngiti sa labi. Hindi niya akalain na bata pa pala ang magiging amo niya. At hindi lang yon napaka-ganda din nito, narinig niya ang paghagikhik ng senyora kaya napakunot ang noo niya.
"Napaka-ganda mo rin," nakangiting sabi ng Senyora. Nanlaki ang mata ni Ramona, at nahihiya din siya dahil nasabi yata niya nang malalakas ang iniisip niya.
"S-salamat po Senyora," nahihiyang sagot ni Ramona, ramdam din niya ang pamumula ng buong mukha niya dahil sa papuri ng senyora.
"Walang anumam hija, at isa pa tita Melanie nalang ang itawag mo sakin," nakangiting sagot ng senyora kay Ramona. Napatingin siya sa tiyahin at nakita nito ang pagtango nito na parang sinasabi sa kanya na sundin niya ang utos ng senyora.
"S-sige po tita Melanie," nahihiyang tugon niya, lalo naman lumawak ang ngiti ng senyora dahil sa naging sagot niya.
"Halika naghanda ako nang makakain alam kong gutom kayo sa byahe." Umangkla ang Senyora sa braso niya, lalo naman nahiya si Ramona dahil ramdam niya ang lambot at sobrang kinis na balat ni Melanie.
Tumingin si Ramona sa tiyahin na nakasunod lang sa likod nila habang naka-yuko, ramdam ni Ramona ang pagbabago ng tiyahin.
"Ayan hija, ako lahat ang nagluto niyan," nakangiting sambit ni Melanie na tila pinagmamalaki ang niluto. Sa tingin naman ni Ramona ay masarap ang niluto nito, ngayon lang din siya nakakita ng ganun pagkain dahil sanay siya sa gulay at isda.
"M-maraming salamat po tita Melanie," mahinang bigkas ni Ramona, "tiya umupo ka narin," baling ni Ramona sa tiyahin dahil napansin niya na nakatayo lang ito sa tabi niya.
Nakita niya na sumulyap ito kay Melanie, bago umupo sa tabi niya.
"Kumain ka nang marami hija," sabi ni Merly, habang ipinagsasandok siya ng pagkain, ngumiti lang si Ramona at tumango nasasabik siyang tikman ang pagkain nasa harap niya.
"Mamaya ay darating na ang aking asawa Ramona, siguradong magugustuhan ka rin niya," nakangiting sambit ni Melanie, habang kumakain si Ramona.
Siguro katulad nito ay sobra rin gwapo ang asawa nito, ani ni Ramona sa kanyang isip.
"Ayan na siya," nakangiti pang sambit nito kaya nangunot ang noo ni Ramona dahil wala naman siyang nakikita.
Ganun nalang ang gulat ni Ramona nang bigla nalang sumulpot ang isang matipunong lalake sa tabi ni Melanie, malambing na hinalikan ng lalake sa gilid ng ulo ang senyora. Hindi parin makapaniwala si Ramona, dahil sa biglaang pag-sulpot ng lalake. Natauhan lang siya ng sikuhin siya ng tiyahin at nakita niya na nakatingin na pala sa kanya Melanie at ang lalakeng bagong dating.
Agad nanapayuko si Ramona dahil sa kahihiyan.
"Siya nga pala ang asawa ko Ramona," nakangiting pakilala ni Melanie sa lalakeng bagong dating, agad naman tumayo si Ramona at yumuko.
"Ako po si Ramona, Senyor," pagpapakilala ni Ramona, narinig niya ang mahinang tawa ng tita Melanie niya maging ang lalakeng bagong dating ay natatawa na rin.
Nakakahiya ka Ramona, sita niya sa kanyang isip.
"Maupo kana Ramona, ipagpatuloy mo ang iyong pagkain at isa pa Tito Tiago nalang ang itawag mo sakin." Tumunghay si Ramona at nakita niya na nakangiti ito sa kanya. Napakagat labi si Ramona, para sa kanya ay hindi bagay na tawagin ang mga itong tita at tito dahil mukha ang mga itong bata parang hindi nalalayo ang edad sa kanya.
"Matanda na kami, Ramona." Nanlaki ang mata ni Ramona, parang nababasa ng mga ito ang iniisip niya!
--
Napabalikwas ng bangon si Ramona, tahimik na ang paligid malamang ay tulog na ang lahat ng tao sa mansyon. Hindi siya makatulog, nagtataka pa rin siya kung bakit sa magarang kwarto siya inilagay. Sa tingin niya ay hindi bagay sa kanya ang kwartong inuukupa niya dahil kasambahay lang naman siya, dapat ay kasama niya ang tiyahin at ang iba pang kasambahay sa iisang silid. Pero ang senyora na ang nag-utos kaya wala siyang magagawa.
Napatingin siya sa may bintana, tumatagos ang liwanag ng buwan duon. Tumayo siya at naglalakad palapit duon. Napangiti siya nang makita ang bilog na bilog na buwan, pinaka-paborito niyang gawin tuwing gabi ay ang pagmasdan ang buwan.
Pero ngayong gabi ay kakaiba ang buwan, mas maganda ito ngayon. Kakaiba din ang tibok ng puso niya ngayon habang pinagmamasdan ang buwan.
Awoooooooooo....
Nanindig ang balahibo niya nang marinig ang nakakakilabot na alulong nang isang mabangis na hayop. Nawala ang ngiti niya at napalitan iyon ng kakaibang takot. Agad niyang sinaraduhan ang bintana, napahawak siya sa kanyang dib-dib.
Pumasok sa isip niya ang mga kuwento-kwento sa kanila tungkol sa bayan ng Ricafot.
Agad nanapa-iling siya, siguradong isang aso lang yon na nag-gagala tuwing gabi, dahil ganun sa lugar nila. Para sa kanya ay masyado lang siyang napagod kaya nagiging-nerbyosin siya. Kailangan pa niyang magising ng maaga dahil bukas ang simula ng trabaho niya bilang kasambahay ng mga Ricafort.
TBC