4- ENCOUNTER

2.6K 96 7
                                    

4-incounter

Naging maliit ang mansyon para kay Ramona, simula nang dumating si Santi. Pilit niyang iniiwasan si Santi, dahil pakiramdam niya ay ma enerheya ang lalake na parang gusto niya itong yakapin nang mahigpit. Nakakaramdam din siya nang lungkot tuwing maalala ang mga mata nito na parang walang buhay na nakatingin sa kanya.

"Ano naman paki-alam ko kung ganun siya makatingin," inis na bulong niya sa sarili niya. Pinagpatuloy nalang niya ang pag-bubunkal sa hardin. Pinayagan siya ni Melanie, na pamahalaan ang hardinan. Tuwang-tuwa siya dahil may magagawa na din siya sa mansyon. Ito ang pinagkaka-abalahan niya ng ilang araw, dahil din sa paghahalaman ay naiiwasan niya si Santi.

"Dalian nyo ang paglaki ha." Giliw na giliw si Ramona, habang itinatanim ang mga buto ng sunflower. Ito ang kanyang paboritong bulaklak.

Hindi niya alintana ang nangyayari sa paligid, nakalimutan na rin niya ang gutom. Tirik na tirik na ang araw pero masigla parin siyang nagtatanim ng mga buto ng halaman.

"Gusto mo bang magpakamatay?"

"Ay gwapong halimaw ka Santi." Napatayo si Ramona, dahil sa gulat nang may magsalita mula sa likod niya.

Agad niyang nilingon ang nagsalita at parang nag-init ang buong mukha niya nang makita kung sino ang nagsalita, si Santi. Seryoso itong nakatingin sa kanya habang ang isang kamay ay may hawak na payong at ang isang kamay naman ay naka-suot sa bulsa. Napayuko siya at pilit na itinatago ang pamumula ng mukha niya dahil sa kahihiyan.

"What did you say?" Seryosong tanong nito sa kanya. Napakagat labi naman si Ramona, at parang gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa salitang lumabas sa bibig niya! At kailan pa siya naging magugulatin!

"W-wala po Senyorito, nagulat lang ako," bakas sa boses ni Ramona, ang matinding takot dahil sa seryosong mukha ni Santi, habang nakatingin sa kanya. Pakiramdam niya ay pag nagkamali siya ng sagot ay pipilipitin nito ang leeg niya.

"Kumain kana." Utos nito sa kanya, at nagmadaling umalis sa harap ni Ramona, narinig din ni Ramona, ang sunod-sunod na pagmumura nito habang naglalakad palayo sa kanya.

Napasalampak sa lupa si Ramona, dahil sa biglaang panghihina ng mga tuhod niya. Pakiramdam niya ay may malaking sa kanya ang lalake. Napahawak siya sa pisngi niya nang maramdaman niya ang basang bagay na dumadaloy sa pisngi niya, hindi niya namalayan na lumuluha na pala siya. Ang simpling pagluha niya ay napalitan nang mahinang hikbi, hindi niya maintidihan kung bakit ang bigat nang pakiramdam niya sa dibdib niya, basta ang gusto niya ay umiyak lang.

PARANG may sumakal sa puso ni Santi, habang naririnig niya ang mahihinang hikbi ni Ramona. Kahit malayo na siya sa hardin ay rinig na rinig parin niya ang pag-iyak nito. Malakas ang pandinig niya, isa iyon sa kakayanan niya bilang lobo. Nababasa din niya ang isip ng isang tao. Batid niya kanina ang matinding takot sa mukha ni Ramona, kaya umiwas nalang siya kahit pa ang totoo ay gusto niya laging malapit sa dalaga.

Dumertso si Santi, sa malawak na kagubatan malapit sa mansyon nila. Agad na nagpalit siya ng anyo bilang lobo, hindi siya natatakot magpalit ng anyo dahil wala naman ibang tao na nagagawi sa gubat na pagmamay-ari nila. Agad na umalulong ang making kulay itim na lobo, kung may makakakita sa malaking lobo ngayon ay siguradong matatakot dahil sa napaka-bangis nitong anyo.

AGAD NA napatingin si Ramona sa malawak na gubat na malapit sa hardinan nang marinig niya ang isang malakas na alulong. Sa halip na matakot ay parang nahahalina pa siya na puntahan ang gubat. Tumayo siya at pinahid ang luha na dumadaloy sa maamo niyang mukha.

Walang pag-da-dalawang isip na pumasok siya sa madilim na gubat. Para siyang lutang na naglalakad patungo sa gitna ng madilim na gubat.

"Ramona, Mahal," mahinang bulong sa kanya ng hangin. Pakiramdam niya ay nagtaasan ang balahibo niya sa buong katawan, at parang nagising siya sa isang panaginip. Tumahip nang kaybilis an tibok ng puso niya, para siyang natauhan.

Nagmadali siyang tumalikod at akmang tatakbo na nang makarinig siya nang malakas na alulong mula sa likod niya. Napalunok muna siya ng laway habang unti-unting lumilingon.

Kasing puti na nang papel ang mukha niya dahil sa takot nang makita kung ano ang nasa likod niya. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng ganung hayop! Isang lobo!

Nakatingin sa kanya ang isang malaking itim na lobo, agad na napa-urong siya nang makita na papalapit sa kanya ang lobo. Natatakot siya lalo na't parang galit na umaangil ang lobo sa kanya. Kahit nakakaramdam nang takot ay hindi niya pari maiwasan na tumitig sa mata nang malaking hayop, nakikita niya ang lungkot sa mata ng malaking lobo at parang pamilyar sa kanya ang mata nito. Hindi niya maintidihan ang damadamin dahil nakakaramdam din siya ng lungkot pero nanaig parin ang takot para sa malaking lobo.

"W-wag kang lalapit," takot na bigkas ni Ramona, habang patuloy na uma-atras. Hindi niya namalayan na may malaking bato na naka-usli sa pag-urong niya, hindi na niya nabalanse ang katawan niya at mabilis siyang natumba. Malakas siyang napatili nang makita ang malaking lobo na dadambahin siya. Hindi na niya namalayan ang sumunod na pangyayari dahil sa pag-dilim ng paligid niya.

Hindi na rin niya nakita na nagpalit ng anyo ang lobo at naging si Santi. Maingat siyang binuhat ni Santi, sa mag bisig nito. Puno nang lambing siyang tinitigan nito bago patakan nang magaang halik sa noo.

Malungkot si Santi, nang maalala ang takot na mukha ng babaeng nasa bisig niya nang makita ang anyong lobo niya. Hindi niya ito masisi dahil kahit sinong makakita sa anyong lobo niya ay siguradong matatakot sa kanya.

TBC

A/N

Add my facebook account: Roanaax Wp

Facebook page: Roanaaax Story
Facebook group: Roanaaax Affair's
IG: roanaaax
Twitter: roanaaaxwp

THE HANDSOME BEASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon