3- Santi
Ilang-araw na ba siya sa mansyon ng mga Ricafort? Pero kahit isang beses ay hindi naman siya pinatulong sa gawaing bahay, kahit gusto niyang tumulong ay hindi siya pinapayagan ng Senyora. Hindi siya kasambahay kung ituring sa mansyon, pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa.
"Hay." Bumuntong hininga si Ramona at napasimangot. Hindi na rin niya masyadong nakaka-usap ang tiyahin, madalas pa niyang kasama ang tita Melanie niya. Pero ngayong araw ay hindi niya ito kasama dahil may pupuntahan ito kasama ang asawa.
"Tiya," tawag niya sa tiyahin nang makita ito sa may kusina nagluluto ito ng pagkain para sa tanghalian, lumingon ito sa kanya at tipid na ngumiti. Lumapit siya sa tiyahin at na-upo, humalumbaba siya habang naka-nguso.
"Bakit hija, nagugumtom kana ba?" tanong sa kanya ng tiyahin, umiling siya bilang sagot.
"Tiya, kailan po ako gagawa ng gawaing bahay?" tanong niya sa tiyahin, mula nang dumating siya ay hindi pa siya nakakahawak ng walis. Inip na inip na siya, gusto na niyang tumulong sa mga ito, pero tuwing hahawak siya ng tambo ay laging inaagaw sa kanya ng ibang kasambahay.
Bumuntong hininga ang tiyahin niya bago pinatay ang kalan, tipid itong ngumiti sa kanya. Lumapit ito sa kanya at marahan na tinangal ang pagkahalumbaba niya, napanguso siya dahil sa ginawa ng tiyahin.
"Ayaw mo ba no'n hija, hindi ka napapagod." Lalong humaba ang nguso ni Ramona.
"Pero ano po gagawin ko dito kung hindi naman ako magta-trabaho? Tapos po ayaw pa po nila akong palipatin ng kwarto gusto ko po kayong kasama Tiya," maktol ni Ramona sa Tiyahin. Batid ni Merly na naiinis na rin ang pamangkin, gustuhin man ni Merly na hindi sumang-ayon sa gusto ng mag-asawang Ricafort, wala siyang magagawa dahil kahit ang mag-asawang Ricafort ay walang magagawa. Bumuntong hininga si Merly at may naisip na magandang paraan para hindi na mainis ang pamangkin.
"Sige bukas kakausapin ko ang Senyora na ipaalaga sayo ang hardinan." Parang nag-ningning naman ang mata ni Ramona, isa sa mga gusto niyang bagay bukod sa buwan ay hardin.
"Talaga po Tiya?" Excited na tanong ni Ramona. Ngumiti si Merly habang tumatango.
"Pero Tiya." Nawala sa mukha ni Ramona, ang pagiging excited at napalitan ng pag-alala at takot.
"Bakit Ramona?" Nag-alalang tanong ni Merly sa pamangkin, batid nitong may gumagambala sa kanyang pamangkin.
"Natatakot po akong mag-isa tuwing gabi, pakiramdam ko po laging may nakatingin sakin," natatakot na ani ni Ramona, ilang gabi na rin niya na nararamdaman na ibang presinsya sa kwarto niya tuwing sasapit ang gabi. Hindi naman siya mapaniwalain sa multo at isa pa nararamdaman niya na hindi iyon multo.
"B-baka... guni-guni mo lang yon Ramona." Napakunot ang noo niya nang marinig ang pagka-utal sa boses ng tiyahin.
"Pero Tiya..." napatigil si Ramona iniisip niya kung eke-kwento pa ba niya ang napapanaginipan na lalake, kahit hindi niya nakikita ang itsura ng lalake ay alam niyang iisang tao lang yon. Ipinagtataka pa niya ay iisa lang naman eksena ang napapanaginipan niya, lagi niyang nakikita sa panaginip na masaya siyang kasama ang lalake na parang habang buhay na parang ito ang lalakeng inilaan sa kanya.
"Pero ano Hija?" Umiling nalang si Ramona, hindi nalang niya eki-kwento dito ang tungkol sa lalake sa panaginip niya. Siguro ay tama din ito na guni-guni niya lang ang nararamdaman sa kwarto.
"Nandyan na ang Senyora at Senyor, kasama ang senyorito." Napatingin ang mag tiyahin sa kasambahay na nasa may bukana ng kusina. Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ng kasambahay.
Senyorito? Anak ba yon ng Senyora? Ngayon niya lang nalaman na may anak na ang mag-asawang Ricafort. Napangiti si Ramona, siguro ay napaka-cute na batang lalake ang anak ng mga ito, dahil sobrang gwapo at ganda ng mag-asawang Ricafort.
"Halika na, Ramona, salubungin natin ang pagbabalik niya." Kumunot ang noo niya ng maramdaman ang panlalamig ng kamay ng Tiyahin nang hawakan siya nito.
Pinagkibit balikat nalang ni Ramona, dahil bigla nalang siyang hinila ng kanyang tiyahin. Habang naglalakad patungo sa lugar kung saan naroon ang bagong dating ay pakiramdam ni Ramona ay parang galing siya sa karera dahil sa sobrang bilis nang tibok ng puso niya.
Lalong bumilis at pakiramdam ni Ramona ay may nagkakarambulan sa loob ng tiyan niya nang makita ang Senyorito na tinukoy ng kasambahay, hindi ito cute dahil sobrang gwapo nito, hindi rin ito bata dahil mukha itong mas matanda sa kanya ng limang taon. Matangkad din ito ng hindi hamak kaysa kanya, matangos ang ilong, mapupulang labi at higit sa lahat ang mata nito ay parang nakakapaso kung tumitig.
"Na-miss kita hija." Hindi namalayan ni Ramona na natulala na pala siya, kung hindi lang siya niyakap ng ginang ay hindi pa ito magbabalik sa reyaledad.
"K-kayo din po na-miss ko," nauutal na sambit ni Ramona, napa-iwas siya ng tingin nang makita na matiim na naka titig sa kanya ang lalakeng bagong dating.
Para siyang napapaso sa mga titig nito, ramdam na ramdam niya ang pagtitig nito sa kanya hindi niya tuloy maiwasan ang mapalunok ng laway.
Naguguluhan din siya sa sarili dahil parang gusto niyang yakapin ang bagong dating!
"Oh hija, siya nga pala ang anak ko, si Santi," pambasag ni Melanie sa katahimikan, inakbayan nito si Ramona habang itinuro ang anak na si Santi, napayuko siya habang kagat-kagat ang labi dahil matiim parin nakatitig ang madilim nitong mata sa kanya.
"M-maligayang pag-dating po Senyorito," mahinang bigkas ni Ramona, hindi makapaniwala si Ramona na anak nga ito ni Melanie, dahil para sa kanya ay napaka-bata pa nitong tingnan para magka-anak ng mas matanda pa sa kanya. Pero nawala ang agam-agam niya at parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Ramona nang marinig niya ang mabibigat na yabag ni Santi patungo sa kanya.
Akala ni Ramona ay may sasabihin ito sa kanya dahil tumigil ito sa harap niya, nanatili lang siyang nakayuko, pinipilit niyang maging kampate habang nasa harap niya ang lalake kahit ang totoo ay bibigay na ang tuhod niya dahil pakiramdam niya ay nawala na ang buto no'n.
"Tsk." Napasinghap si Ramona nang marinig yon sa lalake na nilampasan lang siya. Hindi rin niya maiwasan masaktan dahil sa inasal ng lalake, na dapat naman ay hindi niya maramdaman.
TBC
Ayan na si bebe. Santi😍
A/N
Join kayo sa group page ko, nasa bio ko ang link or search nyo Roanaaax Affair's 😊