8-
Pakiramdam ni Ramona, ay hindi siya nabusog kahit na masarap ang mga niluto ni Santi para sa kanila. Hindi niya magawang mag- concentrate dahil pakiramdam niya ang matitiim na titig ni Santi.
Nang matapos siyang kumain ay inilagay niya ang pinagkainan niya sa lababo, tumayo siya duon at hinintay si Santi na matapos. Nang makita niya itong tumayo habang bitbit ang saraling pinagkainan ay agad na inilahad niya ang kamay upang tanggapin ang ginamit nito. Nakayuko siya at ilang minuto na ang nakakaraan ay wala parin siyang nararamdamang bagay sa palad niya, kaya naisipan niyang iangat ang tingin. Malakas siyang napasinghap nang makita na nakangisi sa kanya si Santi, habang kita sa mata ng binata ang pagka-aliw.
Napakagat siya ng labi nang lampasan siya ni Santi, habang dala parin ang maduming plato at baso. Lumingon siya dito at nakita niya na inilapag nito ang ginamit sa lababo.
"Ako na po ang mag-huhugas nang pinagkainan natin Senyorito," agad na sabi ni Ramona, nang makita niya na akmang huhugasan na ni Santi ang mga maduduming plato at baso.
Pakiramdam ni Ramona, ay tumambling ang puso niya nang makita niya ang matamis na ngiti ni Santi nang sumulyap ito sa kanya.
"Ako na ang bahala dito, magpahinga kana alam kong napagod ka sa ginawa mo sa hardinan," sabi nito sa kanya at sinimulan na ang paghuhugas nang pinag-kainan nila.
"Naku! Ako na po!" Taranatang sagot ni Ramona. Siya ang katulong tapos ito ang maglilinis nang kinainan nila! Ito na nga ang nagluto!
Dahil sa pagkataranta niya at sobra siyang nahihiya dahil pakiramdam niya ay siya ang pinagsisilbihan ng binata na dapat siya ang gumagawa, hindi namalayan na hawak na pala niya ang malambot na kamay ni Santi.
"P-pasensya na po Senyorito," nahihiyang sabi ni Ramona binitiwan niya ang kamay ni Santi, bago nahihiyang yumuko.
Sobrang pula na ng mukha ni Ramona, dahil sa kahihiyang kanyang nararamdaman. Hindi niya mapigilan ang maiyak, pakiramdam niya ay sobra-sobra na ang kahihiyan na nagagawa niya sa harap ng binata. Una ay no'ng hinayaan niya itong halikan siya, pangalawa ay ang pinagluto siya nito, pantatlo ay nang hindi sinasadyang mahawakan niya ang kamay nito.
Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nahiya ng ganito para sa isang lalake, pero hindi basta lalake lang si Santi para kay Ramona, dahil ito ang lalakeng sobra din na nagpapabilis nang tibok ng puso niya.
"Hey, dont worry ako na ang bahala dito." Napa-angat nang tingin si Ramona, at sinalubong niy ang mapupungay na mata ni Santi, na nakatingin sa kanya.
Pakiramdam ni Ramona, ay nanghihina ang mga tuhod niya dahil sa mapupungay nitong mata na nakatingin sa kanya.
"P-pero t-trabaho ko po yan, hindi po dapat kayo ang gumagawa, ako dapat," nahihiyang sagot niya, dahil yon naman talaga ang tama para sa kanya.
Ngumiti ito habang umiiling na parang aliw na aliw sa kanya. Hindi niya mapigilan ang mainis dahil pakiramdam talaga niya ay pinagkakatuwaan siya ng binata.
"Listen Ramona, hindi kita pinagkakatuwaan. Ang gusto ko lang ay magpahinga ka dahil alam kong napagod ka sa ginawa mo sa hardin," malambing na sabi nito sa kanya, "at isa pa ayaw kitang napapagod. Fuck! Hindi nga ako pumayag na mag-alaga ka ng bulalak dahil nakakapagod yon, pero yon ang gusto mo," dugtong pa nito na halatang hindi sang-ayon sa ginawa niya.
Halos mapapanga-nga si Ramona, dahil sa mga sinabi ni Santi. Hindi niya maintindihan kung bakit nito sinasabi yon. Pumasok siya sa mga Ricafort bilang katulong kaya dapat lang na mapagod siya.
"P-pero b-bakit p-po?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa binata na ngayon ay matiim na nakatingin sa kanya.
Bumuntong hininga ito bago tumingin sa mata niya. Pakiramdam niya ay nanghihina na namn siya dahil sa mga tingin nito. Napakagat labi siya at pilit na iniiwas ang tingin sa binata.
Naramdaman niya ang paglapit sa kanya ng binata, nagulat nalang siya nang maramdaman niya ang pag-hawak ni Santi, sa balikat niya kaya agad siyang napatingin dito. Pero parang matutunaw siya ngayon sa pamamaraan ng tinging nito. Ibat-ibang emosyon ang nakikita niya sa mga mata nito.
"S-senyorito Santi." Sunod-sunod ang naging paglunok niya ng laway dahil sa kabang nararamdaman niya habang nakikipagtitigan sa mata nito.
"Ramona, pinipilit kong pigilan. Ayaw kitang biglain sa mga pangyayari, pero baby hindi ko magawa. Tuwing nakikita kita, gusto kitang yakapin, mahalikan at buong araw na ikulong sa mga bisig ko." Pakiramdam ni Ramona, ay sumayad na ang panga niya dahil sa mahabang sinabi ni Santi. Hindi siya makapag-salita.
"Nakatadhana ka sakin Ramona, hindi ka pa ipinapanganak ay tayo ng dalawa ang nakasulat sa kapalaran ng isat-isa. You're my queen, you're my love."
Hindi na talaga nakapagsalita si Ramona, walang salitang gustong lumabas sa bibig niya. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ni Santi.
"H-hindi kita maintindihan Senyorito, at anong po ibig nyong sabihin na itinadhana ako sa inyo? Nagkakamali po kayo, mahirap lang po ako at mayaman kayo, magkaibang--"
Hindi na naituloy ni Ramona ang sasabihin nang sakupin ni Santi ang kanyang labi. Dilat na dilat ang mata niya habang hinahalikan siya ni Santi, pero ang binata ay tila sarap na sarap sa ginagawang paghalik sa kanya.
TBC
A/N
Hi readers/friends😊 please join my facebook group😊 search Roanaaax Affair's or click the link on my bio😊