A/N
Hi po! Open na po for reservation ang The man's Obsession (2nd batch) at Affair series 1: My stepfathers mistress! Kindly pm my facebook account Roanaax Wp or click the link on my bio for more details! :)And join my official facebook group: Roanaaax affair's
Thank you!
Enjoy reading!-----
9:
Isang malaking itim na lobo ang humahabol kay Ramona, puno ng sugat ang buong katawan niya habang naka-suot ng traje de boda. Hindi niya alintana ang magubat na daan, ang gusto niya ay makatakas mula dito.
"Ahhhhhhhhhh." Ang lalim ng boses ni Ramona, ay bumubulabog sa tahimik na gubat nang siya ay madapa sa lupa.
"Maawa ka, layuan mo ako." Nag-mamakaawa ang boses ni Ramona, habang lumalapit sa kanya ang itim na lobo.
Umangil ang lobo, nakita ni Ramona, ang mga ibon nanag-liparan dahil sa nakakatakot na alulong ng lobo. Umaangil na lumapit sa kanya ang lobo, napapikit siya at tanggap na ang kapalaran na malapit na siyang mamatay dahil sa mabangis lobo.
Napakunot ang noo niya nang maramdaman ang malambot na kamay na humahaplos sa kanya, agad na idinilat niya ang mata at napasinghap siya ng sa halip na itim na lobo ang makita ay hindi, sa halip ay mukha ni Santi, ang nakita niya na humahaplos sa mukha niya.
"I-ikaw?"
Hindi pa siya makakilos lalo na at nakita niya ang pag-ngisi ni Santi, at pakiramdam niya ay naubos ang hangin niya sa katawan nang makita ang paunti-unting pagpapalit ng anyo ni Santi.
"Ahhhhhhhhhhhhhh," malakas na sigaw ni Ramona, nang akmang sasakmalin na siya sa leeg ng itim na lobo.
----
"Ramona," mahinang bigkas ni Santi, sa pangalan ni Ramona, mahina niyang tinapik ang mukha nito. Kanina pa niya nariring mula sa silid niya ang mahihinang ungol ni Ramona, na tila na nanaginip ng masama, at tama nga siya ng hinala nang makita niya ang mukha nito na pawis na pawis at umuungol na parang nasasaktan.
"Huh!" Mabilis na napabangon si Ramona, pawis na pawis ang mukha niya. Agad na napansin niya si Santi, na nakaupo sa may gilid ng kama niya. Hindi niya mapigilan ang matakot lalo na nang maalala niya ang masamang panaginip. Isiniksik niya ang sarili sa unahan ng kama niy habang kipkip ang kumot.
"Hey are you okey? Namumutla ka," nag-aalalang tanong ni Santi, sobra siyang nag-aalala sa dalaga dahil sa nakikita niyang panginginig ng katawan nito.
"W-wag mo akong sasaktan." Batid ni Santi, ang takot sa pananalita ni Ramona. Kumunot ang noo niya dahil sa pagkalito sa sinasabi ni Ramona.
"Hey, hindi kita sa sasaktan, sino naman may sabi sayo na sasaktan kita," malambing na sagot ni Santi, hinwakan niya ang kamay ni Ramona, ramdam ni Santi ang panlalamig nun.
Para naman natauhan si Ramona, dahil sa kamay ni Santi na nakahawak sa kamay niya. Hindi niya mapigilan na mahiya sa binata dahil sa takot na pinakita niya dito. Panaginip lang yon, dahil imposible na maging lobo ang gwapong lalake na nasa harap niya ngayon.
"P-pansensya na po Senyorito," nahihiyang ani niya, nakita ni Ramona, ang pag ngiti ng binata. Kanina ay takot ang nararamdaman niya pero ngayon ay napalitan ng kakaibang damdamin ang puso niya dahil sa ngiti ng binata. Lalo na at hawak nito ang kamay niya, parang kumakalma ang pakiramdam niya sa hawak nito.
"It's okey, mukhang masama ang napanagipan mo." Hindi maiwasan ni Ramona ang makaramdam ng kiliti sa loob ng tiyan niya nang haplos-haplusin ni Santi, ang kamay niya.
"Opo! Nakapanaginip po ako nang malaking lobo nakaka..." hindi na naituloy ni Ramona, ang pagku-kwento sa panaginip niya nang bitiwan ni Santi ang kamay niya habang matiim na nakatingin sa kanya. Hindi niya mapigilan na mapakagat-labi at yumuko, pakiramdam niya ang hindi naman interesado ang binata sa napanaginipan niya.
"P-pasensya na po Senyorito," nahihiyang paumanhin niya dahil sa kadaldalan niya.
Narinig niya ang marahas na pag-buntong hininga ng binata.
"Pasensya ka na din dahil pumasok ako sa kwarto mo ng walang paalam, nag-aala kasi ako sayo dahil hindi kana lumabas sa kwarto mo after ng lunch natin," paumahin din ng binata dahil sa pagpasok nito sa kwarto niya.
Pakiramdam niya ay sobrang namula ang mukha niya nang maalala ang halik na pinagsaluhan nila kanina sa may kusina, pagkatapos nangyari yon ay nagkulong na siya sa kwarto dahil s kahihiyan na naman niya sa binata.
"O-okey lang po yon," nahihiyang sagot niya, gusto na niyang lumubog sa malambot na kama na hinihigaan niya, dalawang beses na siyang hinalikan ni Santi, at inaamin niya sa sarili niya na nag e-enjoy siya sa halik nito, kaya hiyang-hiya na siya sa binata pati narin sa sarili niya.
"Wag mo sana akong iwasan, Ramona." Nanlalaki ang mata ni Ramona, nang tumingin ito kay Santi. Kung hindi siya nagkakamali ay narinig niya ang pagmama-kaawa sa boses nito, pero bakit ito magmamakaawa sa kanya?
Nadismaya siya nang makita na walang emosyon na nakatingin ito sa kanya, siguro ay pinaglalaruan lang siya ng kanyang teynga.
"Hindi ko po kayo iniiwasan Senyorito," mahinang sagot niya sa binata, narinig niya ulit ang pagbuntong hininga nito.
"Siguro hindi nga," kibit-balikat na sagot nito, "dahil kahit ano naman gawin mo na pag-iwas hindi kana makakawala saken...." lumapit ito kay Ramona, habang may ngiti sa labi, sunod-sunod na napalunok ng laway si Ramona, dahil sa paglapit ng mukh niya ang mukha ng binata.
"S-senyorito," kinakabahan pero hindi maiwasan ni Ramona, ang ma-excite dahil sa paglapit ng mukha nito sa kanya, amoy na amoy niya ang mabangong amoy ng binata dahil sa paglapit nito sa kanya.
"Dahil nakatali kana saken simula nang dumating ka dito sa mansyon namin, ahmmm. Hindi pala, dahil akin kana hindi ka palang ipinapanganak." Sobrang lapit na ng mukha nito sa kanya, konting kibot nalang ay maghahalikan na naman sila ni Santi.
Hindi na niya naintindihan ang sinabi ni Santi, dahil ang atensyon niya ay nasa mapulang labi ni Santi, nakaunti nalang ay maglalapat na. Hindi niya napigilan ang pagdila niya sa sariling labi dahil pakiramdam niya ay natuyo iyon.
"Shit!" Nagulat siya nang hawakan ni Santi, ang mukha niya at hindi niya na sabayan ang ginawa nito dahil sa pangatlong pagkakataon ay sinakop na naman nito ang labi niya, at ito na naman ang traydor na katawan niya dahil sa halip na itulak niya ang binata ay hindi niya ginawa sa halip ay niyakap niya ang braso sa leeg ng binata at sinabayan ang pahagod ng labi nito sa kanya.
TBC