5-
"Ha!" Napabalikwas nang bangon si Ramona, hingal na hingal siya na parang hinabol siya ng malaking aso.
Agad na nanlaki ang mata ni Ramona, nang maalala ang nangyari kanina, napatingin siya sa paligid niya at nakita niya na nasa loob siya ng kanyang kwarto. Ang naalala niya ay nasagubat siya kung saan may nakita siyang malaking lobo.
"Ayos kalang ba hija?" Agad na napatingin siya sa Tiyahin niya na ngayon lang niya napansin na naka-upo sa may gilid ng kama. Puno nang pag-alala na nakatinginito sa kanya.
"T-tiya may nakita po akong malaking lobo sa gubat na nasa liko ng mansyon!" Malaking mata na kwento ni Ramona, sa tiyahin. Napabuntong hininga si Merly, bago malungkot na tiningnan siya.
"Tiya maniwala po kayo saken," pagku-kumbinsi ni Ramona sa Tiyahin na halatang hindi na naniniwala sa kwento niya. Isa pang pinagtataka ni Ramona ay kung pano siya nakabalik sa kanyang kama, ang natatandaan niya ay dadambahin na siya nang malaking lobo. Hindi niya na alam ang kasunod na nangyari.
"Hija, walang malaking lobo at wala ka sa gubat nang matagpuan ka ni Senyorito Santi, nasa may hardin ka at walang malay. Siguro ay nahimatay ka dahil sa gutom, kaya sa susunod wag kanang magpapalipas ng gutom," mahabang lintaya ni Merly sa pamangkin.
Napanganga si Ramona dahil sa sinabi ng tiyahin. Alam niya ang nakita niya, hindi yon bunga nang emahinasyon niya. Nakita talaga niya ang malaking lobo!
"Pero--" hindi na naituloy ni Ramona ang sasabihin dahil biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok duon si Melanie, nakangiti ito habang may dalang pagkain na nakalagay sa tray.
"Gising kana pala hija," malumanay na sabi ng ginang, pumalit ito kung saan naka-upo si Merly, "kumain ka ng marami hija, mabuti nalang at nakita ka ni Santi na walang malay sa garden kung hindi baka nakagat ka nang mga insekto," nakangiti paring turan ni Melanie.
Hindi makapaniwalang tumingin si Ramona, s tiyahin na nakatayo na sa may gilid ng kama niya.
"Pero nakita ko po yong lobo," mahinang bigkas ni Ramona na siya lang ang nakakarinig.
Naramdaman ni Ramona, ang paghawak ng tita Melanie niya sa kamay niya.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo hija?" Malumanay na tanong nito sa kanya, tipid na ngumiti si Ramona, bago tumango bilang sagot.
"Sinabi nyo po ba na si Senyorito Santi ang nakakita saken, siya rin po ang nagdala saken dito sa kwarto ko?" Nahihiyang tanong niya kay Melanie, ngumiti ito bilang sagot. Nakaramdam ng hiya si Ramona, dahil ang Senyorito pa niya ang nagbuhat sa kanya.
"Pasabi po sa Senyorito, maraming salamat po," nahihiyang sambit ni Ramona, kumbensido na siya na talagang hinimatay siya sa may hardin. At bumanga lang nang panaginip niya ang malaking lobo.
"Labis ang pag-aala sayo ng anak ko, Ramona," sabi nito habang hinahaplos ang buhok ni Ramona. Namula naman ang mukha ni Ramona, dahil sa sinabi ng ginang.
"Pasensya na po," mahinang sabi ni Ramona, nahihiya siya sa ginang dahil sa abala niyang ginawa.
"Walang anuman yon hija, oh sya, kumain kana ako mismo ang nagluto nito." Tukoy nito sa pagkaing dala. Napangiwi si Ramona nang malakas na tumunog ang tiyan niya, napatawa si Susan at Melanie.
--
Madilim na ang paligid nang maisipan ni Ramona, na lumabas sa kanyang silid. Tulog na ang lahat ng tao sa masyon, hindi niya mainitidihan kung bakit pakiramdam niya ay gusto niyang lumabas.
Hindi siya natakot na lumabas para pumunta sa hardenan, gusto niyang pagmasdan ang nga bulaklak na itinanim niya sa ilalim ng liwanag ng buwan.
"Hindi makatulog?" Napatalon sa gulat si Ramona nang may biglang nagsalita sa likod niya. At kilalang-kilala niya ang boses na yon. Agad na napalingon si Ramona, para kumpirmahin kung tama ang hinala niya, agad na nakita niya ang bulto nang lalake na nakatayo sa medyo madilim na parte. Unti-unti itong naglakad papalapit sa kanya, nahihiyang napayuko si Ramona, nang tumama ang liwanag ng buwan sa bulto ng lalake. Si Santi, tumigil ito sa paglalakad nang kaonti nalang ang distansya nito kay Ramona.
"Kayo pala Senyorito," nahihiyang sabi ni Ramona, habang nakayuko at nilalaro ang laylayan ng suot na damit. Naramdaman na naman niya kakaibang tibok ng puso niya tuwing makikita ito.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Seryosong tanong nito sa kanya. Napa-angat ang tingin niya dito at nakita niya na seryoso itong nakatingin sa kanya.
"O-opo, maraming salamat po. Sige po matutulog na ako."
Tumango si Santi, bilang sagot kay Ramona. Nagmadaling umalis si Ramona sa harap ni Sati, kahit pakiramdam niya ang nanghihina ang tuhod niya ay pinilit parin niyang makalayo sa binata.
PINAGMASDAN ni Santi, ang nagmamadaling umalis na si Ramona. Batid niyang umiiwas sa kanya ang dalaga, marahas siyang bumuntong hininga nang maalala ang takot sa mukha ni Ramona, nang makita ang anyong lobo niya.
Malungkot siyang tumingala at pinagmasdan ang bilog na bilog na buwan.
Ilang oras pang tinitigan niya ang buwan, bago naisipan na pumasok na sa loob ng bahay.
Walang ingay at punong-puno ng pag-iingat siyang pumasok sa kwarto ni Ramona, marahan niyang inayos ang kumort ng dalaga na mahimbing na natutulog sa malambot niyang kama. Napangiti siya nang makita ang pag-ngiti ng dalaga habang natutulog na tila may magandang napapanaginipan.
"Sana ay ako ang dahilan nang mga ngiti mo, mahal," malambing na bigkas ng binata bago magaan na hinalikan sa noo si Ramona.
Pinagmasdan pa niya ng isang beses ang mahimbing na natutulog na si Ramona, bago tuluyang lumabas na may tipid na ngiti sa labi nito.
TBC