6- UNANG HALIK
Magaan ang pakiramdam ni Ramona, nang magising siya. Napangiti siya nang maalala ang magandang panaginip, kung saan mayron daw lalake na naghihintay sa kanya sa unahan ng altar habang siya ay umiiyak pero hindi dahil sa lungkot, kundi sa labis na kasiyahan. Hindi niya nakita ang mukha ng lalake sa panaginip niya, pero alam niya ay iisang lalake lang yon na napapanaginipan niya simula nang dumating siya sa bayan ng Ricafort. Hindi niya maintindihan ang sarili, pakiramdam niya ay kinikilig siya sa lalake sa panaginip niya, kahit pa hindi niya nakikita ang itsura nito ay alam niyang sobrang gwapo nito.
"Magandan umaga Tiya," masiglang bati ni Ramona sa tiyahin nang madatnan niya ito sa kusina na nagluluto ng pagkain para sa agahan nila.
"Mukhang maganda ang gising mo hija?" Puna ni Merly sa pamangkin. Nakangiting tumango si Ramona, bilang sang-ayon sa sinabi nito. Dahil tama naman ito, masaya siya dahil sa magandang panaginip.
"Ano po ang niluluto nyo Tiya?" Tanong ni Ramona sa tiyahin.
"Tinola, hija paborito ito ni Senyorito Santi," naka-ngiting baling ni Merly sa pamangkin. Biglang namula si Ramona nang may biglang pumasok sa isip niya na ang lalakeng naghihintay sa kanya sa altar ay si Santi. Umiling si Ramona at pilit na inaalis ang scenario yon sa kanyang isip, dahil malabong mangyari ang nasa isip niya.
"M-may maitutulong po ba ako Tiya?" Nag-alangan tanong niya sa tiyahin.
"Wala na naman hija. Gisingin mo nalang si Senyorito Santi." Napasinghap siya dahil sa inuutos ng kanyang tiyahin, "may problema ba hija?" Nagtatakang tanong ni Merly nang marinig ang pagsinghap ni Ramona.
"W-wala po tiya," nahihiyang sagot ni Ramona, "sina tita Melanie po gigisingin ko na rin po ba?" Tanong niya sa tiyahin.
"Umalis sila kaninang madaling araw patungo sila ng Maynila may aasikasuhin na negosyo si Senyor Tiago, ilang araw sila duon," sagot ni Merly kay Ramona habang abala ito sa ginagawa, "oh siya gisingibmn mo na si senyorito Santi, ihahanda ko na ito sa hapag," utos muli nito kay Ramona.
Napakagat labi si Ramona, habang naglalakad siya patungo sa kwarto ni Santi. Nanginginig ang tuhod niya habang papalapit sa kwarto ng binata. Kahit ayaw niyang gisingin ito ay wala siyang magagawa dahil utos yon ng kanyang Tiyahin.
Sobrang bilis nang tibok ng puso niya habang kinakatok ng pinto ng kwarto ni Santi. Nanginig din ang kanyang kamay.
"Senyorito," mahinang tawag niya habang kumakatok. Kahit sobra siyang kinakabahan sa hindi niya malamang dahilan ay nagawa parin niyang matawa nang mahina. Alam naman niya na hindi siya nariring ng binata ay nagawa parin niya itong tawagin.
Akmang kakatukin niya ulit ang pinto nang malakas na bumukas ito, agad na tumama sa kanyang mukha ang malakas na hangin, napapikit siya dahil sa lakas ng hangin. Naramdaman niya ang pagpulupot nang matigas na braso na pumulupot sa bewang niya. Napasinghap siya nang maramdaman ang palutang niya at ang narinig niya ang malakas na pagsara ng pinto.
Hindi siya nakapag-react at naramdaman nalang niya na nakahiga na siya sa malambot na kama, habang may nakadagan sa kanya. Gulat na napadilat siya ng mata at sumalubong sa kanya ang malalam na liwanag sa loob ng kwarto ni Santi. Napasinghap siya nang makita na nasa ibabaw niya si Santi, at matiim na nakatingin sa kanya. Ang dalawang braso nito ay nakatuon sa gilid ng ulo niya.
"P-pano?" Hindi niya malaman kung ano ang itatanong sa binata, naguguluhan siya kung pano siya mabilis na napunta sa kama, samantalang malayo ang pinto sa kama nito.
Sunod-sunod na napalunok siya nang mapansin na matiim na nakatingin sa labi niya si Santi habang nasa ibabaw niya. Damang-dama niya ang init na nagmumula sa katawan ng binata, hindi niya magawang itulak ito, nang hihina siya.
"Lagi kong pinapangarap na mangyari ito," seryosong sambit ni Santi habang matiim parin na nakatingin sa labi niya.
"Senyorito--"
"Santi, call me Santi," pagputol nito sa iba pang sasabihin niya. Parang nahipnotismo si Ramona habang nakatingin sa mata ni Santi.
"Santi," parang wala sa sariling bigkas ni Ramona sa pangalan ng binata. Napangisi si Santi, parang musika sa pandinig niya ang pagbigkas ni Ramona sa pangalan niya.
Unti-unting inilapit ni Santi ang mukha kay Ramona, gustong-gusto niyang matikman ang mapupulang labi ng dalaga. Lalo siyang nasabik na halikan ito nang makita niya ang pagkagat ni Ramona, sa ibabang labi nito nakita niya ang unti-ung pagpikit ni Ramona na tila nagpapa-ubaya na sa kanya.
Pinikit niya ang mata nang magdikit ang labi nila, para siyang nakalutang sa hangin nang maramdaman ang malambot na labi ng dalaga. Marahan na hinalikan niya ang labi nito, puno nang pag-iingat ang galaw ng labi niya. Parang takot na takot si Santi na masaktan ang dalaga sa paghalik niya, puno nang lambing ang bawat pagkibot ng labi niya. Lihim siyang napangiti nang maramdaman ang pag-ganti ng dalaga sa halik niya, alam niya na hindi ito marunong humalik base narin sa pag-galaw ng labi nito na pilit ginagawa ang galaw ng labi niya.
Ilang minuto din na magkadikit ang labi namin, kapwa hinihingal sila nang lumayo ang labi nila sa isat-isa, pinagdikit ni Santi ang noo nila ng dalaga. Mapupungay ang mata ni Santi habang pinagmamasdan ang nakapikit na mukha ni Ramona, na katulad niya ay naghahabol ng hininga dahil sa ginawa nilang paghahalikan.
"Akin kana Ramona," mahinang bigkas ni Santi, na hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Ramona, agad na idinilat niya ang mata. Ramdam ni Ramona, ang pag-init ng mukha niya dahil sa sinabi ni Santi. Nakapagdagdag pa ng hiya niya ay nang maalala ang pagsagot niya sa halik ni Santi. Parang ngayon lang pumasok sa isip ni Ramona ang naganap sa kanila ni Santi.
Hindi na niya napag-isipan ang ginawa niya, itunulak niya nang malakas ang binata na nasa ibabaw niya at mabilis siyang tumayo bago mabilis na tumakbo paalis sa kwarto ng binata.
Hiyang-hiya siya sa sarili, nakipag halikan siya sa amo niya! Nakipaghalikan siya sa hindi niya nobyo!
Nang medyo malayo na si Ramona sa kwarto ng binata ay agad siyang napasandal sa pader na malapit sa kanya, napahawak siya sa kanyang labi. Pakiramdam niya ay nangangapal iyon dahil sa paghalik ni Santi.
"Arghhhh. Ramona." Napasabunot si Ramona sa sariling buhok. Naiinis siya sa sarili, dahil inaamin niya na nagustuhan niya ang paghalik sa kanya ni Santi. Ito ang unang halik niya at para sa kanya ay sobrang sarap nun dahil ang gwapong si Santi, ang nakakuha ng unang halik niya.
TBC