7-
Sa halip na bumalik ng kusina ay sa hardin nalang nagtungo si Ramona, nahihiya siya dahil sa nangyari kanina. Gustuhin man niya na bumalik upang ipaalam sa tiyahin na ginising na niya si Santi, ay nauunahan siya ng hiya. Pakiramdam niya ay malalaman ng tiyahin niya ang naganap sa kanila ni Santi.
"Ano ba ang pumasok sa isip mo Ramona, at hinayaan mo na halikan ka ni Senyorito Santi," inis na sabi ni Ramona sa-sarili. Napabuntong hininga siya at umupo para simulan ang pagbabu-bunot ng mga damo sa paligid ng mga tinamin niyang halaman.
Tuwing kaharap niya ang mga halaman ay nakakalimot siya sa oras, maging ang tirik na tirik na araw ay hindi niya napapansin, kaya nang magutom siya ay nagmadali siyang pumasok sa loob ng mansyon para kumain, iniisip niya na baka mawalan na naman siya ng malay at kung ano-ano na naman ang mapanaginipan niya. Hindi siya nag-agahan at pakiramdam niya ay hinang-hina siya.
Nang makapasok si Ramona, sa mansyon ay agad na napansin niya ang katahimikan ng loob ng mansyon. Hindi din agad niya nakita ang ibang kasambahay na madalas niyang nakikita tuwing papasok siya sa loob ng masyon. Nagkibit balikat nalang siya, iniisip niya na baka may ginagawa ang mga ito sa ibang parte ng mansyon.
Nagtungo siya sa kusina para humingi sa tiyahin ng pagkain, alam niya na ganitong oras ay nandun iyon dahil ang tiyahin niya ang punong-abala pagdating sa pakain.
Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo niya ng sa halip na ang tiyahin ang makita nakaharap sa kalan ay hindi, dahil isang nakatalikod na lalake ang bumungad sa kanya. At hindi lang yon basta lalake, dahil kilalang-kilala niya ang lalakeng nakatalikod sa kanya habang abala sa ginagawang paglu-luto.
Tatalikod na sana siya para maka-alis na dun, nang dahan-dahan itong pumihit paharal sa kanya. Seryoso itong nakatingin sa kanya kaya hindi niya maiwasan ang kabahan. Pakiramdam niya ay nanghihina ang tuhod niya sa pamamaraan ng pagtitig nito sa kanya.
"S-senyorito," nau-utal na bigkas ni Ramona. Nahihiya parin siya dito dahil sa naganap sa kanila sa loob ng kwarto ng binata.
"Nagugutom kana ba?" Seryoso parin na nakatingin ito kay Ramona.
"H-hindi pa po--" hindi pa natatapos ni Ramona, ang sasabihin nang malakas na tumunog ang kanyang tiyan. Parang gusto na lang ni Ramona na kainin ng lupa dahil sa sobrang kahihiyan na nangyayari sa kanya.
Kagat-labi na tumungo siya habang nilalaro niya ang lay-layan ng kanyang damit. Sobra siyang nahihiya, hindi siya makatingin kay Santi.
"HAHAHAHAHA."
Napa-angat nang tingin si Ramona, habang may pagka-mangha sa mukha nito. Ngayon lang niya narinig ang pagtawa ni Santi, at para sa kanya ay napaka-sarap sa pandinig ang malakas na pagtawa ng binata.
"My god! All my life ngayon nalang ulit ako tumawa ng ganito." Bakas parin sa boses ng binta na sobra itong natuwa.
Hindi mapigilan ni Ramona, ang pamulahan ng mukha dahil sa pagka-aliw na nakikita niya sa mukha ng binata. Pakiramdam niya ay ginagawa siya nitong katatawanan.
"Shit! I'm sorry, hindi ko intensyon na pagtawanan ka," sabi nito na ikinagulat ni Ramona, dahil pakiramdam niya ay nababasa nito ang nasa isip niya.
"H-hindi ko naman po ini-isip yon." Pagtangi ni Ramona, mariin niyang kinagat ang kanyang dila dahil sa pagsi-sinungaling.
Nakita ni Ramona, ang pangiti nito habang umiiling.
"Okey, ma-upo kana at malapit na maluto itong niluluto kong pagkain para sa ating dalawa," sabi ni Santi.
"P-po? Nasa'n po sina Tiya?" Nanlalaki ang mata na tanong ni Ramona. Marahan na lumingo si Santi, sa kanya.
"Umalis sila patungong bayan, tayong dalawa lang ang tao dito, at baka bukas na sila makabalik dahil pyesta ngayon sa bayan," baliwalang sagot sa kanya ng binata. Halos manlumo si Ramona at parang gusto na niya umiyak sa harap ng binata dahil sa nalaman. Iniwan siya ng tiyahin niya ng walang paalam.
"Maupo kana at luto na itong ulam na niluto ko," sabi ng binata habang abala sa pagsasalin ng kanyang niluto sa malaking mangkok.
Kahit may panlulumong nararamdaman ay hindi parin maiwasan na bumilis ang tibok ng puso niya nang malaman na sila lang dalawa ni Santi ang tao sa mansyon, tapos ito pa ang nagluto nang kakainin nila.
TBC