11

5K 128 49
                                    

11

Nagising si Ramona na parang binugbog ang katawan niya, masakit yon lalo na ang bagay na nasa gitna ng hita niya. Sobra ang pamumula ng mukha niya nang maalala ang mainit na naganap sa kanila ni Santi. Agad na binalot nang lungkot ang puso niya nang makita na wala na satabi niya ang binata, gusto niyang isipin na panaginip ang lahat, pero lolokohin ba niya ang sarili kong lahat ng ebedensya ay nasa harap na niya. Wala parin siyang saplot sa katawan at kitang-kita niya ang mantsa sa puting kobre-kama.

Hindi niya mapigilan ang mapahikbi, halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Una nabigo niya ang magulang, pinangako niya sa mga ito natutulong siya upang medyo guminhawa ang buhay nila, pangala ay nangako siya sa sarili na ibibigay lang niya ang pagkaberhen sa lalakeng pakakasalan niya, pero anong ginawa niya naging marupok siya.

Halos mapatalon sa gulat si Ramona nang marahas na bumukas ang pinto ng silid niya at iniluwa noon si Santi, agad na napatingin duon si Ramona na patuloy parin na lumuluha habang medyo nakaawang ang labi dahil sa itsura ni Santi, para itong tumakbo nang malayo dahil sa pawis sa katawan at mukha nito.

"M-mahal?" Nag-aalang sambit ni Santi habang lumalapit kay Ramona, agad na niyakap ng binata si Ramona at inalo ito upang patigilin sa pag-iyak, "bakit ka umiiyak mahal?" Malambing na tanong nito sa natulalang dalaga, marahan nitong hinawakan ang pisngi niya gamit ang malaki nitong palad.

"M-mahal?" Naiiyak na tanong niya, naalala niya na ilang ulit nitong binangit ang salitang mahal na akala niya ay niloloko lang siya nang kayang pandinig.

Pumungay ang mata ni Santi habang malambing na hinahaplos ang labi niya gamit ang hinalalaki.

"Mahal ko," malambing na sagot nito kay Ramona, malakas na suminghap si Ramona at pakiramdam niya ay nag-init ang buong mukha niya. Bigla siyang nag-iwas nang tingin dahil s kahihiyan, kinipkip niya ang kumot nang mahigpit sa may dib-dib niya.

"Mahal, tingnan mo ako.. ahmmm." Mas naging malabing ang boses ng binata habang marahan na pinapaharap ang dalaga. Pilit naman umiiwas ang dalaga sa nakakapasong tingin ng binata.

"Y-yong nangyari kagabi... ano? Ahmm bakit..." hindi maintidihan ni Ramona kung ano ba talaga ang gusto niyang itanong sa binata. Hindi parin siya makatingin dito, nababalot parin nang hiya ang buong pagkatao niya.

"Yong nangyari satin kagabi ang pangalawang pinakamagandang nangyari sa buhay ko," malambing na sagot ng binata, at masayong pinaharap ang mukha ni Ramona sa kanya. Napakagat labi namin si Ramona at may kaonting sakit na nararamdaman.

  Pangalawa? Ibig sabihin ay may nauna, yan ang tumatakbo sa isip niya ngayon.

Tumawa si Santi at malambing na hinalikan ang buong mukha ni Ramona.

"Ikaw ang pinakamagandang nangyri sa buhay ko," madamdaming sabi nito. Agad bumilis ang pintig ng puso ni Ramona, at nanlaki ang mata na tumingin kay Santi. Nagulat si Ramona nang pagtingin niya sa mata nito ay kulay ginto iyon, agad na napakurap siya at kinusot ang mata bago tumingin ulit sa mata nito at nakitang natural na ulit na kulay ang mata nito.

Siguro ay namalik mata lang ako ani ni Ramona sa isip.

Bumalik sa alaala niya ang sinabi nito, sobrang bilis parin nang tibok ng puso niya, parang sasabog. Wala sa sariling hinaplos niya ang mukha nito habang nakatingin sa mapupungay nitong mata, hinuli nito ang kamay niya at magaang hinalikan habang mapupungay ang mata na nakatingin sa kanya.

Unti-unti niyang inilapit ang labi sa labi nito, pumikit siya nang maglapat ang labi nila. Hindi niya maintindihan kung bakit niya nagawa yun, pero pakiramdam niya ay sanay na sanay siya sa bawat paglapat ng labi nito sa kanya. Matamis ang naging halikan nilang dalawa, ilang minuto rin na magkalapat ang labi nila. Nakapikit at habol ang hininga niya nang mag-hiwalay ang labi nila, nahigit niya ang hininga nang makarinig ng isang angil ng mabangis na hayop at tila malapit lang ito sa kanya.

Agad na idinilat niya ang mata at ganun nalang ang gimbal niya na ang bumungad sa kanya ang malaking itim na lobo, malakas siyang sumigaw at takot na takot na umuurong sa kama. Iniikot niya ang panangin at parang nawarak ang puso niya nang makita sa isang gilid ang naliligo sa sariling dugo na si Santi at wala ng buhay. Umiiyak na nagsisigaw siya, labis ang sakit na nararamdaman habang nakatingin sa walang buhay na binata.

"Ahhhhhhhhhhh." Isang malakas na sigaw ang kumawala sa bibig niya nang tuluyan na siyang dambahin ng malaking itim na lobo. Isa lang ang nasa-isip niya ng oras na ito, ito na ang kanyang katapusan.



TBC

Goodnight :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE HANDSOME BEASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon