1: BAYAN NG RICAFORT

2.9K 94 0
                                    

Kabanata 1

Kumaway si Ramona sa mga magulang, ngayong araw ang alis nila ng tiyahin patungo sa bahay ng amo nito. Bakas sa mukha ng magulang ang matinding lungkot habang nakatanaw sa kanya. Nginitian ito ni Ramona para ipakita sa mga magulang na wag dapat ang mga itong malungkot.

Unti-unti nang nawala sa paningin ni Ramona ang magulang dahil lumalayo na ang tricycle na sinasakyan niya. Hindi rin maiawasan na malungkot si Ramona dahil ito ang unang beses na malalayo siya sa magulang. Naramdaman niya ang pagpatong ng palad ng tiyahin sa kamay niya kaya napatingin siya dito.

"Magiging maayos din ang lahat," nakangiting sambit ng tiyahin, tumango lang si Ramona at ngumiti ng tipid sa tiyahin.

Napalingon si Ramona sa likod niya nang pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya, nagkibit balikat siya nang wala naman nakita kundi mga tindiro lang na nag-aalok ng paninda sa bus station. Nakapila siya kasunod ang tiyahin niya sa bus na maghahatid sa kanila sa bayan ng Ricafort.  Kaya tinawag na bayan ng Ricafort ay dahil halos lahat ng mga gusali ay pagmamay-ari ng mga Ricafort, sobrang yaman ng mga ito.

Mahaba ang naging byahe nilang mag-tiyahin, nang makababa sila ng bus ay may isang unipormadong driver ang sumundo sa kanila. Nagtaka si Ramona kung bakit hindi makatingin nang deretso sa kanya ang driver tanging pag-yuko lang ang ginawa nito. Maging ang tiyahin nito ay nag-iba ang kilos.

"Ramona, sa likod kana sumakay," sabi ni Merly sa pamangkin nang maipasok lahat ng gamit nila. Tumango si Ramona at akmang bubuksan niya ang pinto nang bubuksan din pala ito ng driver kaya napahawak siya sa kamay ng driver. Narinig niya ang pag-singhap ng tiyahin, maging ang driver ay natatarantang napayuko. Kumunot ang noo ni Ramona dahil sa pagkataranta ng driver pansin niya na parang takot ang driver na mahawakan siya.

"Mag-ingat ka Basyo kung ayaw mong magalit siya," sita ni Merly sa driver at siya na mismo ang nagbukas ng pinto para kay Ramona. Lalong nangunot ang noo ni Ramona dahil nakita niya ang pamumutla ng driver.

"Okey lang po ba siya Tiya?" Nag-aalalang tanong ni Ramona sa tiyahin habang nag-aalalang nakatingin sa maputlang driver.

"Ayos lang siya hija, pumasok kana malapit ng dumilim delikado pa naman dito pag-gabi," nakangiting sambit ni Merly kay Ramona.

Hindi nalang nangulit pa si Ramona, natatakot din si Ramona na abutan ng dilim dahil may sabi-sabi at balitang balita noo sa lugar nila na delikado daw talaga sa bayan ng Ricafort tuwing sasapit ang dilim.

May mabangis daw na hayop na gumagala duon tuwing gabi, nakatuwa pa dahil sinasabi ng ilan na aswang daw talaga ang gumagala doon na mabangis na hayop.

Pero hindi naniniwala si Ramona dahil para sa kanya ang bayan ng Ricafort ay isang paraiso, kahit hindi pa siya nakakapunta duon ay pakiramdam niya ay iyon ang kanyang paraiso. Tuwing umuuwi sa bahay nila ang tiyahin ay lagi siyang nagpapa-kweto dito tungkol sa bayan ng Ricafort at labis-labis ang tuwa niya tuwing magku-kwento ito. Kahit kwento lang ng tiyahin ay pakiramdam niya ay nadun din siya.

Napangiti si Ramona habang nakatingin sa bintana ng sinasakyan nilang van, kitang-kita niya ang medyo dumidilim ng paligid. Pero kahit medyo madilim na ay nakikita parin niya ang magandang paligid ng bayan ng Ricafort.

Agad na kinilabutan si Ramona nang may hangin na humapas sa mukha niya kahit nasa loob siya ng van, tiningana niya ang tiyahin na nasa unahan nakaupo sa tingin niya ay hindi nito ramdam ang hangin. Nakasarado din ang mga bintana kaya iniisip ni Ramona kung pano may nakapasok na hangin, nakapag-dagdag pa nang kilabot na nararamdaman niya nang may biglang bumulong sa kanya na ikinalaki ng mata niya.

"Maligayang pagdating mahal ko."

Agad na napalingon siya pero wala naman taong iba sa loob ng van.

"Hija, ayos kalang ba diyan?" Tanong ni Merly nang mapansin ang pagkabalisa ng pamangkin sa likuran.

"O-o-po tiya," nauutal na sagot ni Ramona. Bumuntong hininga si Ramona at inisip nalang na guni-guni lang niya ang narinig niya kahit pa ang puso niya ay parang aalis sa katawan niya sa sobrang bilis ng pintig.

"Mabuti naman hija, malapit na tayong makarating." Pakiramdam ni Ramona ay mas naging double ang tibok at bilis ng puso niya nang sabihin iyon ng tiyahin.

Sobrang sabik na siyang makita ang bahay ng mga Ricafort at hindi niya talaga alam kung bakit ganun ang epekto sa kanya.

TBC

THE HANDSOME BEASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon