QUIESHIA POV
Ikalawang araw ngayon ng school days.
Maaga akong pumasok para sa pang umaga kong subject. Ang Understanding, Culture, Society, and Politics.
Bago pa man ako tuluyang pumasok sa paaralang ito, ay tinignan ko na muna ang oras ko.
6:06 'maaga ata ako masyado'
'Tss.'Iiling iling akong naglakad papasok sa campus. Pero bago pa man ako tuluyang makalampas sa parking lot, sa may entrada neto, ay nakita ko ang ilang mga babaeng pinagtatawanan ang isang estudyante.
Dahan dahan akong lumapit sa kanila hanggang sa mamataan ko ang isang estudyanteng iyon.
'Teka, hindi bat, yan yung babaeng pinagtanungan namin kahapon?!
Kunot noo akong naglakad upang mas lalo pang makalapit sa lugar na iyo. At ng tuluyung makalapit, doon ko nakumpirmang, sya nga..
"Ano bang gusto nyong gawin ko para tigilan nyo na ako!!"nanginginig, maluluha ng tanong ng babaeng iyon sa mga ito.
Babalewalain ko lang sana ang mga pangyayaring ito dahil sa baka ma late pa ako. Ngunit, natigil akot nagugulat sa mga sumunod kong narinig.
"Kung magagawa mong halikan ang mga paa ko, matatapos na ang atraso mo sa amin!"taas kilay na tugon ng babaeng iyon tsaka tiningnan ng bahagya ang kanyang paa at iminuwestra ito sa babaeng nanginginig na sa takot.
Nangunot naman ang noo ko sa narinig ko.
'Sino ba ang mga babaeng ito! Ano bang atraso ng babaeng ito sa kanila?! Tsaka.....ano bang pakialam mo sa kanila Quiesh!!!'
"Tss."
Akma ng gagawin ng babaeng yun ang pinapagawa sa kaniya nang tatlong babaeng yun ng maagaw ko ang atensyon nila at dahan dahang tumingin sa gawi ko.
Naka cross arms na ako ng makatingin na sila sa akin at saka ako tinaasan ng kilay ng mga ito saka ako hinarap at pinagkrus din ang mga kamay.
At doon ko lang napagtanto na ang mga babaeng kaharap ko ngayon, ay ang mga klasmeyt kong nakaharap ko na din kahapon.
"Tss."bahagya akong napaiwas ng tingin.
"Oh! You again!?"taas kilay nyang tanong sa akin nung isang babae saka ako tinuro.
"Oo!"taas kilay ko ding tugon,"..at ano namang eksena ito?"bahagya paring nakataas ang kilay habang tinatanong ang mga ito.
"And so? Anong pakialam mo?!"sagot ng babaeng nasa gitna at saka naglakad papalapit sa gawi ko.
"Ano nga bang pakialam ko?"pagbabalik tanong ko sa kanila na animong nag iisip din kung ano nga ba ang pakialam ko,"..kayo, ano sa tingin nyu ang ginagawa nyo?! Sa tingin nyu tama ba ang mga iniaasta nyu sa ngayon?!"nanlalaki ang mga matang tugon ko,"...hindi! Ano sa tingin nyu ang babaeng yan?"pagpapatuloy ko, nanlalaki naman ang mga mata ng mga itong walang ibang ginawa kundi ang tingnan ako habang nagsasalita, "hindi nyo siya alipin at higit sa lahat, hnd nyo sya alagad para pasunurin sa lahat ng gusto nyo, tss! Kulang na nga lang na isipin kong ganyan kayo pinalaki ng mga magulang nyo e!"pagtatapos ko sa sinabi ko saka ko sila tinalikuran at hinila ang babaeng iyon papuntang loob.
BINABASA MO ANG
The Sisters' Rivalry (On Going)
RandomFamily is the foundation of love, strength, supports, and other important matters do a son or daughter looking for. Ito ang mga bagay na hinahanap ni Quieschia sa kanyang ina. Sapagkat, simula nang mawala ang kanilang pinakamamahal na ama na si Carl...