Anthony's POV:
Lumipas pa ang ilang oras at natapos nadin ang mga kinaiinasan kong subject. Ang Earth and Life Science at General Mathematics. Ang masahol pa diyan, ay magkasunod ang subject na yan at pang umaga pa, buset!
Yes, we all know that Earth and Life Science talks about sciences HAHA and General Mathematics talks about numbers, right? Oo. Kaya ko yan kinaayawan kasi Science yan and Math. I dont know why but I admit that I am so dumb in terms of those subjects. Minsan ko na ngang nasabi at natanong if what do studying connects in our dreams we want too. Hindi ba pwedeng, maging isang Chef na lang ng walang aral aral?!.Tanga ko no?
Kaya naman napangiti ako pagkatapos nung klase. Parang wala ngang pumasok sa kokote ko pagkatapos nung klase. Pero teka? Hindi parang. Talagang walang pumasok ni kahit pirasong formula wala.
After ng klase ay lunch break kaya naman masaya ako at narating ko na ang isa sa mga pinakamasayang subject, Lunch. HAHAHA
Mabilis na nagsilabasan ang ilan sa mga kaklase namin ni Art matapos mag bell. Pero karamihan sa mga bading at babae ay nag ingay sa loob ng classroom, habang tumatakbo ay tumitili ang mga ito papalapit sa gawi namin. Nangunot si Quiesch dahil sa kaingayan.
"Oh my goooood!"tili ng isang gay habang papalapit sa gawi naming tumatakbo, "Hi Art, hi Anthony...Benjie Magnifico"bigay na bigay ang ngiting pagpapakilala nito sa amin habang abot abot ang kamay. Ni hindi malaman kung kanino unang makikipagkamay. Kung kay Art? O ako? HAHA Baklang toooooo.
"Hoy bakla!"kalabit nung isa pang gay kay Benjie, "...bunganga mo..tabi nga jan at kami naman"tinulak niya si Benjie na nooy panay ang hawak sa kamay namin ni Art. Pilit naman ang mga ngiting pinakawalan ni Art sa kanila. Gayundin ako. Naiirita ako e.
"Makatulak naman teh?!reklamo ni Benjie,"..eto na kayo naaa! Ineenjoy pa nga lang hawakan ang mga kamay nila e!"natawa kami ni Art. Samantalang si Quiesch, kulubot na ang mukha sa pangit ng tingin.
"Hoy palaka ka! Ang daming pila oh!"nguso ng baklang to sa likod. Natawa ako sa dami nila kaya naman napakaingay, "Angelo nga pala.."pakilala niya sa amin,"...pero please lang..kung maari sana e, Angela nalang ang tawag niyo sa akin.."nahihiya pang aniya,"..masyado kasing wirdo yung Angelo. Alam mo yun? Ganito ako tapos lalakeng lalake yung name?"nagtawanan ang buong klase sa pagpapakilala ni Angelo/Angela maliban kina Art at Quiesch. Bigla kasing nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Art matapos magpakilala si Angelo. Animoy, nasasaktan. Samantalang si Quuesch naman ay inis na inis na HAHAHA. Hindi ko nalang sila pinansin pa.
"O my goooood! Sh*t ayan na ghourl!"maarteng tili ng tatlong babaeng kasunod ni Angelo.
"Gooooo! Ano ba tabi na Angelo!"sigaw nung babae.
BINABASA MO ANG
The Sisters' Rivalry (On Going)
LosoweFamily is the foundation of love, strength, supports, and other important matters do a son or daughter looking for. Ito ang mga bagay na hinahanap ni Quieschia sa kanyang ina. Sapagkat, simula nang mawala ang kanilang pinakamamahal na ama na si Carl...