Chapter 9 #TSRPagbabalikTanaw

14 0 0
                                    

'Ang mga pangalan, lugar, at pangyayari sa kwentong ito ay sadyang kathang isip lamang o haka haka lamang po at hindi po kumakatawan sa tunay na pangyayari at tunay na buhay ng tao. Alin mang pagkakahalintulad sa tao, lugar, at pangyayari ay hindi sinasadya'

Quieschia's POV:

Pagkaalis nina mommy at Claire, ay mabilis akong nagtungo sa banyo at naligo. Nagbihis, at lumabas mag isa.

May sarili akong sasakyan, oo. Pero sa ngayon ay mas pinili kong magcommute papunta sa dko alam.

Sumakay na lang ako basta sa isang bus, na di mawari sa isipan ko, kung saan ba ako pupunta.

Pero hindi nagtagal, habang papalayo ng papalayo ang sasakyan, napagtanto ko na isa lang ang gusto ng pakiramdam kong puntahan. Yun ay ang lugar na kung saan, ay masaya kaming magkakasama nina daddy, mommy, at ni ate.

Nahinto ang sasakyan di kalayuan sa straberry farm dito sa Bagiuo.

Bumaba ako sa bus at sinalubong ang preskong hangin na nagmumula sa kalikasan.

Nakangiti kong tinahak ang daan patungong strawberry farm.

Hindi ko maiwasan ang mangiti sa tuwing maiisip ko ang mga masasayang pangyayari kasama ang aking pamilya.

Sa kaligatnaan ng aking paglalakad, ay napahinto ako ng bigla ay nakita ko sa harapan ko ang alaala ng aking ama, habang tinuturuan kami ni ate na magtanim ng strawberry. Lumaylay bigla ang aking mukha, sapagkat, may kung anong kirot akong naramdaman sa katotohanang, d na iyon mauulit pa.

Bago pa man tuluyang tumulo ang mga luhang nagbabadyang pumatak sa di inaasahang oras, ay nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Isinalampak ko ang aking head phone habang akoy naglalakad na nag ala turista kumbaga.

Nahinto ulit ako ng makasalubong ko ang isang masayang pamilya di kalayuan sa akin. Bigla ay naluha ako, sapagkat, sa kanila ko nakita ang nakaraan ko. Nung mga sandaling masaya pa ako.

Dko din inaasahang, sa gitna ng tahimik kong pag iyak, ay sumabay ang walang kwentang kantang nagpapaiyak sa akin ng sobra. Ang instrumental na 'kiss the rain'.

Napapikit ako sa inis, at pagmulat ko ng mga mata ko, ayun, at tuloy tuloy na luha ang umagos mula sa aking mga mata at dko na napigilan pa.

Huli na ang lahat ng tuluyang makalapit ang pamilyang ito sa akin, at malungkot ang mga matang lumapit ang misis sa akin. Tinanggal ko na lang ang head phone ko.

"Ok ka lang ba iha?!"nag aalalang tanong ng misis.

Hindi ko alam kung bakit pero, bigla ay nayakap ko ang misis na ito at doon umiyak ng umiyak.

"Shhhh. Shhhh. Tahan na!"pag aalo sa akin nito. Hinaplos haplos pa ang likod ko para lang mapatahan.

At dahil sa kahihiyan, mabilis akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

"So-sorry p-po ah-hahaha!"gumagaralgal ang boses na ani ko sa misis sabay punas sa aking mga pisngi.

The Sisters' Rivalry (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon