Chapter 17

6 0 0
                                    

'Ang mga pangalan, lugar, at pangyayari sa kwentong ito ay sadyang kathang isip lamang o haka haka lamang at hindi kumakatawan sa tunay na pangyayari at tunay na buhay ng tao. Alin mang pagkakahalintulad sa tao, lugar, at pangyayari ay hindi sinasadya'

Quieschia's POV:

Tahimik akong naglalakad patungong classroom matapos kong maipark ang kotse ko. Tutok na tutok ako sa daan ko kaya naman hindi ko namalayan ang pagsulpot ni Anthony.

"Hey!"patakbong ika nito habang papalapit sa akin. Nilingon ko lang siya at tiyaka muling binaling ang paningin sa daan papasok ng campus.

"Good morning!"pagbati nito ng may ngiti sa mga labi.

Ngumiti na muna ako sa kanya bago tuluyang tumugon. "Good morning!"

"Uhmm...how are you today?"bigla ay tanong niya. Eksakto namang marating namin ang gate ng school na kung saan nakabantay si manung guard. Imbes na sumagot, ay pinukol ko ang atensyon ko sa Guard.

"Good morning, manong!"nakangiting bati ko sa school guard. Ngumiti ito muli.

Nang makalagpas sa gate, ay isang nakakabinging katahimikan ang namutawi sa pagitan namin ni Anthomy at parehong nagpapakiramdaman sa isa't isa. Pero kahit ganun ay wala akong planong makipag-usap sa kanya. Kahit ang tanungin siya kung bakit siya lumiban sa pang huling klase kahapon ay wala akong plano sapagkat okupado ng isip ko ang kompanya.

"Can I invite you to eat outside after class?!"maya-maya'y binasag niya ang katahimikang namutawi sa amin bago tuluyang marating ang classroom.

Huminto ako saglit at hinarap siya. "For what?!"taas-kilay kong tanong.

"Uhmm!"napapaisip siya. "N-nothing?!"

"Wala lang naman pala..anong silbi pa ng pagyayaya mo?!"

"No..let just have something fun!..lets have lunch together.."paglilinaw niya. Napangisi ako.

"Is it a date?!"nagulat siya sa tanong ko kaya naman hindi ito agad nakasagot. At nang makarecover ay tiyaka natatawang nag-iwas ng tingin.

"Is that what you meant?!"tanong niya.

"Yes!"deretsahang tugon ko. Napatitig siya sa akin at unti-unting nagbago ang kanyang ekspresyon at napalitan iyon ng kalungkutan. Kalungkutan na hindi ko man mawari kung saan nagmumula.

The Sisters' Rivalry (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon