Chapter 7

13 0 0
                                    

QUIESCHIA POV:

Lumipas pa ang ilang araw, at sumapit ang araw ng sabado.

Hindi ko pa rin kinikibo si ate dahil sa inis n nararamdaman.

Patungong dining area na ako ng matagpuan ko si mommy sa may salas, may kinakausap.

Lumapit ako sa gawi nito para malaman kung ano ang nangyayari.

"Gawan mo ng paraan! Hindi pwedeng masira ang kompanya ko David! Pinaghirapan ng asawa ko ang lahat ng ito. Panong nangyaring bumaba ang sales natin?!"galit talagang ani nito sa kausap nya.,"ano?! Hindi pwede...,"sigaw nito, "kung kinakailangang magbaba kayo ng mga presyo, gawin nyo. Kung kinakailangang magbigay ng promo para lang hindi bumagsak ang kita, gawin nyo!"patuloy ni mommy,

Hindi ko nmn maintindihan ang mga sinasabi nya sapagkat dko nman rinig ang kabilang linya. Ngunit, alam ko na na may problema sa kompanya.

Oo, ang kompanya na tinutukoy ay ang kompanyang iniwan ni daddy sa amin.
'Montenegro Clothing & Fashion', isa sa mga sikat na fashion designers ang company namin. At masasabi ko iyan dahil saksi ako sa laki ng investments ng tatay ko nung araw marami din itong staffs at nangunguna sa sales rate. Peo ngayon, d ko lng alam kung ano na ang nagyayari sapagkat, d tulad ng dati na, isinasama ako ng daddy sa company.

Magmula ng mawala ai daddy ay si Claire lng ang palaging nakakapunta sa company at d ako pinapayagan ni mommy na pumunta dto.

"At ano naman ang ginagawa mo diyan?!"nagulantang ako sa lakas na sigaw ni mommy sa akin. Nanlilisik ang mga mata.

"A-ah wa-wala p-po"utal utal kong tugon, saka ako nagbaba ng tingin.

"Ang sabihin mo, nakikiusyoso ka!" Sigaw ulit nito sa akin.

"Mommy!"pagtawag ko sa kanya ng malagpasan ako.

"Ano!"sigaw nya. Galit talga at nanlilisik ng mga paningin.

"G-gusto ko po s-sanang, su-sumama sa pag-pagbisita sa c-co-company, ba-baka sakaling may maitulong ako"utal utal kong tugon, nagbabakasakaling payagan.

Pero imbes na matuwa, ay tumawa ito ng nakakaloka. Nagbaba nalang ako ng tingin

"Ikaw?! Ikaw may maitutulong?"nanlalaki ang mga matang tanong sa akon, "at ano naman ang maitutulong mo, aber?!"taas kilay nitong asik.

"Kaya nga po gusto kong sumama para malaman kung ano ang problema"

The Sisters' Rivalry (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon