Chapter 15

4 0 0
                                    

Art Vincent's POV:

Habang on going ang klase, hindi ko na maiwasang isipin si Quiesch. Hindi ako mapakali gayong hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya ngayon.

'Ano na nga kayang nangyayari? Ano kayang dahilan ng pagpunta niya roon?'

Kung may bagay man na alam kong rason kung bakit siya pinatawag sa office ay dahil sa gulo kanina.

Pero kaya ba siyang isuplok ng kapatid niya? Walang puso...kung yung kina Nathalia naman, eh bakit nandirito sila sa room?! Dapat kapag pinag-uusapan ang nagawang kasalanan ng isang tao, nasasakdal man o hindi, pinapatawag! E bakit nandito ito?'napuno ang utak ko ng katanungan...katanungang si Quieschia lang ang makakasagot pagbalik niya.

Isang napakalakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang tumutok sa klase. Ito yung subject na ayaw ko. Pero dahil sa talino at galing ng guro, napapamangha ako.

Actually, pang-umaga naman sana talaga ang subject na ito base sa schedule na nakita kaso napunta lang ito sa hapon matapos daw mabago ang schedule ayun sa mga kaibigan ko.

"Human Cultural Variation is differ from Social Differences. When we talk about Human Cultural Variations, it talks about the differences in social behaviors that different cultures exhibit around the world. Ibig sabihin, ito yung mga kaugaliang nakasanayan ng isang tao, base sa lugar na pinagmulan nito o base sa kinalakihan nito..."kunot noo akong tumitig sa guro na ito habang patuloy sa pagpapaliwanag sa mga topics niya.

"Halimbawa na lamang sa inyo. You are raised here in the Philippines...kung ano yung mga kaugaliang kinamulatan niyo sa bansang ito, ay yun ang inyong pinanghahawakan ngayon...at kung pumunta kayo sa ibang bansa, diba kailangan niyo pang mag-adust para makasabay sa ibang tao sa ibang bansa...halimbawa na lang is yung language..."at talaga namang ipapaliwanag niya ng mabuti ang kanyaang lesson para lang makuha mo ang kanyang sinasabi. At yun ang nagustuhan ko dito. Although, ayaw ko ang subject na ito. Pero dahil sa magaling siyang magturo, unti-unti ko na itong naisasapuso't hindi na naisasa-isip pa HAHA..

The Sisters' Rivalry (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon