Quieschia's POV:
Nauna na kaming lumabas ng mga kaibigan ko matapos kaming paunahin ni Art dahil sa aayusin pa daw nito ang gamit niya.
Sandali pa kaming nagpaalaman ng mga kaibigan ko ng makarating sa labas ng campus bago ako pumanhik sa may parking lot kung saan ko pi nark ang kotse ko. Plano ko sanang ihatid ang dalawa pero sa nahihiya daw sila kaya't mag commute na lang mga ito.
Sa daan habang nagmamaneho ay rumehistro sa isip ko si Anthony matapos kong hindi makita kanina sa panghuling klase namin.
'Saan naman kaya nagpunta iyon kanina ba't biglang nawala? Hindi kaya?...'ayaw kong mag-isip ng kuna ano-ano dahil sa baka nagkakamali lang ako ng iniisip. Kaya imbes na mag-isip ay nagpatuloy nalang ako sa pagmamaneho hanggang sa makauwi.
Mabilis kong iginarahe ang sasakyan ko. Papasok na ako sa bahay ng makita si Manang Celia na noo'y abala sa pag-ti-trim ng halaman sa harapan.
Nakangiti akong lumapit sa gawi niya at binati. "Hi Manang!..."at saka ako yumakap sa kanya.
"Oh! Andito ka na pala"hindi makapaniwalang tugon nito,"kumusta naman ang school?!"nakangiting baling nito sa akin. Sandaling itinabi ang grass cutter na ginagamit niya sa pag-titrim at sinabayan akong pumasok sa loob.
"Ok lang naman po...torture"pagtungkol ko sa mga nangyari sa buong araw kasali na roon ang mga gulo.
"Ganon ba?!..."
"Opo!"saka ko siya nilingon at nginitian. Ngumiti lang din siya.
Eksaktong pagpasok namin ni Manang sa loob ay nakasalubong namin si Ate na kasalukuyang umiinom ng juice. Nagulat pa siyang makita ako pagkatapos.
"Oh?..You're here already?!"wika nito habang nakataas ang kilay. Huminto ako sa paglalakad.
"O siya't ipaghahanda lang kita ng makakain ah!"ngiti lang ang naisagot ko kay manang.
Nang makaalis na ito sa harapan namin ni ate ay tiyaka ko siya nilagpasan nalang basta at pabagsak na umupo sa malaking couch sa sala.
"Kumusta?!"hindi ko alam kung nangangamusta ngang talaga ito o talagang nang-aasar lang.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at tinapunan lang ng tingin.
Wala akong plano na pansinin si Ate dahil sa galit ko sa kanya lalo na kapag rumerehistro sa isipan ko ang mga ginawa niyang hindi kaaya-aya.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at eksaktong tumama iyon kay Mommy na kakagalimg sa Backyard. Ngumiti ako sa kanya pero parang wala siyang nakita't binalewala lang iyon.
'Kung sabagay...may atraso pa ako sa kanya'yun na at naalala ko yung nangyari kanina sa office. Napatungo ako.
Wala pa man ay hinihiling ko na na sana ay hindi na ito maalala pa ang nangyari. Na sana ay kainin na lang ako ng kinauupuan ko ngayon dahil sa kaba na pagalitan naman muli't gayong hindi ko nakokontrol ang sariling sumagot. Pero nabigo ako matapos makitang dumilim ang paningin nito sa akin.
BINABASA MO ANG
The Sisters' Rivalry (On Going)
RandomFamily is the foundation of love, strength, supports, and other important matters do a son or daughter looking for. Ito ang mga bagay na hinahanap ni Quieschia sa kanyang ina. Sapagkat, simula nang mawala ang kanilang pinakamamahal na ama na si Carl...