Chapter 10 #TSRPagtatagpo

9 0 0
                                    

Anthony's POV:

Hi, its Anthony Solidares.

Kakarating ko lang kahapon galing America. Pagdating ko sa Summer Capital of the Philippines, ang Bagiuo, ay agad akong nagtungo sa Mother of all Parks, ang Burnham Park, upang maglibang.

Nakangiti kong sinalubong ang hangin na nagmumula sa kalikasan, at naglibot libot sa ilang bahagi ng burnham park.

Bumalik lang naman ako sa Pilipinas ng agad agaran, pagkatapos kong bumagsak sa entrance exam sa isa sa mga sikat na paaralan sa America.

Mabigat man ang loob kong nagbalik dito dahil sa pagkabagsak ko, pero, pagkatapak na pagkatapak ko palang dito sa bungad ng Bagiuo, ay nababago na ang aking damdamin.

Maghapon akong nanatili sa labas, at bumibili na lamang ng pagkain sa anumang makakasalubong kong magbebenta kung kumakalam ang tiyan ko.

Matapos magsawa sa Burnham Park, ay dumako naman ako sa Mines View Park. Ito ay nasa mataas na bahagi na kung saan makikita mo lahat.

Maganda ng tanawin nito, kasama ang malamig na hangin.

Kinabukasan naman, ay nagtungo ako sa ilan sa mga sikat na pasyalan sa Bagiuo. Pumunta muna akong, Strawberry Farm at doon nagluwaliw.

Masaya kong pinanood ang mga taong naroroon. Masayang nag aani ng mga strawberries.

Malungkot man ang sinapit ko, pero, sa ngayon ay diko magawa ang malungkot dahil sa mga nakikita ko.

Tumingala ako sa langit at pinagmasdan ang maaliwalas na panahon.

Salamat po panginoon sa paggabay sa amin, at dahil di mo ako hinahayaang malungkot.

Nakangiti kong sambit mula sa isipan ko.

Sumapit ang hapon, ay nagtungo naman ako ng The Mansion. Ang isa sa mga pinakasikat na pasyalan dito sa lalawigan.

Naka cross arms akong naglalakad patungo sa The Mansion.

Nakasuot ako ng itim na shades,oo. Pero, hindi ko maikakailang hindi ko kilala ang makakasalubong kong babae.

Nangunot bigla ang noo ko matapos kong pagmasdan ang kabuuan nya.

Papalapit sya ng papalapit sa gawi ko, pero parang hindi nya ako napapansin. Marahil, hindi nya ako nakikilala.

Ngunit, biglang hinaplos ang puso ko ng makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

Dahan dahan kong tinanggal ang aking shade, ngunit, hindi man lang siya nag atubiling tingnan ako kundi derederetso itong naglakad hanggang sa malagpasan ako.

Nangunot ang noo ko. Pagkalagpas niya sa akin, ay agad ko syang sinundan ng tingin.

Anong nangyari dun?

Iiling iling akong ibinalik ang aking paningin sa aking daan. Pero dahil sa curious ako kung bakit yun malungkot, ay tiningnan ko muli ang gawi niya, pero wala na sya.

Ang bilis naman niya maglakad.

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad patungong Mansion ngunit may kung anong magnet na humihla sa akin para sundan ang babaeng ito. Kaya naman, natagpuan ko na lang ang sarili kong, hinahanap kung saan ba siya nagpunta.

Lakad takbo ang ginawa ko para mahanap sya pero hindi ko man lang nakita.

"Ayan na a parte ti lubungen ya"wala sa sarili kong sambit.
:saang parte na ba siya mundo

The Sisters' Rivalry (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon