Quieschia's POV:
'Hindi kita minahal ng dahil sa mukha or sa kung anong meron ka, Anthony. Minahal kita dahil alam kong ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya...pero bakit kailangan kong masaktan ng ganito katindi?!..although alam kong wala na tayo!..pero ba't ikaw pa rin ang mahal ko!'balot na balot ako ng kalungkutan at puno ng paghihinagpis hindi dahil sa mahal ko pa si Anthony.
Oo. Mahal ko pa ngang talaga si Anthony pero ang malaman ang lahat ng kung anong meron sa kanila ni Ate, ay ang siyang nagpadurog sa akin. Ang dahilan kung bakit ako nasasaktan. At hindi ako nasasaktan ng dahil sa may mahal ng iba si Anthony kundi ay nasasaktan ako dahil sa dinami-dami ng pwede niyang ipalit sa akin, bakit kapatid ko pa? At bakit hindi ko man lang iyon napansin nung una palang?
Si Anthony ang kauna-unahang lalaking minahal ko ng sobra-sobra hindi dahil sa mayaman siya, gwapo, o matcho kundi dahil sa mabait siya, mapagmahal, sweet siya kahit maraming nakakakita sa inyo.
Hindi siya yung tipong ikakahiya ka kundi ay proud pa siya sa taong minamahal niya. Hindi ka iiwan sa lahat ng problemang hinaharap mo't handa kang damayan sa lahat ng bagay. Hindi ka rin tatantanan hangga't hindi naaayos ang problema niyo sa relasyon niyo kung meron man. Kung nag-away man kayo ngayon, dapat maya't maya'y naayos niyo na ang problemang pinag-awayan niyo. Hindi rin siya yung tipo ng taong, binibigo ang kung ano mang ipinangako sayo. Kung sinabi niyang papakasalan ka ngayon, gagawin at gagawin niya. Ang kaso ay naghiwalay kami.
Hindi ko rin namang ginusto ang hiwalayang nangyari sa pagitan namin ni Anthony. Ginawa ko ang pinakamasakit na bagay sa buong buhay ko dahil sa pamilya ko. Kahit gaano ko kamahal si Anthony, ay nakipag-break ako sa kanya dahil mahal ko ang pamilya ko. Kahit gaano ko siya kamahal, hindi nun matutumbasan ang pagmamahal na binibigay ko sa pamilya ko. Pero yun na yata ang pinakamasakit na nagawa ko at desisyong pinagsisisihan ko dahil ni kahit konting katiting na pagmamahal mula sa mommy ko'y hindi ko naramdaman.
Maayos naman ang relasyon namin ni ate before pero kahit ganun ay masasabi kong kaplastikan lang ang lahat ng iyon dahil kahit mabuti ang pinapakita nito'y ramdam ko na wala din itong pakialam sa akin.
At yun yung pinagsisisihan ko sa buong buhay ko sapagkat nagawa kong i-sakripisyo ang pagmamahalan namin ni Anthony para lang sa pamilya ko.
Napakaselfish ko sa sandaling iyon sa parte ni Anthony sapagkat kayang-kaya niya akong ipaglaban sa pamilya niya dahil lang sa pagmamahalan namin. Pero ako, wala. Isang babaeng napakaduwag at hindi ko man lang siya kayang ipaglaban sa pamilya ko.
Napakasakit isipin pero yun nga talaga ang kapalaran ko. Pinagkaitan ko ng pagmamahal ang taong handang i-sakripisyo ang lahat para sa akin. Kahit buhay pa niya ang kapalit, handa niyang ibigay iyon para lang sa akin.
*FLASHBACK*
Umiiyak akong humarap kay Anthony matapos siyang makarating sa lugar kung saan kami magkikita.
BINABASA MO ANG
The Sisters' Rivalry (On Going)
RandomFamily is the foundation of love, strength, supports, and other important matters do a son or daughter looking for. Ito ang mga bagay na hinahanap ni Quieschia sa kanyang ina. Sapagkat, simula nang mawala ang kanilang pinakamamahal na ama na si Carl...