QUIESCHIA's POV
Kriiiiing! Kriiiiing! Kriiiiing
Nagising ako sa lakas ng alarm clock ko.
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko na nooy pupungay pungay pa.
Inabot ko ang phone ko at tiyaka ko pinatay ang alar clock.
Naupo ako sa bed ko, at kinusot ang mata.
Bumuntong hininga ako pagkatapos at tiyaka ako tumingala sa kisame, napapaisip.
Kailan kaya magiging maayos ang lahat? Or, maaayos pa ba kaya?
Bumuntong hininga ako at bumalik sa ulirat. Pipihit na sana akong papuntang banyo upang maligo ng bigla ay mahagip ng mata ko ang picture frame sa may study table sa tabi ng bed ko.
Picture namin ng pamilya ko.
Kinuha ko iyon, at pinagmasdan isa isa ang mga nasa litrato. Napangiti ako habang pinapanood ko ang mga ngiting iyon na nagmumula kina mommy, daddy at ate. Bigla ay nahinto ang mata ko sa daddy ko. Hinawakan ko ang litrato ni daddy sa may frame, at naluluhang hinawakan ang noo ni daddy paibaba sa kanyang labi gamit ang aking hintuturo.
Miss ko na ang lahat sayo daddy. Napakahirap ng pinagdadaanan ko ngayon daddy peo alam ko namang, ayaw niyo akong nakikitang nahihirapan. Kaya, ipinapangako ko po sa inyo na hinding hindi ako kailanman magiging mahina. Lalaban pa rin po ako hanggat kaya ko.
Pero bago pa man tuluyang masira ang mood ko, binababa ko na ang frame. Bago ako tuluyang tumuloy sa banyo, ay nahagip ng mata ko ang phone ko ng ito ay umilaw.
3:30
1 message recieve
From: Aliah
Composed message:
Good morning, Quieschia!😊
Have a good day!
God bless and see you in school!😊😊Hindi ko na pinansin pa yun sa kadahilanang, nagmamadali akong umalis ng bahay sapagkat ayaw kong makasabay sina mommy at ate na kumain at ayaw ko silang makita ng maagang maaga dahil nasisiguro kong masisira lang ang araw ko.
Oo, pasadya kong inialarm ang phone ko ng maaga para makaalis din ako ng maaga at diko na sila makasabay pa at makita.
Mabilis akong nagbihis. Pagkatapos akong magbihis ay dumeretso na ako sa baba para makapag agahan na at makaalis na.
Ngunit, nabigo lang ang plano kong makaalis ng maaga dahil hindi pa man ako tuluyang nakakababa, ay nahagip ko na sina mommy at ate na kumakain. Huminto ako sa kalagitnaan ng hagdan, at pinagmasdaan lang sila.
Halos tatlong minuto akong nakatayo doon bago tuluyang bumaba.
"Good morning po, manang"pagbati ko kay manang Celia habang papalapit sa gawi nila.
BINABASA MO ANG
The Sisters' Rivalry (On Going)
RandomFamily is the foundation of love, strength, supports, and other important matters do a son or daughter looking for. Ito ang mga bagay na hinahanap ni Quieschia sa kanyang ina. Sapagkat, simula nang mawala ang kanilang pinakamamahal na ama na si Carl...