Art Vincent's POV:
Sinubukan pa naming habulin ni Anthony si Quieschia pero hindi na namin siya naabutan pa.
Pagkatapos ko kasi siyang inisin ay mabilis niyang nilisan ang classroom. Sumunod nalang kami ni Anthony.
"Loko ka kasi!"maya-maya pa'y pambabasag ni Anthony sa sabdaling katahimikang namutawi sa pagitan namin.
"Bakit? Wala naman akong ibang ginagawa doon?"nakangising aniko na noo'y nasa daan ang mga paningin.
"Hahaha!"tumawa siya, "..syempre nabadtrip iyon dahil sa mga pinaggagawa mot pinagsasasabi sa kanya!"nakangiting aniya, "..may palapit-lapit pa ng mukhat pakindat-kindat ka pang nalalaman ah!"nang-iinsultong aniya.
"Tss"singhal ko,"...ewan ko ba?!...nagkukusa e!"natawa ako. Tumawa din siya.
"Nagkukusa?! Kalokohan"tumawa nalang kami.
Habang nasa daan, ay hindi ko maiwasang mailang sa tuwing makakasalubong kami ng mga babae. Kasi sa tuwing may makakasalubong kami, ay panay ang bulungan nila, at nginungitian kami ng wala sa oras. Minsan pa ay tumitili ang mga ito. Pilit na ngiti naman ang iginagawad namin sa kanila.
Nang makarating kami sa bungad ng canteen, napagtanto ko na parang magkakilala itong si Anthony at Quieschia base sa mga ikinikilos nila at sa way ng pakikipag-usap sa isat isa. Huminto ako saglit at gayundin siya.
"Magkakilala ba kayo ni Quieschia?!"tanong ko na nasa kanya ang paningin samantalang siya ay sa canteen.
"Bakit mo naman naitanong?!"tugon nito na di pa rin inaalis sa canteen ang paningin. Hindi ko siya sinagot.
Ibinaling ko ang aking paningin sa kung saan siya nakatingin dahil tutok na tutok ang paningin niya sa canteen.
Hindi ko pa gaanong kilala si Quieschia even her back and side. Pero nang tignan ko ang tinitingnan ni Anthony, hindi ako maaaring magkamali na siya yung nakatayo sa likod ng mga nagkukumpulang tao at nag-iingay. Parang may pinapanood at nasisiguro kong may ibang nangyayari.
Sandaling nangunot ang noo ko ng makitang makipagsiksikan at makipagtulakan si Quieschia sa gitna ng maraming mga estudyante para lang makadaan. Napalunok ako.
"Ano kayang nangyayari doon?!"wala sa sariling tanong ko.
"Tara!"bigla ay natatarantang anyaya sa akin ni Anthony at mabilis na tinahak ang canteen. Kinabahan ako.
Nakipagsiksikan kamit nakipagtulakan sa grupo ng maraming tao na nakaharang para makadaan. Nang makarating kami sa gitna ng maraming taong nakiki-isyoso, ay nakita ko ang isang babaeng napakadungis ang Uniform matapos matapunan ng mga pagkaing binili ni Aliah.
BINABASA MO ANG
The Sisters' Rivalry (On Going)
RandomFamily is the foundation of love, strength, supports, and other important matters do a son or daughter looking for. Ito ang mga bagay na hinahanap ni Quieschia sa kanyang ina. Sapagkat, simula nang mawala ang kanilang pinakamamahal na ama na si Carl...