Chapter 19

4 0 0
                                    

Art Vincent POV:

Natulala at napanganga ang lahat sa naging asta ni Quiesch sa guro namin. Maging ako rin, ay hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkaganoon kanina. Dahil sa nangyari kanina'y napuno ng tensyon at kaba sa loob ko. Kaba na baka magalit ang guro at ideretso ito sa Guidance o Office. Pero, nagpapasalamat ako't hindi yun nangyari.

Matapos ang dismissal, ay mabilis kaming nagsilabasan mula sa room ang nagtungo sa cafeteria. Sa college section pa yun. May kalayuan ang cafeteria pero dahil 1 hr vacant, doon na muna kami tumambay.

Habang naglalakad, walang nag-atubiling gumawa ng kahit na isang ingay sa pagitan namin ng mga kasamahan ko maliban na lamang sa mga naririnig naming ingay na nagmumula sa mga ibon, at ilan sa mga estudyanteng nasa labas at nakakasalubong namin at pati na rin sa mga on going ang class.

Nasa ganoon pa rin kaming sitwasyon ng dagliang may sumulpot na babae.

"Hi Quiesch!! Sa wakas nakita na rin kita...alam mo ba? Matagal na kitang gustong makita pero busy ka ata kaya d kita masyadong nakikita na nagkakalat sa campus"ani isang babae na hindi ko makilala. Hindi ito kinibo ni Quiesch, "kamusta na...bal--!"

"Pwede ba Irene, tantanan mo muna ako kahit ngayon lang?!"gulat na napatulala ang tinawag na Irene matapos siyang masigawan ni Quiesch dahilan para hindi nito maituloy ang sinasabi.

"Quiesch, ano ka ba?! Nangangamusta lang yung tao, ano bang nangyayari sayo?"sita ko.

"Oh e ano bang pakealam mo?! Kung gusto mo, ikaw nalang makiusap dito! Tutal, diyan ka naman magaling!"natahimik ako sa sinabi niya. Matapos niya iyong ibulalas ay tiyaka niya kami tinalikuran at pinangunahan.

"A-ah pasensya na..kanina pa kasing wala sa mood yun!"pilit ang ngiting ani ko'y habang humingi ng pasensiya kay Irene na ang paningin, ay na kay Quiesch.

"H-hindi..o-okay lang"utal na tugon ni Irene. Doon ko na siya tiningnan.

"Tiyaka mo na siya kausapin..may problema ata"pakiusap ko. Tumango naman ito ng may ngiti sa labi bilang tugon. Ngumiti nalang din ako.

"Sige. Mauuna na ako sa inyo!'paalam niya. Ngumiti lang muli ako at tiyaka siya umalis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Sisters' Rivalry (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon