Kabanata 2 - Getting Closer

22.1K 665 39
                                    

Kabanata 2 - Getting Closer

Nyebe

Summer night at kailangan kong gawin ang lahat para naman magkaroon na ako ng friend. Nakita ko si Emerald at Ruby Rose na naiwan sa classroom habang nag-uusap. Popular din sila sa university at malapit din sila kay Benj. Kaibigan din nila si Warren at Max.

"Ummm.."

Nagulat sila ng mapansin ako. Napabuntong hininga sila.

"Anong kailangan mo?" tanong ni Ruby Rose.

"Ah, pwede akong maging aswang para mapasaya ang buong klase."

Nagulat sila. Hindi ko naman sinasadya pero narinig ko kasi sila na nagpaplano para naman exciting daw ang summer night namin. Gusto kong may gawin para naman malaman nila na hindi naman dapat ako iwasan.

"Bakit mo naman gagawin iyon?" tanong ni Emerald.

Napayuko ako, "Para hindi na ako iwasan. Hindi naman talaga ako anak ng aswang at hindi din ako nakakakita ng aswang."

Natahimik sila pero pagkaraan ay napahalakhak si Emerald habang si Ruby Rose ay naiyak pa.

"Bakit ka ba umiiyak?" sita ni Emerald kay Ruby.

"Hindi ko akalain na sasabihin nya iyon. Nakakaiyak ang kabayanihan nya."

Napailing si Emerald at tumingin sa akin, "Sige, kung yan ang gusto mo. Pero sekreto lang natin 'to?"

Tumango ako at ngumiti na kinamutla nila pero hindi ko na pinansin iyon at masaya na umalis ako ng classroom.

Mananakot lang naman ako tapos ay tiyak na magugustuhan na nila ako. Tiyak na mag-eenjoy sila sa summer night out.

-

Benj

"Where's Nyebe?" tanong ko. Narito na ang buong klase sa kagubatan para puntahan ang bundok sa tabi ng isla.

"Ewan." sabi ni Max.

Tinignan ko ang bawat estudyante na narito at nilapitan ko sila Emerald.

"Nakita nyo si Nyebe?"

"Hindi." ani ni Emerald.

"'Di ba ma--"

Ngumiti sa akin si Emerald at hinatak si Ruby habang takip ang bibig nito. Hindi ko na pinansin ang dalawa at hinanap si Nyebe.

-

Emerald/Ruby

"Sekreto lang ang pananakot ni Nyebe, Ruby." ani ni Emerald.

Napakamot si Ruby ng ulo at natawa, "Sekreto ba?"

Napaasik nalang si Emerald na napahalukipkip ng braso.

"Whhaaaa!!"

"Saan nanggagaling ang sigaw na 'yon?" ani ng kaklase nilang lalake na kinangisi ng dalawa.

-

Nyebe

Suot ko ang itim na dress na hanggang paa ko. Habang ang kulot kong buhok na mahaba at makapal ay nakalugay. Narito ako sa puno at napangiti ako dahil effective ang una kong pananakot.

May nakita akong naglelente kaya umayos ako. Dapat ay ibang style naman.

"Estabilano y polito casabele." nagbigkas lang ako ng salita na kung ano-ano kahit hindi ko rin naman gets. Tapos ang boses ko ay iniba ko na nakakatakot.

Nang malapit na ang kaklase kong may dalang lente ay lumitaw ako mula sa pagtatago sa puno at nakababa ang ulo ko.

Narinig ko ang pagsinghap nito kaya napatingin ako rito, pero natigilan ako ng makita si Benj.

Benjamin Apollo FORD SERIES 8 ( COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon