Wakas

46.1K 1K 109
                                    

Wakas


Benj

Napahikab ako ng magising ako mula sa pagkakatulog. Bumangon ako at napahilamos ng mukha. Napuyat ako at kahit gusto ko pang matulog ay bumangon na ako.

Wala si Nyebe sa tabi ko kaya napahinga ako ng malalim. Tumungo ako ng banyo at naligo agad. Dapat ay mabilis ako sa kilos ko dahil tiyak na matataranta na naman ako.

It's been a long time when our wedding. And now, I am officially a father.

Napangiti ako ng marinig ang iyak ng anghel ko. She's like her Mom. Curly hair kahit one year old palang. Kahit nakatapis ng tuwalya ay lumabas ako ng banyo. Lumapit ako sa baby cribs at nakita ko na umiiyak na ito.

"Oh, baby, stop crying. I'm here."

Binuhat ko ito at hinalikan. Napakalago ng buhok nya na para talagang si Nyebe. Ang asawa ko ang nagwagi kung kanino magmamana ang anak namin.

Napatitig ito sa akin at biglang lumabas ang gilagid nito sa pagngiti nito ng malaki. Natawa ako dahil kapag nakikita ang mukha ko o mukha ni Nyebe ay titigil na sya sa pag-iyak at ngingiti nalang.

"Hindi pa nakakabihis si Daddy, baby. Pagbihisin mo muna sana ako bago ka gumising." kausap ko rito habang hawak ang ulo at likod nito habang nakasalo ang mga braso ko para hindi ito mahulog sa bisig ko.

Napahagikgik ito kaya napangiti ako at hinalikan ito sa noo.

"Puntahan natin si Mommy?"

Pumalakpak ito ng kamay kaya lalo akong nanggigil rito. Inayos ko sya ng kilik habang nasa balikat ko ang mukha nito. Lumabas ako na nakatapis lamang ng tuwalya at wala namang makakakita dahil tiyak na tulog pa si Papa.

Naamoy ko na agad ang niluluto ni Nyebe kaya napangiti ako at lumakad patungong kusina. And there she is..

Lumapit ako sa likod nito at hinalikan ko sya sa pisngi na kinagulat nya.

"Benj! Napaka mo.."

Natawa ako at hinarap sa kanya ang baby namin. Si Baby Libby Esmeralda Ford.

"Pasaway na 'tong anak natin. Naliligo pa ako ay agad umiyak."

Napangiti sya at hindi nya mahawakan ito dahil marumi pa ang kamay nya.

"Talaga bang pasaway ka na daw, Baby? Ang tagal ba ni Daddy maligo?" kausap nya rito.

Nakatitig naman sa kanya ang anak namin at sumasagot na parang nakikipaghuntahan sa kanya.

Napangiti ako at hinalikan sa ulo si Baby. Ang sarap pala ng pakiramdam ng maging ama. Ngayon ay nararamdaman ko na kung ano ang feeling nila Dad at mga kapatid ko.

Tinignan ko ang niluto ni Nyebe at natakam naman ako dahil buffalo wing.

"Wife, can I taste your buffalo wing?"

Ngumiti sya at kinuha ang chopstick. Nawili na syang gumamit no'n dahil nga sa negosyo nyang japanese restaurant. Kahit hindi naman japanese food ang kakainin namin ay nakachopstick parin sya.

"What's the taste?"

Ninamnam ko ang lasa at napangiti ako. Tinignan ko sya at kumindat ako kaya napangiti sya.

"Ghad. Akala ko ay palpak ang luto ko."

Natawa ako at lumakad palapit sa upuan. Naupo ako habang nasa bisig ko si Baby Libby.

"Nangangamba ka pa, magaling ka naman d'yan."

"Syempre, hindi naman ako gaano kagaling. Bago palang ako rito sa pagluluto ng buffalo wing kaya baka pumalpak." aniya habang nagsasandok ng ulam.

Benjamin Apollo FORD SERIES 8 ( COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon