Kabanata 18 - The Past Reveal The Truth

28.9K 550 32
                                    

Kabanata 18 - The Past Reveal The Truth





Nyebe

"Pasensya ka na talaga, Anak. Nagiging pabigat ako sa'yo, tapos palagi pa kitang binibigyan ng problema."

Umiling ako kay Papa. Mula kasi na mabugbog sya ay sa bahay nalang sya at takot ng lumabas dahil sa trauma. Humihilom na rin ang sugat nya at dapat lang talaga na sa bahay nalang muna sya para masigurong wala ng magtatangka sa buhay nya.

"Ano ba naman kayo, Papa. Ang makitang narito lang kayo sa bahay at nagpapagaling ay magaan na sa pakiramdam ko. Takot na po akong iwanan nyo, kaya po magpagaling po kayo agad at wag nyo na pong pagbubuksan kung sino man po ang kumakatok."

"Tama sya, Tito. Tawagan nyo ako kapag merong nag-doorbell ng masyadong gabi. Akong bahala doon." sabi ni Benj na nasa tabi ko.

"Salamat sa inyo.. Oo nga pala, hindi ba't magpapacheck-up kayo? Hindi pa ba kayo lalakad?"

Ngumiti ako at tumingin kay Benj na nasa likod ko.

"Lalakad na, Papa. Kagabi pa nga po excited itong si Benj." sabi ko.

"Syempre, ako ang ama nya'n, kaya dapat lang na manabik ako."

Siniko ko sya ng hawakan nya ang bewang ko. Natawa si Papa at napangiti.

"Sige na, lumakad na kayo."

Tumango ako kay Papa at bumeso. Si Benj naman ay nakipagsangga ng kamao. Mga lalake talaga kinahihiya pang bumeso.

"Benj, sure ka bang mag home school nalang ako? Kaya ko pa naman pumasok sa susunod na school year dahil wala pa namang umbok ang tiyan ko."

Sumulyap sya sa akin sandali at binalik rin sa kalsada ang paningin.

"Oo. Mabuti ng sigurado. Kung sa school ka ay umaakyat pa minsan ng hagdan kung natapat ka sa seksyon na nasa taas ang room. Paano kung madulas ka? Edi napahamak pa kayo ni Baby."

Napangiti ako at humawak sa hita nya. Walang oras na atang nasa tabi ko sya. Uuwi lang sya sa bahay nila para maligo at magpalit ng damit, tapos ay tatambay na sa amin.

"Wala ka bang girls sa school?" tanong ko kaya napangisi sya.

"Wala.. Tsaka wag mo akong ganyanin, dahil tinatablan ako."

Naguluhan ako sa sinabi nya, "Huh? Anong ganyanin?"

Ngumisi sya at sinulyapan ako bago hawakan ang kamay ko na nasa hita nya. Napabitaw ako ng makita ang umbok nya kaya hinampas ko sya na kinahalakhak nya.

"Ang manyak mo!"

Natawa sya, "Paano ako naging manyak, ha? Humawak-hawak ka tapos ng makita mong tinatablan ako ay sasabihan mo akong manyak. Wag ka kasing humahawak d'yan, alam mo naman malakas ang kiliti ko d'yan."

Umirap ako at mahinang sinutok ko ang braso nya.

"Tumigil ka na nga."

Ngumiti sya ng pilyo at napakagat ng labi kaya napatingin ako doon. Napakapula talaga ng labi nya at hindi naman sya basa ng laway pero parang kumikinang ang labi nya sa pagkapula. Umiwas ako ng tingin dahil kahit saan sya anggulo tignan ay napakagwapo nya.

"Pakasal na tayo. Agad i-shedule ni Dad iyon basta sabihin lang natin sa kanya agad."

Tumingin ako sa kanya at napaisip ako. Napatingin ako sa kanya ng humawak sya sa tiyan ko kaya napahawak ako sa kamay nya.

"Sigurado ka ba na hindi ka na magmamahal ng iba? Na ako lang at hindi ka mambabae kapag nagsama na tayo?" Tanong ko.

"Oo naman. Sa tagal mo nga nawala noon ay hindi man lang ako sumulyap sa iba, ngayon pa kaya. Nagkataon lang na nagkamali ako noon, pero bumabawi na ako."

Benjamin Apollo FORD SERIES 8 ( COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon