Kabanata 8 - Missing

24.5K 546 68
                                    

Kabanata 8 - Missing

Benj

Panay ang kwentong katarantaduhan ni Max at panay ang sakay ko lang. Tumingin ako kay Nyebe na lumipat ng upuan at katabi sila Emerald na naglipatan din. Napahinga ako ng malalim at napahawak sa likod ng ulo ko.

Back at the day kung kailan ako tinawagan ni Daniella. Totoong may sakit sya kaya agad akong nagpunta dahil wala syang kasama sa bahay.

Nakita ko syang matamlay ng pagbuksan nya ako ng pinto. Napahinga ako ng malalim at inalalayan sya sa pag-upo sa sofa.

"Salamat sa pagpunta, Benj. Wala lang talaga akong makasama at hindi ko kaya na masyadong gumalaw."

Hinipo ko ang noo nya at nahipo ko na sobrang init nya.

"Doon ka sa kwarto mo mahiga. Ikukuha kita ng pagpapababa ng lagnat mo."

Inalalayan ko sya para tumayo pero nanlaki ang mata ko ng halikan nya ako.

"D-Daniella.." pinigil ko sya pero mahigpit syang kumapit sa leeg ko at patuloy sa paghalik sa akin. Napahawak ako sa bewang nya at napapikit ako bago napatugon sa halik nya.

Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at nadala ako sa tukso. Ang nasa isip ko ay si Nyebe ang hinahalikan ko. Sya ngayon ang kinubabawan ko. Halos magdikit ang init ng katawan namin ng pareho na kaming hubo't hubad.

'Nyebe..' daing sa isip ko.

"Benj, mahal na kita."

Napatigil ako at napadilat. Bigla ay para akong napaso na napalayo sa katawan ni Daniella. Napahawak ako sa ulo ko at napasabunot sa buhok ko dahil bakit nagpadala ako. Shit muntik ko ng mapasok.

Agad kong pinulot ang mga damit ko at sinuot.

"Benj, 'di ba mahal mo ako? Mahal kita."

Hinawi ko ang kamay nya at tinignan ko sya. Hindi ko sya maintindihan. Dati ay tingin nya lang sa akin ay parang batang kapatid. Totoong minahal ko sya compare sa mga Ate ko na asawa ng mga kuya ko na isang puppy crush lang. Pero nireject nya ako at ngayon ay sasabihin nya na mahal nya ako.

"Hindi ko sinasadya ito. Akala ko ay ikaw ang girlfriend ko."

Kita ko na napamaang sya pero hindi ko na pinansin at sinuot ko ang uniform ko. Napatingin ako sa kanya na napaupo sa sofa at napaiyak.

"Benj, sobra akong nagsisisi dahil nireject kita. Nang makita kong masaya kayo ni Nyebe ay doon ko nalaman na mahal pala kita." tumingin sya sa akin habang umiiyak, "Ako nalang. Please."

Tinungo ko ang kusina nila at kinuha sya ng maligamgam na tubig at bimpo. At nilapag ko sa lamesa sa harap ng sofa.

"Aalis na ako."

Kinuha ko ang bag ko at aalis na sana ako ng hawakan nya ako sa braso. Nakapagbihis na sya.

"S-Samahan mo muna ako kahit ngayon lang. Please."

Napahinga ako ng malalim at pabagsak na naupo sa kabilang sofa. Napahilamos ako ng mukha dahil nakaramdam ako ng inis sa sarili ko. Kapag nalaman ni Nyebe na may nangyaring ganito sa amin ni Daniella ay baka mawala sya sa akin.

"Fuck! Hindi tayo aabot sa ganun kung hindi mo ako hinalikan! Nagkasala pa ako sa girlfriend ko!"

Galit ko syang tinignan na kinabigla nya ang pagsigaw ko.

"B-Benj, wala pa namang nangyari sa atin."

Napatayo ako at galit na binalibag ko sa sahig ang bag ko.

"Bullshit! Alam mong kapag hinahalikan ako ay nawawala ako sa sarili! Kung hindi ko napigil ang sarili ko ay tiyak na nagalaw kita!"

Napakuyom ako ng kamay at tinakip ko 'to sa mata ko dahil nanggigigil ako. Lumabas sa isip ko ang eksenang iiwan ako ni Nyebe. Napailing ako. Hindi, hindi ako papayag.

Benjamin Apollo FORD SERIES 8 ( COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon