Kabanata 14 - Save Her

23.2K 561 46
                                    

Kabanata 14 - Save Her

Nyebe

Umiiyak ako ng makita ko si Mama, Lolo, at Lola na pare-pareho silang mga nakaputi, nakatingin sa akin, at nakatayo sa isang puno. Napakatahimik ng lugar at may isang tila mababaw na dagat sa kanilang likuran. Napakaganda ng lugar at wala akong maramdaman na ano mang bigat na nararamdaman kundi ang kasiyahan sa paligid. Napakaaliwalas ng lugar at pakiramdam ko ay napakalaya ko.

"Mama! Lola! Lolo!" masayang tawag ko at agad akong naglakad upang lumapit sa kanila.

"Anak, bumalik ka, maging masaya ka. Gumising ka."

Naguguluhan ako sa sinasabi ni Mama. Umiling ako at ngumiti.

"Mama, dito nalang po ako, nandito po kayo nila Lolo."

Ngumiti sya at umiling rin, "Magkakasama rin tayo balang-araw, Anak. Kaya gumising ka at maging maligaya. At isipin mong mabuti ang lahat ng nagpapasaya sa'yo, kesa sa mga nakakasama sa'yo. Mahal na mahal ka namin, Anak."

Napaiyak ako, "Mama.." tawag ko. Napatakip ako ng mukha ng biglang magliwanag. Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at nanlaki ang mata ko ng makita si Anthony na balak na pagsamantalahan ako.

Agad ko syang tinulak at napaupo ako. Napaiyak ako dahil kung hindi pa ako nagising ay baka napagsamantalahan na nya ako.

"Anong ginagawa mo sa akin, Anthony? Bakit mo ako balak hubaran?!"

Ngumiti sya, "Sa Ford na iyon na hindi mo naman boyfriend ay nagpakalantari ka. Sa akin na fiancé mo ay pinagbabawalan mo, ha?"

Agad ko syang sinipa ng hawakan nya ako sa mga braso. Pero napahiyaw ako at napaiyak ng sapilitan nya akong ihiga muli sa kama at pilit na hinahalikan.

"Hayop ka! Bakit mo ginagawa sa akin 'to?! Bitawan mo ako!"

Nagpupumiglas ako habang panay ang iyak ko ng halikan nya ako sa leeg.

"Whaaaaa!"

Napatigil ako sa pag-iyak at maging si Anthony ng makarinig kami ng sigaw mula sa baba. Agad ko syang tinulak na hindi nya inaasahan. Agad akong bumangon at bumaba ng kama. Tumakbo ako palabas ng kwarto at dali-daling bumaba.

Napatigil ako sa huling baitang ng hagdan at napasinghap ako.

"Daddy!" hiyaw ko ng makita si Daddy Douglas na nakahandusay sa sahig ng sala. Agad ko syang dinaluhan at napaiyak ako lalo habang tinatapik ang pisngi nya upang magising.

Tumingin ako sa mga kasambahay o sino mang mga nagising sa kanilang tulog na ngayon ay nakatunghay sa amin.

"Ihanda nyo ang sasakyan dali! Kailangan nating madala si Daddy!" Hiyaw ko na kinataranta nila at si Manong ay agad na tumakbo palabas.

Tinignan ko ang pulso ni Daddy Douglas at sobrang hina kaya lalo akong natakot at niyakap sya habang ginigising.

"Please, don't leave me, Daddy Douglas. Ikaw nalang ang natitira sa akin, please."

"Anong nangyari?" tanong ni Anthony na lumuhod at tinitignan si Daddy. Hindi ko sya sinagot dahil naalala ko ang ginawa nya. At hindi ko sya mapapatawad!

Agad na binuhat nila Manong driver si Daddy. Sa abot ng makakaya ko ay tumulong rin ako. Hindi ko muna pinansin ang ginawa ni Anthony at pokus lamang ako ngayon kay Daddy na pilit kong ginigising.

Jusko. Sana ay wag syang mawawala sa akin. Baka hindi ko na kayanin ang lahat kung pati ang tinuring kong pangalawang ama ay mawala.

Si Manong ang nagdrive habang nasa front seat si Anthony na katabi ni Manong. Halos hindi ako makahinga sa sobrang takot habang kita ko na hindi nagigising si Daddy Douglas.

Benjamin Apollo FORD SERIES 8 ( COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon