Kabanata 4 - Clingy

22.4K 567 36
                                    

Kabanata 4 - Clingy

Nyebe

Second year booth event. Pagkatapos ng napakaraming preparation, at last, heto na rin. Nakasilip ako sa kurtina kung saan gagamitin namin bilang pangtakip sa stage. Napatingin ako kay Benj na nakatayo habang katabi ang dalawa na si Max at Warren habang nagbebenta sila ng ticket. Halos punong-puno na ng tao ang buong room dahil sa dami ng bumili ng ticket.

"Wala talaga makakatanggi sa charm ng tatlo, lalo na ni Benj. Swerte natin." sabi ni Emerald.

Nakatitig ako kay Benj at nagulat ako ng napalingon ito kung saan ako nakasilip kaya agad kong inalis ang ulo ko sa pagkakasilip. Ilang araw na akong hindi pinapansin ni Benj. Kaya kapag kakausapin ko sya about rito sa play ay nauutal ako dahil para bang nagkaroon ng distansya sa pagitan namin.

"Nyebe, paano 'to?"

Napalingon ako kay JC na nangasiwa sa mga cast ng gagawin naming play.

"Absent si Paulo. Walang papalit sa role nya." dagdag nya.

"Ano?" kinabahan ako at nataranta. Maging ang mga kaklase ko ay nataranta na ng marinig ang sinabi ni JC..

"Magsisimula na ang play. Paano na? Nilalagnat daw si Paolo."

Hindi ako lalo napakali sa kinatatayuan ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil sari-sari ang naririnig ko sa mga kaklase ko na may nagsisihan, may nagsusuggest, at may natataranta rin na kagaya ko.

"Nasaan ang script?"

Gulat na napaangat ako ng tingin at napatingin kay Benj. Agad na binigay nila JC rito ang script at tila nakahinga ng maluwag ang lahat. Nakatingin lamang ako kay Benj habang tahimik na binabasa nya ang script. Hindi ko alam ang ginawa nya pero saglit na pinasadahan lang nya ang script bago ibalik kay JC iyon.

Agad na binigay kay Benj ang susuotin nya sa role. Isang samaritan na tumulong sa isang matandang lalake na gutom na gutom at uhaw na uhaw habang nakasalampak sa marumi at mainit na semento.

Tahimik ang lahat habang ginagampanan nya ang role. At mas lalong humanga ang lahat dahil sa galing nyang ideliver ang line.

"Sasandali lang nyang napag-aralan ang linya pero parang sa nangyari ay parang well-trained sya." sabi ni Ruby.

"Matalino talaga si Benj at parang advance mag-isip, kaya hindi na nakakapagtaka." sabi naman ni Emerald.

Napaidtad ako ng may biglang nagtulak sa akin palabas ng curtain. Lumingon ako sa likod at nakita ko si JC.

"Ikaw na, nakalimutan mo."

Para naman akong namutla at nataranta dahil hindi ko namalayan na ako na pala. Napatingin ako sa lahat na nakatingin sa akin.

"M-Mabuhay si Valeriano!" sabi ko na kinatawa ng lahat. Napangiti ako na pilit dahil sa kahihiyang ginawa ko. Iyon na nga lang ang linya ko ay nautal at tila pa ako lutang na sinabi iyon.

Yumuko ang buong klase ng matapos ang role playing namin. Malakas na palakpak ang binigay sa amin ng audience kaya napangiti ako kahit papaano.

Napatingin ako kay Benj na masaya dahil pinagkakaguluhan sya ng mga kaklase namin dahil sa kanya kaya nakaraos kami sa play. Napatingin sya sa akin kaya napaidtad ako pero parang bumagsak ang balikat ko ng umiwas sya ng tingin. Akala ko ay papansin na nya ako, hindi pala.

"Oh-oh, something fishy." parinig ni Ruby na hindi ko na pinansin.

Matapos ang play ay niligpit na namin lahat ng ginamit naming props. Mamaya ay may gabi ng parada para sa lahat ng second year para sa magandang booth event na ito.

Benjamin Apollo FORD SERIES 8 ( COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon