Kabanata 10 - Cooking Show

22.1K 538 8
                                    

Kabanata 10 - Cooking Show




Nyebe

Kinakabahan man ako ay kinaya ko paring ngumiti at maging normal na humarap sa mga taong nais na mabahagian ng nalalaman ko. Habang merong cooking show staff na syang nakaantabay habang kinukuhanan ako sa aking pagtuturo. Nalaman ko lamang ang ganito ng makakita ako ng paskil nung minsang nag-mall ako. Kaya nag-inquire ako at sinabing nais kong magbahagi ng nalalaman ko sa pagluluto ng japanese food.

At agad rin nila akong hiningan na sampulan ko sila ng pagluluto ko ng araw rin mismo ng interview ko. Masaya ako dahil may nagagawa na ako at nawawala ang sakit ng ulo kapag ganitong nagiging busy ako sa ibang larangan.

"Thank you, Mam. Thank you sa inyong lahat." sabi ko sa mga nagpunta para matuto.

Yumuko sila at ngumiti sa akin bago umalis. Nang mawala na sila ay tumingin ako kay Mrs. Pearl.

"Ms. Nyebe, sa susunod na araw eere na sa television ang cooking show na tampok ka."

Ngumiti ako, "Okay po. Maraming salamat sa pagkuha sa akin. Masyado ho akong nalibang."

Ngumiti ito at tinapik ang balikat ko bago umalis sa harap ko. Napahinga ako ng malalim at ngayon lang ako nakaramdam ng pagod. Kinuha ko ang bag ko at lumakad na palabas.

Napahinto lang ako sa paglabas ng mag-ring ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bag ko at tinignan ang tumatawag. Nagpatuloy muli ako sa paglalakad.

Si Anthony, kaya sinagot ko.

"Yes, Anthony?"

(How's your cooking show?)

Napangiti ako at huminto, "Tapos na at mabuti nakaraos ako sa pagluluto ng hindi nagkakamali at nauutal."

Natawa sya, "Good. Well, I'm off to school. I'll fetch you."

"Wag na, kasama ko naman si Manong Driver. Kita nalang tayo sa bahay." tinignan ko ang oras at hindi pa time ng tapos ng klase nya, "Anthony, magdiditch ka ng class?" tanong ko sa mataray na boses.

"Ah-eh, hindi no.. Tapos na ang klase ko."

Naningkit ang mata ko, "Try again, Anthony." sarkastikong sabi ko.

"Okay-okay, I lied. Tsk. Nakakatakot ka talaga."

Napangiti ako ng agad syang umamin. Napahinga ako ng malalim.

"Bakit ka ba magdiditch ng class?" tanong ko at lumakad palapit sa sasakyan.

"Hmm.. Because I miss you."

Napangiti ako lalo at sumakay ng sasakyan ng pagbuksan ako ni Manong. Nagpasalamat ako rito.

"Lagi naman tayo nagkikita. Namimiss mo agad ako?"

Natawa sya, "Of course, araw-araw kaya kitang namimiss. Kaya sana ay sabay tayong mag-aral, para hindi na ako nababagok rito."

Natawa ako, "Ikaw talaga. Wag kang mag-ditch ng class, bye, Anthony."

"Wait--"

Napangiti na pinatay ko na agad ang tawag. Tumingin ako kay Manong na nagmamaneho na.

"Manong, sa school po tayo ni Anthony." sabi ko.

Ngumiti si Manong, "Tiyak na magugulat si Anthony kapag nakita ka. Alam mo ba na simula ng dumating ka ay hindi na masyadong nagsasama sa mga barkada nya ang batang iyon. Lagi ngang nasa bahay na isang himala."

"Maganda po ba iyon, Manong?" nakangiti kong tanong.

"Oo naman. Kesa naman ay palaging laman ng bar si Anthony."

Benjamin Apollo FORD SERIES 8 ( COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon