Kabanata 11 - Bring Her Back

28K 647 30
                                    

Kabanata 11 - Bring Her Back


Benj

Kahit wala akong tulog ay agad din akong umalis ng bf island kasama si Warren at Max. Hindi ako mapakali sa barko at sasakyan palang dahil naatat na akong makita si Nyebe.

Nilapat ko ang kuyom kong kamay sa labi ko at pumikit. Makita at maiuwi ko lang sya ngayon, hinding-hindi na talaga ako magkakamali. Itatama ko na ang lahat.

Narito na kami sa batangas at dahil hindi namin alam kung saan hahanapin si Nyebe ay naisipan namin na puntahan ang location ng cooking show kung saan namin nakita si Nyebe.

Pero sarado ang studio kaya napahampas ako sa pinto. Hindi ko alam kung saan sya hahanapin sa lawak ng batangas.

"Benj, magpatulong kaya ulit tayo sa dad mo?" suhesyon ni Warren.

"Kung noon ay hindi nahanap ni Dad si Nyebe, ngayon pa kaya? Naguguluhan din ako kung bakit hindi nahanap ni Dad si Nyebe."

"Baka talagang magaling magtago si Nyebe at ayaw talaga nyang magpahanap sa'yo." sabi ni Max.

Napakuyom ako ng kamay at tumalikod. Huminga ako ng malalim at napahawak sa ulo ko. Masisira na talaga ako ng ulo.

Naglakad na kami nila Warren paalis ng studio. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Dad. Pero nakatingin parin ako sa labas ng bintana ng kotse at nililibot sa paligid ang mga mata ko dahil baka makita ko lang kung saan si Nyebe.

(Y-Yes, Son.)

"Dad, I found her. She's here in batangas. But I don't know what her address here."

(Fuck Son, wrong timing! Shit!)

Napangiwi ako ng iparinig pa ni Dad ang paglalandian nila ni Mommy. Kay tatanda na ay naghohoneymoon parin at baka daw masundan pa ako.

Pinatay ko nalang ang tawag dahil hindi pa ata sila tapos. Napahinga ako ng malalim at napagulo sa buhok ko.

"Anong sabi ng Dad mo?" tanong ni Warren.

Tumingin ako sa bintana na hindi mapinta ang mukha ko.

"Nothing. He's busy." nasabi ko nalang.

"Paano na? Saan natin hahanapin si Nyebe? Kung sana ay alam natin kung saan talaga sya nagtatago bago tayo nagpunta rito." si Max.

Napahimas ako sa labi ko habang nag-iisip kung paano ko mahahanap si Nyebe.

"Hinto mo nga muna." sabi ko.

Hininto ni Warren sa gilid ang kotse kaya bumaba ako. Dito ay tanaw ang taal at mahangin. Sa laki ng batangas ay hindi ko alam kung saan magsisimula.

Naglabas ako ng cigarette. Hindi alam ni Mommy na naninigarilyo ako. Natuto lang ako kay Kenedy.

"Fuck! Ang baho!" reklamo ni Max ng bumaba sya ng kotse ng maamoy ang sigarilyo ko.

Napailing ako at umalis sa pagkakasandal sa kotse. Naglakad ako palayo sa dalawa habang binubuga ang usok. Humawak ako sa pader ng road at tinignan ang tanawin.

Nyebe, nasaan ka ba? Magpakita ka na, please.

"Benj, may nag-text sa'yo." sigaw ni Warren.

Nagtaas lang ako ng kamay hudyat na basahin nya. Wala akong ibang nasa isip ngayon kundi ang mahanap si Nyebe. Kaya hindi importante ang mga nagpapadala ngayon sa akin ng text message.

"Dude, sino si Katarina?" tanong ni Warren.

"Yung anak ni Mr. Chavez." tugon ko at humithit ng cigarette.

Benjamin Apollo FORD SERIES 8 ( COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon