Kabanata 6 - Promise

20.6K 561 16
                                    

Kabanata 6 - Promise

Nyebe

Napahawak ako sa sling bag kong black habang nakapagitna ako kela Emerald at Ruby habang naglalakad kami. Narito kami sa isang perya at tinitignan ang mga taong naglalaro at sumasakay sa iba't-ibang rides.. Fiesta pala ng santa iñez kaya ang dami ring tao.

Wala akong gana ngayon dahil naiisip ko parin na galit sa akin si Benj. Naisip ko na bakit sya nagagalit sa akin, e, sya nga itong hindi nagpapaliwanag.

"Uy, Nyebe, narito din pala sila Max." sabi ni Ruby. Napahigpit ang hawak ko sa sling bag dahil sa sinabi ni Ruby.

Hindi ako umimik at kahit hindi ko aminin sa sarili ko ay kinakabahan ako. Nakakita ng magandang pwedeng laruin ang dalawa kaya sumunod lang ako.

"Manong, paano ito?" tanong ni Ruby sa mga totoong isda na nasa maliit na fish pond na pakwadro.

"Huhulihin nyo at inyo na." sabi ni Manong.

Natuwa naman ang dalawa habang ako ay nakatayo lang sa likod nila at pinapanood sila.

"Uy, Nyebe."

Napalingon ako sa likod ko at napahigpit ang hawak ko sa sling bag ko ng makita ko si Warren. Pasimpleng tinignan ko ang likod nya na baka kasunod nya sila Benj, pero mag-isa lang sya.

"Hinahanap mo si Benj?" tanong nya kaya agad akong umiling at ngumiti.

"Hindi no." tanggi ko, pero sa puso at isip ko ay umaasang narito rin sya.

"Wala rito si Benj." aniya kaya tumango ako at nalungkot ang kalooban ko.

Tinignan ko sila Ruby at busy sila sa hinuhuli nila. Naglakad ako at kasabay ko si Warren na umalis kami kung nasaan sila Ruby. Lumayo kami sa mga nagkakasiyahang tao sa perya at nandito kami sa parteng tahimik at walang tao. Tanaw ang ilang kalayong bahay na kumikislap ang mga ilaw tila ba mga bituwin sa langit.

"Nagkagalit kayo ni Benj?" tanong nya kaya napalunok ako at tumango.

"Warren, bakit gano'n sya? Bakit ayaw nyang ipakita sa akin ang nararamdaman nya? Bakit parang hindi parin nya maalis sa puso nya si Ms. Daniella?"

"Natanong mo ba sya tungkol sa nararamdaman nya?"

Tumingin ako sa kanya, "Kailangan ko pa bang itanong iyon? Dapat sya ang kusang magsabi sa akin dahil girlfriend nya ako."

"Sabihin nalang natin na si Benj ang taong ayaw ng sabihin ang nararamdaman nya." tumingin sya sa akin, "Gusto nyang iparamdam kesa sabihin. Ayaw nya ng rejection. At sabihin natin na si Ms. Daniella nga ang sineryoso ni Benj noon, kaya tingin ko rin ay hindi sya agad makakamove-on lalo't nariyan lang si Ms. Daniella.... Pero kung sa nakikita ko ngayon, gusto ka ni Benj, Nyebe."

Umiwas ako ng tingin dahil hindi iyon ang gusto kong marinig. Hanggang gusto lang ba? Hindi pa ba nya ako mahal?

Napatingin ako sa kalangitan ng may fireworks na umilaw sa kalangitan.. Napakaganda at sarap sa pakiramdam. Pero saglit lang din sila nawala sa kalangitan at hindi na nagpakita pa.

Napatingin ako kay Warren ng may tumunog na flash. Nakita ko na kinuhanan nya ako ng litrato kaya ngumiti ako at sinuway sya.

"Ang panget ko. Wag nga."

Natawa sya at hinarap sa akin ang phone nya.

"Ang ganda mo nga rito."

Napatingin ako sa kuha ko at inaamin ko na maganda nga ang pagkakakuha sa akin ni Warren. Ngumiti ako at tumingin sa kanya.

"Pwede bang makakuha ng kopya?"

"Oo naman." aniya kaya nilabas ko ang phone ko at binigay sa kanya. Napatitig ako kay Warren. Una palang ay magaan na ang pakiramdam ko kay Warren. Dahil mabait sya at sa kanya lang ako nakakakuha minsan ng advice.

Benjamin Apollo FORD SERIES 8 ( COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon