Kabanata 19 - Love Is..

29.1K 591 8
                                    

Kabanata 19 - Love Is....



Nyebe

Hindi ako naging ganito kasaya sa buhay ko noon. Kahit alam ko na masyado pa kaming bata ni Benj para mag pamilya ay naisip ko na hindi naman magiging hadlang iyon para hindi namin ipagpatuloy ang nais parin namin sa buhay.

Magkahawak kami ng kamay habang may naglalaglagan na petals ng bulaklak sa amin. Sa tulong ng parents nya ay ngayon nakasal kami sa mabilis na panahon. Yes, we're married. He's my husband now.

Napakaganda nga ng suot ko dahil ang Ate pa nya ang gumawa ng gown para sa akin. Simple lang ang kasal dahil iyon ang nais ko. Mga kaibigan at kamag-anak lang ang imbitado.

"Gutom na ba ang baby natin?" hinaplos nya ang tiyan ko ng makasakay kami sa kotse.

Ngumiti ako at tumingin sa kanya, "Parang nga. Kanina pa sa simbahan tumutunog ang tiyan ko."

Natawa sya at binaba ang ulo. Napahaplos ako sa buhok nya at napangiti ako ng halikan nya ang tapat ng tiyan ko.

"Konting tiis nalang, kakain na tayo." bulong pa nya kaya napailing ako at napangiti.

"Hindi ko akalain na kasal na tayo." tumingin sya sa akin at ngumiti.

"At asawa na kita. Akin ka na talaga." aniya kaya pinisil ko ang pisngi nya at pinatong ko ang ulo ko sa balikat nya.

"Alam mo, sobrang saya ko na makilala pa ang pamilya mo. Naging komportable din si Papa na makachikahan ang Mommy at Daddy mo. Napakabait ng pamilya mo kaya sila na ang pinakagusto kong pamilya."

"At syempre iisa nalang tayo. Tsaka... Masama man ang tingin sa amin ng ilan dahil sa trabaho ni Dad, pero hindi maitatanggi na may kabutihan kaming nagawa sa iba kaya nagugustuhan din kami ng ilan at wala ring masabi sa amin.." inakbayan nya ako kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti ako kaya ngumisi sya at binaba ang mukha at hinalikan ako.

Tumikhim ang driver kaya napabitaw kami at mahinang natawa kami ni Benj bago umayos ng upo.

Dumating kami sa reception at napakaganda ng set-up. Para akong nasa kaharian na magaganda ang nakikita ko. Napakalaki na ng angkan ni Benj. At nakakatuwa na kompleto sila para saksihan ang kasal namin.

"Best wishes, guys." bati ni Emerald na katabi si Ruby. Ang mga maid of honors ko..

"May regalo kami guys sa inyo. Makakatulong din iyon para sa inyo." sabi ni Warren na katabi naman si Max na best man ni Benj.

"Thank you, guys. Nakareserve ang seat at table nyo. Salamat sa suporta." sabi ni Benj sa mga ito.

"Walang anuman. Saksi na kami sa hindi mapipigilan nyong pagmamahalan. Narito lang kami lagi para sa inyo. Kaya wag kayong magkakasakitan, magmahalan lang at paramihin nyo ang lahi nyo."

Gusto kong batakin ang buhok ni Emerald dahil sa sinabi nya. Na sinegunduhan pa tuloy nila Warren.

"Kaya mo 'yan, Benj. Alam namin na iyon ang pinapangarap mo." tukso ni Max habang tapik ang balikat ni Benj.

"Ul*l!"

Natawa kami at napailing nalang sa asaran. Iniwan na namin muna sila para lumapit sa aming table.

Agad din kaming pinagserve ng mga waiter kaya dahil gutom na talaga ako ay inumpisahan ko kaagad kainin.

"Uminom ka muna ng tubig, baka hindi ka matunawan."

Kinuha ko ang tubig na bigay ni Benj at uminom ako habang haplos nya ang likod ko.

"Kumain ka na rin at para mamaya ay makapagpahinga na tayo." sabi ko.

Benjamin Apollo FORD SERIES 8 ( COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon