Kabanata 13 - Hide Killer

22.7K 530 43
                                    

Kabanata 13 - Hide Killer



Anthony

Tumingin ako sa taong kaharap ko na syang nagbigay sa akin ng baril. Inaalog-alog nya ang alak habang nakangising nakatingin sa akin.

"Very good, Anthony. Manang-mana ka talaga sa akin."

Ngumisi ako at tumingin sa baril na hawak ko na syang pinangbaril ko sa ford na iyon. Pakiramdam ko ay lapat na lapat ito sa kamay ko at gamay na gamay ko.

"Anong plano nyo?" tanong ko.

Humalakhak sya at tinignan ako na tila ba may mas sasama pa sa plano nya.

"Go with the flow, Anthony. You know what I mean."

Tumango ako at napangiti. Oras na makasal kami ni Nyebe, tiyak na mas maganda ang lahat na mangyayari.

-

Nyebe

Nakahawak ako sa kurtina habang nakatanaw sa bintana mula rito sa kwarto ko. Malakas ang patak ng ulan at sobra akong napapaisip kung kamusta na ba si Benj. Hindi ako mapakali at nais kong malaman kung naligtas ba sya at may nagdala ba sa kanya sa hospital.

Dahil kapag iisipin ko na hanggang ngayon ay nandoon parin sya sa yate mag-isa at hindi man lang nalaman ng pamilya nya ang kalagayan nya ay natatakot ako na baka wala na sya. Na baka inaalon na rin sa malayo ang yate nya hanggang lumubog at walang makakita.

Napapahid ako ng luha ko dahil sobra akong nakokonsensya sa ginawa ko. Kung saan ay hindi ako tumawag ay sana hindi mangyayari kay Benj iyon. Baka ngayon rin ay kasama ko na rin sila Mama.

Napatigil ako sa pag-iyak ng may kumatok at kasunod ay ang pagbukas ng pinto. Hindi ako lumingon at nanatili lamang akong nakatingin sa labas ng bintana habang tinitignan ang patak ng ulan.

"Anak Nyebe.." si Daddy Douglas.

Lumingon ako at nakita ko syang nakatingin sa akin na may pag-aalala. Lumapit sya sa kama ko at naupo habang hawak nya ang kanyang tungkod.

"Nalaman ko ang nangyari.. At nalaman ko na bumalik na ang iyong alaala."

"Daddy Douglas, gusto ko hong umalis at puntahan si Benj sa yate. May tama ho sya ng baril."

Pinigil nya ako sa pagsalita at napabuntong-hininga sya.

"Tumawag ako sa mga ford upang malaman kung alam ba nila ang nangyari sa bunso nilang anak. Nasabi sa akin ni Mrs. Ford na nasa hospital daw ang anak nya at inoobserbahan ng mga doctor.."

Bigla ay nabawasan ang pag-aalala ko dahil mabuti't nadala sa hospital si Benj.

"Saang hospital daw po dinala? Pwede ho kaya akong bumisita?"

Ngumiti si Daddy Douglas, "Oo naman. Sasama kita upang hindi ka naman malagay muli sa alanganin." tumayo sya at naglakad palapit sa akin at huminto rin habang parehong kamay ang nakahawak sa tungkod at tumingin sya sa labas ng bintana, "Ngayong nakakaalala ka na ay tiyak na alam mo na rin kung sino ang tunay mong pamilya. Hindi kita pipilitin na manatili sa akin dahil matagal ka ring nalayo sa tunay mong pamilya." tumingin sya sa akin na malungkot, "Basta ay wag mo akong kakalimutan lalo na't dalawin.."

Napangiti ako sa sinabi nya at napalapit ako sa kanya bago napayakap.

"Salamat po, Daddy Douglas. Maraming-maraming salamat po."

Hinaplos nya ang likod ko, "Anak, ang hiling ko lang sana ay matuloy ang kasal nyo ni Anthony."

Natigilan ako at napabuntong-hininga. Napapikit ako at tumango dahil kahit nag-aalangan na ako na pakasalan si Anthony lalo't bumalik na ang alaala ko at mas hinahanap ng puso ko si Benj, ay matutuloy parin ang kasal lalo't naasikaso na ni Anthony ang kasal namin. Gusto ko man na tanggihan si Daddy Douglas pero naalala ko ang lahat ng ginawa nila sa akin.

Benjamin Apollo FORD SERIES 8 ( COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon