Kabanata 16 - Robbed

24.1K 541 18
                                    

Kabanata 16 - Robbed

Nyebe

Umalis muna si Benj at umuwi sa kanila para iwanan kami ng Papa ko. Hindi ako makapaniwala na sa tagal ng panahon ay ngayon lamang susulpot si Papa. Ang Papa ko na iniwan kami para bumalik sa una nyang pamilya. Napapaisip ako kung bakit sya bumalik.

Sobrang tahimik habang nakaupo ako sa mahabang sofa habang si Papa ay nasa kabila. Nakatingin ako sa kawalan habang pinipigil ko ang emosyon ko.

"Anak.."

Napapikit ako at sa pagpikit ko ay hindi ko mapigilan na mapaluha ng marinig ko muli galing sa isang tunay na ama ang tawagin kang anak.

"Bakit kayo nagpunta rito? Alam nyo po ba na wala na si Mama, pati sila Lolo at Lola."

"Alam ko, Anak. Kaya ako narito ay para makabawi sa'yo. Patawarin mo ako, Anak. Kung iniwan kita."

Dumilat ako at tumingin sa kanya, "Pa, for almost eight years, natutunan at natanggap ko na wala na akong aasahan na tunay na ama. Kahit mag-isa, napalaki parin ako ni Mama ng maayos. Hindi nya ako pinabayaan kahit nasa kabilang buhay na sya. Ako parin ang inaalala nya kahit kapalit ng buhay nya. Inayos na nya ang mga kailangan ko sa future kaya hindi ko na kayo kailangan."

Lumamlam ang mata ni Papa at napayuko. Nangayayat sya at tumanda ang itsura. Hindi katulad dati na maayos ang pangangatawan at gwapo. At pansin ko rin na may dala syang bag.

"Anak, patawarin mo ako. Nagsisisi ako na iniwan ko kayo. Nagawa ko lang naman iyon para hindi kayo ang pagbuntungan ng mga pinagkakautangan ko."

Napapahid ako ng luha at naguluhan akong nakatingin sa kanya.

"Anong ibig nyong sabihin?"

Napahinga sya ng malalim at napahilamos ng mukha. Nabigla ako ng lumuhod sya sa akin.

"Anak, pasensya na kung dahil sa akin kaya namatay ang Mama mo."

Napalunok ako at nanginig, "Anong ibig nyong sabihin?"

"D-Dahil sa akin kaya ninanais ka ng mag-ama. Nila Kenedy."

Napamaang ako at napatayo, "Ano! Anong ginawa nyo, Papa?!"

Tumingala sya sa akin habang nagsusumamo ang mukha.

"Anak, pasensya na. Hindi ko nais na ipagpalit ka para makabayad ako sa kanila. Binubugbog ako ng grupo ni Kenedy para maglabas ng pera, pero wala akong perang maibigay sa kanila. Nang makita ng anak ni Kenedy ang larawan mo sa dati nating bahay ay napag-interesan ka nya. K-Kaya.."

Bumigat ang hininga ko at napakuyom ako ng kamay sa nalaman ko.

"Kaya binenta nyo ako?! Wala kayong kasing sama! Dahil sa inyo kaya nawalay ako kela Mama! Dahil sa inyo kaya namatay si Mama! Hindi ko kayang patawarin ka, Papa! Napakasama nyo!"

Napaluhod ako sa sobrang panlalata at sakit sa dibdib ng malaman na ang mismong Papa ko pa ang naglagay sa buhay namin sa panganib. Napakasakit at halos gusto ko syang isumpa.

Ambang hahawakan nya ako ay hinawi ko ang kamay nya at tumayo ako. Humikbi-hikbi ako at tinalikuran sya.

"Umalis na kayo, Papa. Bumalik nalang kayo sa Japan at yung pamilya nyo nalang sa una ang mas pagtuunan nyo."

Naglakad ako habang hindi matigil sa pagpatak ang luha ko. Jusko. Wala na bang katapusan itong sakit. Tila mula teen ager at hanggang sa pag tanda ko ay dala-dala ko ang ganitong damdamin.

"Anak, wala na akong mauuwian. Pakiusap, hindi na ako gagawa ng ano mang makakasakit sa'yo. Tanggapin mo muli ako."

Napatigil ako at napapikit ako pero dumeretso ulit ako ng lakad. Umakyat ako sa kwarto ko at padapa akong nahiga habang umiiyak.

Benjamin Apollo FORD SERIES 8 ( COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon