9

321 8 0
                                    

Allison's POV
Nakakalito ang mga kaganapan ngayon. Hindi ko nga alam kung totoo ba ang mga ito o pawang panaginip lamang. Pwede ring bunga ng imahinasyon kong masasabi mong wild. Tama kaya sina Treena? Na darating ang araw na masisiraan ako ng bait at gagawa ako ng sarili kong mundo sa loob ng sarili kong isipan? Ito na kaya ang araw na yun? But why does it feel like it's not the case? The feeling is so familiar and I don't know why.

"Krista, whatever the heck you're planning, stop. Fucking stop," narinig kong malamig na sabi ni Matthew.

"That's ate Krista for you," sagot ng ate niya na nakangiti pa na para bang nakakaloko.

"Paalisin mo na siya ngayon din."
Tumalikod si Matthew at nagsimulang maglakad paalis nang bigla siyang mapahinto matapos magsalitang muli ang ate Krista niya.

"Don't think you can run away from the truth forever, Matthew."

Bakit parang biglang mas naging tensed ang aura ng paligid?

"Tell her the truth, brother. She deserves to know."

Hindi pa rin sumasagot si Matthew. Nanatili siyang nakatayo na parang estatwa.

This time, humarap sa akin si Krista at nginitian ako.

"Fine then. Ako na ang magsasabi sa kanya," sabi nito.




"You were just ten years old back then," nagsimulang magsalita si Matthew kahit nakatalikod pa din.

Ngumiti si Krista.

"You were always stuck in your room. Minsan ka lang palabasin ng mga magulang mo, at sa backyard niyo pa." He chuckled.

Flashback

Malawak ang bakuran ng pamilya Redberry. In-occupy mostly ng malaking flower garden ni Mrs. Redberry ang area kaya naman colorful ito at kahit papano ay nagkabuhay ang backyard. Mayayabong at naglalakihang puno naman ang kabilang banda. Pinagbabawal ng mga magulang ni Allison na pasukin niya ang kagubatang ito sapagkat maari siyang maligaw kung nagkataon. Allison likes breaking rules at may katigasan din ang ulo niya, subalit dahil nga sa sakit niya, she wouldn't dare.

"Allison, umakyat ka na sa kwarto mo mamaya at pupuntahan ko muna sa kabilang street yung salon na pinaayusan ko nitong buhok ko. Irereklamo ko itong gawa nila sa buhok ko. Tingnan mo, ang dry!" Nagmamadaling sabi ni Mrs. Redberry. "Just wait for me ah. Don't do anything reckless. Darating din ang dad mo maya-maya lang.

"Okay mom," simpleng sagot ni Allison habang hinahanap yung bookmark sa libro niya. "Gotcha," sabi niya nang mahanap ito. Subalit halos madapa siya nang mahipan ito ng pagkalamig lamig na hangin at inilipad sa dulo ng staircase ng porch nila.

Pinulot ito ni Allison at pinagpagan. Halos mapatalon naman siya nang makita ang isang puting pusa sa harap niya. At lalo siyang nagulat nang may bigla nalang dumating na isang binata at pinulot ang pusa.

"Sorry. Nakatakas kasi siya," sabi nito habang hinihimas ang fur ng kitten.

"It's okay," sagot lang ni Allison na nakatayo lang at medyo naninibago pa. "Uhmm...I think I'm gonna go inside already," sabi ni Allison, pero laking gulat niya nang hindi na kitten ang hawak ng binata, kundi isang kalapati na. Nanlalaki ang mga mata niya.

The boy chuckled. "Umm...magic?" Alanganin nitong sabi.

"Woah. How'd you do that?"

Ngumiti ito. "Magicians never reveal secrets to anybody."

"Ang daya naman," nag-pout si Allison.

"But I can do more magic tricks for you if you want."

"Well, I'd like that but I really have to go now..." nag-pause si Allison habang nag-iisip. " But I'd like to see more tomorrow."

He chuckled. "Tomorrow it is." Then he waved his hands goodbye.

End of Flashback

"You and I became great friends after that day," sabi ni Matthew at huminga nang malalim. "That's all for tonight. I'll tell you the rest of the story some other time."

With that, he left.
________________________________

Nagmistula namang mga sardinas na nakikipaghabulan sa oras sina Treena at Ash nang makipagsiksikan sila sa mga estudyanteng kakalabas lamang ng mga classroom nila para sa snack time.

"Excuse me. Excuse me. Coming through. Sorry. Excuse me po. Excuse lang po." Yun ang mga salitang nagpa-ulit ulit na lumabas sa bibig ni Treena bago nakarating sa classroom na target niyang puntahan. Inayos niya muna ang buhok niya at huminga ng malalim bago pumasok sa classroom na ito.

"Yo Treenz! Wait up," sabi naman ni Ash.

"Allison? Guys nasan si---Oh there you are!" Ani ni Treena habang papalapit sa babaeng nakatingin sa labas ng bintana na tila ba malalim ang iniisip. "Hoy babae! Saan ka ba nagpupupunta at pinag-alala mo pa kaming lahat?" Mataray na sabi ni Treena na nakapameywang pa.

Nagulat si Allison sa biglaang pagsulpot ng kaibigan at napahinga na lang nang malalim at tumingin muli sa kawalan.

"Saan ka ba napadpad?" Muling tanong ni Treena.

"Chill ka lang Treenz, umagang umaga eh," saway ni Ash.

Tinaasan naman ni Treena ng kilay si Ash. "Pano ako magch-chill eh halos di ako makatulog kagabi kakaisip kung okay lang ba si Allison? Asan ba siya? Ano bang problema niya? At kung ano-ano pang mga bagay."

"I'm sorry," mahinang sagot ni Allison. "I just went somewhere na alam kong walang basta-basta makakahanap sa akin. I just wanted a little peace of mind."

"Bakit hindi ka man lang tumawag or nagchat sa amin?" Tanong ni Ash.

Allison just shook her head. "I'm sorry for making you guys worry."

"Next time, sabihin mo sa amin kung nasaan ka para at least alam namin kung saan ka pupuntahan if something bad happens. Hindi ka naman namin guguluhin nung time na yun kung alam naman naming gusto mo lang mapag-isa," paliwanag ni Ash.

"I'm really---" Allison was cut off from her sentence nang biglang may magsalita na hindi niya inaasahan.

"I was with her. She wasn't alone."







I hope this suffice for now. Hehe. Sorry for the short chapter.😅 Please don't stop supporting this book.🙏 I really appreciate it whenever I read comments telling me to update.😅 It actually motivates me to continue this book. Teka ba't ba umi-english na naman ako? Hays. Basta nga yun! Kulitin niyo lang ako nang kulitin hangga't gusto niyo para mas ma-inspire akong ipagpatuloy 'to. Kasi honestly medyo nawawalan na ako ng inspirasyon para magsulat. Idk pero parang medyo nawawalan na ako ng gana. :(( But because of the comments at dahil rin sa nakita ko kung gaano kadami na palang tao ang nagbabasa nitong book ko, nag-decide akong ipagpatuloy talaga at i-improve pa lalo ang pagsusulat ko to feed y'all with better chapters. 😅

Anyways, happy almost 3k reads! 😱💕 Thank you so much guys! See y'all in the next chapters ahead.

♡cptnleilala

Fang FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon